SAM'S POV
Napapansin ko tuwing umuuwi si Papa lately sa bahay nagagalit si Mama hanggang sa humatong na sa pag-aaway, nagsisigawan at minsan nagkakasakitan. Gusto kung magtanong kung bakit sila nag-aaway.
Hanggang isang araw pauwe kami ng school ni Kaycee naabutan namin silang nag-aaway kaya bigla ko silang inawat.
Humarang ako sa gitna nila, "Ma! Pa!..wag na kayo mag-away please"..pagmamakaawa ko. Naamoy-alak si Papa at nagwawala.
*PAK*
Nasamapal ako ni Papa ng malakas kaya napatilapon ako sa sahig.
Itinuro niya ang kanyang daliri sa akin, "Hoy Samantha wag ka maki-alam dito!" galit na sabi ni Papa habang hawak-hawak ang buhok ni Mama.
Tumakbo naman si Kaycee sa akin, "Ate!.." tapos tumingin siya "Mama!..Papa!" iyak na sabi ni Kaycee.
May kinuhang matulis na bagay si Papa habang hawak pa rin ang buhok ni Mama na uniiyak din.
At dinuro-duro kami, "Kayong dalawa.. wag kayong sumali dito!. Away ng matatanda ito!!" bulyaw ni papa at akmang sasaktan kami pero biglang nahawakan ni Mama ang kamay niya.
"WAG!! (sobbing)....please wag yung mga bata maawa ka" iyak niyang sabi habang hinihila ang laylayan ng damit nito.
Sa inis ni papa tinapon niya ang matulis na bagay sa harap ng salamin dahilin para ito'y mabasag.
Umiyak kami ng malakas na tatlo...
Nanlaki ang mga mata ko sa aking nasaksihan at tumingin kay Papa sa isip-isip ko 'Hindi..Hindi ito si Papa na nakilala ko..hindi ito yung malambing at palangiting kilala ko dahil ang nandito sa harapan ko ay isang halimaw...halimaw na kayang manakit ng tao...at ng mahal nila sa buhay. Ganito ba kadali magpalit ng anyo ang isang tao pag galit? Nakakatakot siya. Hindi siya si Papa'.
Pagkatapos niyang basagin ang salamin ay nakita niya aking nakatitig sa kanya kwenelyohan niya ko leeg pero bago paman niya ko masaktan ay gumapang si Mama papunta sa amin at hinawakan siya sa paa para pigilan..
"Wag!(sigaw).... Robert please.(umiiyak)" . Wag mo idamay ang mga bata....(unti-unting tumayo) Ako na lang...ako na lang" humawak na rin ng mahigpit sa kabilang paa si Kaycee na umiiyak.
"Papa!...wag po!!!!!!" pagmamakawa niya kay Pap para wag akong saktan.
Kaya binitiwan niya ko bigla dahilan para mapaupo ako sa sakit at pinasiwas din niya si Kaycee palayo sa kanya.
"PURO KAYO PABIGAT!!!!!" sigaw niya sabay sipa sa mga upuan at lamesa sa sala.
Hindi ko alam kung anong nangyayari. Ang dating akala kung masayang pamilya naging masalimuot na.
Kaya ang tanong ko sa aking sarili, "Bakit kami nagkaganito?" napatingin ako sa loob ng bahay na sobrang gulo, may mga basag na salamin sa sahig, halos hindi maitchurang upuan at lamesa.
Nagkaroon naman ng pagkakataong puntahan kami ni Mama, "Mga anak pumunta muna kayo sa kwarto sa taas" kalmadong sabi ni Mama pilit na pinapapunta kami sa taas.
"Ma!" iyak naming pareho ni Kaycee na parang ayaw naming iwan siya.
"SIGE NAA!!" sigaw ni mama samin na umiiyak...
Pilit niya kaming pinatayo, "Samantha..dalhin mo si Kaycee. umakyat na kayo sa taas DALI!!!...."pagtataboy ni mama sa amin.
"YAHHH!!" sumigaw ng mas malakas si Papa habang sinisira ang mga gamit namin sa sala. Kaya natakot na kami at pumanhik sa taas.
Bilin ni Mama sa amin, "Wag na wag kayong lumabas hanggang hindi ko sinasabi...(tumingin ng mabuti) Sam bantayan mo kapatid mo". Nagyakapan kami ng mahigpit at hinalikan niya kami sa ulo.
At sinara na niya ang pinto kaya hindi kami makalabas,
"Ma!..Ma!!" malakas na katok namin.....
"Ma! Please buksan mo yung pinto...Anong nangyayari?" tanong ko habang umiiyak pa rin ng malakas.
"PA!!!!, HUWAG MONG SAKTAN SI MAMA PLEASE!!!!!"..
Wala na rin kaming magawa kaya niyakap ko na lang si Kaycee. Mga ilang minuto pa ay naririnig na naming ang sigawan nila. Ang mas kinakatakot ko ay habang nag-aaway sila ay nagliliparan din ang mga plato at mga gamit sa bahay.
"Ateee(sobbing)..." I covered her ears at pilit na pinapakalma siya.
Habang tinitignan ko si Kaycee ay may bigla akong narealize na dapat sa pagkakataong ito since ako ang mas nakakatanda dapat ay magpakita ako ng tapang kaya imbis na humagulgol ako pinilit kong maging matatag para sa kanya.
Hindi lang sarili ko ang naisip ko kundi ang kapatid ko na sobrang bata pa ay nakita na ang mga pangyayaring ito. Napag-isip-isip ko ganyan ba talaga ang bawat pamilya mag-away?Pag nag-asawa ako, ganyan din ba kami ng asawa ko mag-away?Sobrang daming tanung na pumapasok sa isipan ko ngayon.
Akala ko pag bata ka masaya lang, wala kang problema hanggang sa nangyari ito.
Imagine how traumatic it is for 15 and 8-year old girls witnessing a huge fight between their parents? It's an experience that I will never forget for the rest of my life until I grow up. It's an experience that made me think about what really 'love' is.