Chereads / To My Youth (StudentxTeacher) / Chapter 32 - CHAPTER 31 Hindi siya para sa akin.

Chapter 32 - CHAPTER 31 Hindi siya para sa akin.

SAM'S POV

Kahit na kasama ko si Lance buong araw hindi ko maiwasang isipin ang nangyari kanina.

"Sam, may problema ba?" tanong ni Lance sa akin.

Nasa Ferris wheel kami ngayon. Kami lang dalawa dahil nauna ng umuwe si Joan.

Napabalik ako sa katinuan, "huh?...ah wala.." sabay tingin sa bintana.

"Sam, masaya ka ba talagang kasama ako?" seryosong tanong niya sa kin.

Tumingin sa kanya, "oo naman"

Deep-sigh, "Kasi (Yumuko)...kung masaya ka..... sana nakikita ko sa mukha mo (tumingin sa kin ng diretso)....kaya lang hindi eh" ang seryoso naman ata niya ngayon.

"Anong ibig mong sabihin?" medyo naguluhan ako sa sinabi niya. Masaya naman talaga ko ha ang dami kaya naming rides na nasakyan.

LANCE'S POV

Hindi ko na mapigilang ilabas ang tunay na nararamdaman ko na matagal kung tinago sa kanya.

AFTER A FEW MINUTES....

Looking at her while holding back my tears, "You're smiling at me but your thinking of him"

Sometimes,

"You're laughing with me but you're looking at him"

"You're looking at me but.....but(deep-sigh)...you still see me as him"

Nanlaki ang mga mata niya sa gulat dahil sa mga sinabi ko at hindi nakapagsalita. Unti-unti ring tumulo ang mga luha niya ng marealize niya na tama nga ako.

"Ano bang kulang?...Ano bang meron siya na wala ako?!" medyo napasigaw ako ng konti out of frustration.

Hinawakan niya ng mahigpit ang palda at yumuko, "I'm sorry" yun lang ang nasabi niya.

Hindi ko siya natiis at agad itong nilapitan,

Nakaluhod na hinawakan ang braso niya, "Alam ko naman sa simula pa lang gusto mo na siya eh...pero ...pero (hawak sa dibdib) ako tong matigas ang ulo na pinagpipilitan ang sarili sayo" niyakap ko siya ng mahigpit at hindi ko namalayang tumulo na rin ang luha.

Humagolgol siya iyak, "Hindi ko sinasadya na saktan ka (sniffling)...pinipilit ko naman na kalimutan siya eh...pero ang hirap lang talaga"

"Shhhh...Tahan na" sabay hagod ko sa likod niya.

"Naiintidihan ko naman yun. Sorry din kung dumadag pa ako sa alalahanin mo"..

AFTERWARDS...

Tahimik naming binabaybay ang daan pauwi sa kanila. Sobrang intense kasi nung nangyari sa amin kanina kaya walang gustong magsalita.

Gawa ng paalam ko kay Tita kanina, inuwe ko siya ng ligtas.

"Andito na tayo" sabi ko sa kanya na hindi pa rin tumingin sa mga mata niya.

Nahihiya ako sa pinagsasabi ko kanina tsaka baka natakot ko rin siya.

"Salamat sa pagsama sa akin ngayon..sige uwe nako"

Naka ilang hakbang nako ng bigla siyang yumakap sa likuran ko. Hindi ko inaasahan na gagawin niya it okay nagulat din ako.

"Salamat...dahil palagi kang nandyan sa tuwing kailangan kita pero sorry kung hindi ko masusuklian ang nararamdaman mo para sa'kin"

Tama kayo jan guys. Binasted niya ko kanina. Birthday ko pa naman. Ito na siguro ang pinakamalungkot na birthday sa tanang buhay ko.

Marami akong gustong sabihin sa kanya pero wag na lang.

Kumulas ako sa pagkakayakap sa kanya at ngumiti ng mapait.

Tumingin ako sa mga mata niya, "Salamat din at binigyan mo ko ng pagkakataong mahalin at alagaan ka...(clears throat)...pano ba yan maxadong gabi na....pumasok ka na sa loob" sige na habang kaya ko pang pigilan ang luha ko.

Binuksan na niya ang gate at...

"Sam" tinawag ko siya ulit kaya napalingon siya.

Kamay sa dibdib, "Puso" sabi ko.

Medyo nalito siya at kumunot ang noo,

"Puso.

.

.

.

puso mo ang wala ako na nasa kanya"

Yung tanong ko kanina kung ano bang kulang sa akin. Ako din ang nakasagot..at dahil nakita ko ang damit niyang puro puso.

"Paalam"

Ngumiting mapait at nagsimulang humakbang palayo sa kanya.

Alam kung masakit pero kailangan kung tanggapin na.... 'Hindi siya para sa akin'.

Sa tingin ko mahihirapan akong magmahal muli.