SAM'S POV
Nung hapon din yung ay umuwe na ko. Most of the time ako lang ang umuuwe mag-isa pero ok lang since kilala ko namin ang mga tao sa lugar namin at ni minsan hindi pa naman ako napahamak. Wag naman sana.
Tumingin ako sa kalangitan, "Malapit na pa lang gumabi" Well ok lang wala naman ako masyadong assignments.
So I just enjoyed strolling and looking at the sky.
"Wow ang ganda naman tignan ng kalangitan. Sos kung may camera lang ako napicture-turan ko na siguro to. Kaya lang ang mahal non kaya ...Hai sana camera yung birthday gift ko this year kay papa." huminto muna ako at ginawang camera ang kamay ko.
*CLICK*
Kaya gusto kong maglakad kaysa sumakay sa tricycle eh. Pag may nakita akong magandang view hihinto muna ako para tignan to. Baka after 10 years hindi ko na to makita.
Masaya lang akong naglalakad pauwi pero parang may kakaiba na akong na fefeel kinalaunan. Kanina ko pa na papansin na parang may sumusunod sa akin. Baka magnanakaw kaya nilipat ko ang bag ko sa harapan at niyakap ito.
Binilisan ko na din ang paglalakad. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko ngayon.
"Sam, kumalma ka. Wag kang matakot" sabi ko sa sarili. Kailangan hindi ako matakot. Kaya habang papalapit na yung sumusunod sa'kin kinakapkap ko ang bulsa ko.
"Buti may ballpen ako" pwede nato pang self-defense.
Hinawakan ko ito ng mahigpit gamit ang aking mga kamay, huminto, pumukit at lumingon ako, saktong palapit na rin yung taong sumusunod sa likod ko kaya.....
1
2
3
GO!
"Wahhh! Yah! ahh! Yahhhhh ahh! wahhh! ahhh! ahhhhhhh!" sigaw ko parang kung fu lang. Ito kasi nakita ko sa TV idol ko si Jackie Chan eh.
Winasiwas ko ang ballpen na hawak ko para hindi siya makalapit at makapanakit sa akin.
After ilang minutes na pagod na rin ako.
At nagsalita na yung tao, "Anong.... ginagawa mo?"
Huh? Ba't parang pamilyar yung boses na yun?
I open my eyes and saw someone crosses his arms and standing on my left side...
Nauutal, "S---si---sir?....Anong ginagawa niyo dito sa bahay namin?" gulat na gulat tanong ko habang nasa ganoon pa ring posisyon.
Binuksan niya ang pintuan ng gate, "You mean 'bahay ko'?.
Ay Oo nga pala nasa ibang bahay ako nakatayo.
He looks at me and shook his head na parang nagpipigil ng tawa.
"I live here" binuksan niya ang pintuan ng bahay at pumasok.
I cover my mouth with my hands.
"dito .....di-dito...siya nAkaTiRa?!" Kumaripas naman ako ng takbo ako sa loob ng bahay at hinanap si Mama.
"Ma! Ma!" habang hinahangos pa.
"Oh?" nasa kusina siya naghahanda ng hapunan namin.
"Ma,....may(hinihingal).....may bago ba tayong kapit-bahay dyan sa tabi?" tinuro ko ang bahay na katabi namin kung saan pumasok si sir Arthur.
Tumingin din siya sa tinuro ko, "Ah..Uu.anak yan ni Tita Tess mo, nag-aral yan doon Maynila tapos umuwe sa bayan natin....balita ko sa school mo siya din nagtatrabaho...Bakit mo naitanong?"
Tumingin si Mama sa'kin at nag-aantay ng sagot pero kumaripas ako ng akyat sa kwarto at sumilip sa bintana.
Humawak sa kurtina, "So magkapit-bahay kami ng crush ko?" at nakita ko siya na naglalakad sa sala sa baba.
Tumalon ako sa higaan foam kasi guys.
I roll on the bed back and forth, "WaahAh!..hahahahahaha". I place a pillow on my mouth and 'Waaahhhhhhhh' Ang swerte ko.
Kinuha ko rin ang teddy bear sa gilid ng bed ko and shake it. 'Magkapit bahay kami ng crush ko'. Pati laruan kinakausap ko. Walang mapaglagyan ng kasiyahan ko ngayon. Wahahaha. Hindi ko maexplain.