SAM'S POV
Sa sobrang lakas ng ulan kahapon at hindi ako nakapagdala ng payong, ito ang kinahantungan ko.
KINAUMAGAHAN....
*Achuuu achu achuuuuu*
Nasa higaan ako nakaratay dahil may lagnat, ubo at sipon ako ngayon.
"Ma, sama ako oho oho(ubo effect)" pagpupumilit ko dahil pupunta sila ni Kaycee sa Maynila ng dalawang araw para bisitahin ang lolo ko na nasa hospital.
Matagal ko ng gustong pumunta sa Maynila. Balita ko maganda daw doon at maraming naglalakihang buildings tsaka marami din daw artista.hehe
"Tumigil ka nga Sam..tignan mo nga yan sarili mo baka hindi ka rin makapasok sa airport bawal ang may sakit doon" sermon niya.
Hawak sa damit niya, "Sige na ma" paawa effect.
Tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak sa damit niya, "Ai nko wag matigas ang ulo oh ito (binigay niya ang gamot) inumin mo muna to at magpahinga ka na ulit" sabi niya habang nag-eempake.
Tumahik ako sandali...
"Pano ako?sino kasama ko dito?" Akong lang kaya mag-isa dito ngayon holiday.
"Tinawagan ko na sila Mang Raul at Aling Ester para samahan ka dito"
Haish nakakainis naman oh kung kailan makakapunta na kong Maynila saka nman ako nagkasit. Ang malas naman.
NG HAPON DING YUN...
Nagising akong mag-isa, medyo ok na ang pakiramdam ko kaya tumayo nako at bumaba pamuntang sala at ayon..
*NAKATUNGANGA MODE*
"Ang boring naman dito ano kaya ang magandang gawin?" tinignan ko ang bawat sulok ng sala at...
*TING!* (I have an idea)
May naisip akong magandang ideya pumunta ako sa kwarto ni Mama..
*Halukay sa drawer*
"AHA!" ang laki ng ngiti ko at excited na binuksan ang make-up kit ni mama buti iniwan niya to.hahaha.
Pagwala kasing tao sa bahay nagmemake-up akong mag-isa sa salamin at sinusuot ang mga dress ni Mama.
*Latag ng mga make-up, brushes, foundation sa minor table*
*Una, foundation muna. Nakita kong nilagay ni Mama to una eh*
*konting blush on sa kaliwa at kanang pisngi*
*Eyebrows, itong brown kasi uso ngayon*
*tapos super red lipstick*
Tingin sa salamin, "Ayan, ang ganda ko na"
Tumakbo ako sa closet at pumili ng damit, "Oy ito bagong dress ni Mama...pink..payborit kolor ko"
Pagtapos isuot naglakad sa harap ng salamin na parang model.
(Background music: Fashionista)
"Pak (pose sa kanan)...
Pak (Pose sa kaliwa)...
Pak (pose patalikod)...
Pak (Pose sa harapan)" .
Kaya minsan ang saya mag-isa sa bahay eh. Nagagawa mo ang mga kabaliwan mo.
Napahinto ako sa ginagawa ko ng....
*DING DONG*
May tao sa labas baka sina Mang Raul na yun dali-dali akong pumunta sa pintuan para buksan ito pero hindi ko inaasahan ang bumungad sa harapan ko...
"Hi....pwede bang pumasok?" sabi niya habang nakangiti.
Si sir Arthur!!!!!
Hindi pa ako nakapagsalita pero pumasok na agad siya sa bahay at ako naman sobrang gulat hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
"Anong ginagawa niya dito?!?" tanong ko sa sarili.
Tumingin saglit sa loob ng bahay at nagsalita, "Kinausap nga pala ako ni Ninang na bantayan ka muna habang wala pa sila Manong Raul baka daw kasi may gawin kang hindi maganda" at ngumisi naman siya.
"Ako?Grabe naman si Mama. Ako pa ba?" sa isip ko.
Linapit niya ang mukha ko sa mukha niya at lumapit na napakunot ang noo na hinawakan ang pisngi ko, "Nagmake-up ka ba?" pagtatakang tanong.
Namilog ang mga mata ko.
PATAY!!!!!
Nakalimutan ko naglaro pala ako kanina sa make-up ni mama kaya ito ang kinalabasan isama mo pa ang dress niya. Ang Galing.
Tinitigan niya ako ng mabuti at ngumiti siya, "Mas cute ka pag walang make-up" bigla namang siyang umalis at pumunta sa kusina. Naiwan naman akong nakatayo pa rin doon.
*BLINK BLINK BLINK*
Sumilip siya mula sa kusina, "Magbihis ka na at maghahanda na ko ng hapunan mo" utos niya.
Napabalik naman ako sa ulirat at kumaripas ng takbo sa kwarto ko para magbihis at binura ko na rin ang kulurite ko sa mukha.
"WaAAAhhh cute daw ako" sigaw ng walang sounds.
Ilang minuto pa ay bumaba na rin ako at dahan-dahang umupo sa sofa. Dapat behave ako ngayon eh. I-nun ko na ang TV at pasulyap-sulyap sa kusina.
"Maunong pala siyang magluto.....pwede na" hehe. Umandar na naman ang pagmalikot na imahinasyon ko.
Ano ba yan hindi ako makapagconcrete sa manunuod sa TV kasi ang focus ko nasa kanya.
Maya-maya pa ay nilapag na niya ang pagkain ko sa lamesa.
"Sam? " tawag niya
Lumingon sa gilid, "hmmm?"
"Gutom ka na ba?" Tumango lang ako, "Halika na kumain ka na dito"
Sinunod ko naman siya at umupo na sa lamesa. Kaya lang paano ako kakain kung nasa tapat ko siya?
Tumingin ako sa kanya at para bang sinasabi niya, 'kumain ka na look'
Kaya sumubo na rin ako, *slurp*
Nagluto kasi siya ng sabaw pampababa ng lagnat.
"Ano masarap ba?" tanong niya at hinihintay ang sagot ko at tumango lang din ako ulit.
Nakailang subo nako pero parang na.aawkward ako kasi tinitignan niya kung kumain.
Nagsalita na rin ako baka nagugutom na rin siya eh, "Ah-kayo po.. kumain na rin kayo" nahihiya kung anyaya.
"Naku tapos na kung kumain....tsaka sinisigurado ko lang na kumain ka baka (himas-batok) mapagalitan ako ni Ninang eh" tanggi niya sa alok ko.
Ah kaya pala bantay sirado ako ngayon.
Hmmp.
Susubo na sana ako ng bigla niyang kinapa ang noo ko dahilan para manlaki ang mata ko sa gulat.
*BLINK BLINK BLINK*
Tumitig muna siya saglit bago nagsalita, "Medyo mataas pa ang lagnat mo ah.....asan na yung gamot mo?"
Tinuro ko sa may gilid ng lamesa at kinuha niya naman.
Ipinakita ang gamot, "Pagkatapos mong kumain jan inumin mo na agad to"
Wala akong ibang masabi kaya tumango ulit ako at ngumiti na lang din siya.
May benefits din pala ang pagkakasakit ko, dalasan ko na kaya ito?hehehehe.