SAM'S POV
KINABUKASAN........nagring na ang alarm clock ko
*KRING *KRING
Minulit ko ang aking mga mata at nakita ang orasan, "5 o'clock pa (tumingin sa bintana) madilim pa sa labas tulog muna ko ng konti"
Siyempre alam mo yung feeling na nasanay ka na sa summer vacation tapos biglang pasukan na pala kinabukasan? siyempre ang body clock mo hindi pa makapag-adjust. Pag nasa 1st week of class talaga mahirap gumising ng maaga.
Dahil malapit lang ang alarm clock ko sa'kin pinindot ko na dahil masyadong maingay eh. Maya-maya umakyat na rin si mama sa kwarto ko.
"Uy Sammie gumising ka na jan" sabi niya na medyo kalmado pa.
Nakita niyang nakakalat ang iba kong gamit sa sahig kaya naglinis muna siya.
Hindi pa rin ako magising kaya medyo nilakasan na niya "Sammie! sabi ng bumangon ka na jan!" Inalis na niya ang kumot ko.
"Ma, 5 minutes pa..Antok pa ko eh" natulog ako uli pero hindi na rin nakatiis si mama kaya....
Tinadyakan nako sa pwet "Gumising ka na jan at baka malate ka pa sa school!!".
Ginulo ko ang buhok ko sa inis, "haish..oo na po" bumangon na ko at umalis na si Mama pero syempre bagong gising kaya may 5 minutes munang nakatunga-nga at kumukurap.
Napatingin sa wall clock.
Napatayo ako sa kaba, "huh?6:35 na pala..parang 5:30 lang kanina ah..." dali-dali kung inayos ang mga notebook ko at inilagay sa bag at pumunta sa CR dahil naiihi nako.
Kumatok ako sa pinto,"Uy sinong nanjan sa CR?".
"Wait lang ate" si Kaycee(kapatid kong lalaki) pala ang nasa loob.
3 minutes later, "Bilisan mo!...ang tagal naman eh." Inis kung bulyaw sa kanya. Walling mode.
"Sandali lang ate" May klase din kasi siya ngayon at iisa lang ang banyo naman kaya..
I cross my legs, "Kanina ka pa eh..ba't ba ang tagal mo jan?BILISAN MO NA!..malapit na kung maihi dito" habang nagpipigil. Haiish ganito talaga araw-araw pag-isa lang banyo niyo intayan kayo. Ginawa ko na ang lahat eh, sumayaw, kumanta, umupo tapos tumalon para pigilan ang nararamdaman ko ngayon.Ang ending wala na kong lakas.
"Isa, pag hindi ka pa lumabas jan, gigibain ko tong pinto?" DALI NA!" at after 700 years lumabas na rin siya.
FAST FORWARD..
Pagkatapos kung kumain napatingin ako sa wall clock sa sala, "Eh 6:30 pa rin?"
Yun pala sira yung orasan ko sa taas buti na lang hindi ako malalate nito. Nakahinga ako ng maluwag don ah.
Lumabas na ko ng bahay since malapit lang school namin naglalakad lang ako.
"Ma, Alis na ko!" paalam ko.
Paglabas ko ng gate ay sakto naming palabas din niya sa kanila. Ano to meant to be?hehehe
Sayang babatiin ko sana siya ng 'Good morning' kaya lang medyo nakalayo na siya ng ilang hakbang kaya tumakbo naman ako ng konti para makahabol.
Ang isang hakbang niya parang tatlong hakbang ko na ata. Ang haba kasi ng biyas niya.
"Imaginin mo yun?Araw-araw ko siyang makakasama sa paglalakad tuwing umaga"
Dahil sa sobrang saya napa-slowmo turn ako sa kilig. 'Wooooahh'
Ito yung moments na sana naging mabagal ang pagtakbo ng oras para mas matagal ko siyang makasama.
Sa isip-isip ko, "Sana sa susunod magkatabi na tayo maglakad tapos hawak mo kamay ko" hehehe.
Infairness kinilig ako sa thought na yun.hehehe
"Hmmmmm...What if in the future makasabay ko siyang maglakad noh?. Kasi ngayon parang impossibleng mangyari yun. Bukod sa teacher ko siya at student niya ko, ang layo din ng agwat namin sa isa't-isa...8 years...parang kuya na siya. Pero crush lang naman eh wala naman sigurong masama di ba?"
Tsaka sino ba ang walang may crush?Kung wala ang sagot mo ang lungkot ng buhay.hehe.peace!
Habang naglalakad kami sobrang tuwa ko na minamasdan ang likod niya dahil dun may napansin akong shadow sa likod niya dahil paharap sa amin ang sinag ng araw kaya nagkaidea ako....
Kunwari hinahawakan ko ang shadow ng kamay niya sa likod. Hehe atleast kahit man lang dito mahawakan kita habang enjoy na enjoy ako sa trip ko hindi ko namalayang tumigil pala siya dahilan para mabunggo ko ang likod niya.
"Ahh" napapikit at napahawak ako sa noo ko.
Liningon niya ko sa likod para kumustahin, "Ok ka lang?" sabi niya na mukhang concern.
Pagdilat ko saktong mukha niya ang una kong nakita. Sobrang lapit pala niya sa akin.
Kaya napaatras ako ng konti at maout-of-balance pero buti na lang nahawakan niya ang likod ko, "Oh Ingat" sabi niya.
(Background sound: Crush by Mandy Moore)
♪ You know everything that I'm afraid of
You do everything I wish I did
Everybody wants you, everybody loves you
I know I should tell you how I feel
I wish everyone would disappear
Every time you call me, I'm too scared to be me
And I'm too shy to say
Ooh, I got a crush on you
I hope you feel the way that I do
I get a rush
When I'm with you
Ooh, I've got a crush on you
A crush on you ♪
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Ang alam ko lang sobrang pula na ng mukha ko sa kilig at hiya.
Kumurap-kurap na tinititigan siya, "Waahhh. Ang gwapo!!!. Ang ganda ng mga mata niya parang shining shimmering splendid, tapos...tapos ang tangos ng ilong, tapos..... "
Habang minamasdan ko siya ay unti-unti namang kumunot ang noo niya, "May sakit kaba?" May mainit na palad na dumampi sa noo, "Ang pula ng mukha mo"..
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Naku patay baka mahalata niya na kinilig lang ako kaya umayos na ako ng tayo hawak sa pisngi,
"A e i o u..Ok lang po ako."
Akalain mo yun nakompleto ko ang vowels sa nerbiyos?
Magalang na yumuko at saka tumakbo, "Sige po....una na po ako"
Nang nasa may gate nako ng school...
Lumingon ako sandali para tignan kung nasa likuran ko pa siya, "Hai (buntong-hininga at nakayuko) buti wala na siya...muntik na yun"
Tapos may biglang naalala kaya kinilig ulit, "Waah hahahahahahaha Nahawakan ko kamay niya" jump with joy.
May nagsalita naman sa gilid ko, "Iha, papasok ka ba o magtata-talon ka lang jan?"
Sabi Manong Guard na nakahalukipkip at iniintay ang sagot ko.
Himas sa batok, "Ah...papasok po" hiyang sambit ko at agad na pumasok sa loob.
Kill Joy naman toh si Manong Guard oh.
Ang saya ko na eh pinutol mo pa pero OK lang ang ganda agad ng bungad ng araw ko ngayon.