Chereads / To My Youth (StudentxTeacher) / Chapter 16 - CHAPTER 15 Who's jealous?

Chapter 16 - CHAPTER 15 Who's jealous?

SAM'S POV

BIYERNES NG UMAGA....11:45AM

Absent yung science teacher namin dahil may sakit daw kaya ito kami ang ingay sa loob ng classroom kanya-kanyang trip, may iba nagkwenkwentuhan, ang iba nagpapasahan ng bola, may nakaupo lang at nagbabasa pero ...

.

Ako?

Dumungaw lang naman sa may bintana nagbabakasakaling makita si crush at yun nga nakita ko siyang naglalakad sa may football field.

Laki ng ngiti at nilagay ko ang dalawang kamay ko sa mukha, "hai kompleto na araw ko"

Napatingin naman sa'kin si Joan, "Best, sino tinitignan mo jan?" sumunod ng tingin sa football field.

I pointed my finger at him while mouthing his name, "si sir Arthur"

Siyempre secret lang namin yun ayaw ko naman ipangalandakan na crush ko siya mahirap na. Ayoko ng tinutukso kaya 'Sssshhhh' secret lang natin yun.

Tumango naman siya, "Ahhh"

Nang binaling ko ulit ang tingin ko, may nakita akong hindi inaasahan.....may kasama siyang IBA!!!.

"Guys tignan niyo si sir Arthur at si Ma'am Mina oh"sabi nung isang classmate namin na nakadungaw din sa bintana.

Kaya nagkumpulan na rin yung ibang klasmyt namin.

"Sobrang bagay nila noh..para silang mga artista tignan" kilig na sabi nung isa pa.

Nakita kung kinuha niya ang mga libro na dala nung babae at masaya silang nagkwekwentuhan. Sumimangot at napaisip, "ehm mukhang bagay nga sila...actually kung titignan mo sila para silang magkasintahan"

Biglang akong kinalabit ni Joan, "Best, Ok ka lang?"

Sa tingin mo magiging ok pa ako sa narinig at nakikita ko ngayon?. Hmmp.

I cross my arms and rolled my eyes, nawalan tuloy ako ng gana.

At hindi pa rin sila natapos at may dumagdag pa sa kwento.

"Ito pa guys...nakita ko kanina si Sir may binigay na flowers kay Ma'am"

"Hala..talaga ba?"

"Ang sweet naman. Kakakakilig"

"Baka naman nanliligaw na siya?" tukso ng isa.

Hai..kailan ba sila matatapos ka ka tsitsis?Nakakainis.

*BELL RINGS*

Tumayo at nag-unat, "Hai salamat..LUNCH BREAK NA!" sigaw ni Joan.

Lumapit sa'kin, "Best, kain na tayo?" sabay hila ng isang braso ko para mapatayo ako kaya lang may nagsalita at lumapit sa kanya, "Ah Jo, pwede bang patulong doon sa assignment natin sa math?hindi ko kasi maintindihan eh" Kamot-ulo. Si Peter isa naming classmate pansin ko crush niya si Joan.hmmmmmm?

Tumingin muna sa sa'kin na parang nagmamakaawa at bigla namang nagsalita si Lance sa gilid ko na nag-eempake ng gamit, "Sige na tulungan mo na muna si Peter kami na lang ni Sam ang unang kakain, nagugutom na rin ako eh"

Wala nang nagawa si Joan at tumabi na kay Peter para turuan ito.

LANCE'S POV

Nakita kung nakaupo pa rin siya parang walang planong kumain at nakabusangot ang mukha kaya hinila ko ang kamay niya patayo, "Tayo na" sabay ngiti.

"Uy..wait lang..wala akong ganang kumain eh..ikaw na lang" reklamo niya habang pilit na tinatanggal ang kamay ko sa pagkakahawak sa kanya pero hindi ako nakinig at nagpatuloy sa paghila sa kanya patungo cafeteria.

Nakarating na rin kami sa may pila ng pagkain at kumuha ng kanya-kanyang try at iniabot sa kanya, "Pumili ka na, libre ko" alok ko sa kanya.

Napaisip siya saglit, "hmmm sige na nga mapilit ka eh" hehehe.

Ayun pumayag din gusto lang pala ng libre.hehehe.

Nang matapos kami pumili ng pagkain napatingin kami sa mga lamesa lahat ata may nakaupo na sabay kasing kumakain ang mga students, teachers at school staff dito.

"Puno na ata lahat" dismayado niyang sabi.

May nakita akong isa lang na kumakain sa dulo, "Ayun!" turo ko at naglakad papunta roon.

Nang makarating na kami may nakatalikod na teacher kaya nagpaalam muna ko , "Makikiupo po" sabi ko ng may galang nang inangat niya ang ulo niya,

"Go ahead" ay si sir Arthur pala na medyo nagulat ng makita kami at nakita rin ito ni Sam kaya napalayo siya ng konti na parang ayaw niyang umupo roon.

Hinila ko ang braso niya at pinaupo ko sa tapat ko. Nasa dulo din kasi ng upuan si sir bale magkatabi sila sa kabilang linya.

Nakita kung hindi komportable si Sam kaya hinawakan ko ang kamay niya para kumalma nagulat naman siya na ginawa ko at napatingin sa'kin, "Kumain na tayo" sabay ngiti.

Napadalas na ata ang pagngiti ko tuwing kasama siya ah.

Mukhang effective naman at nagsimula na siyang kumain ng pakonti-konti.

Sa kabilang dako naman tahimik na kumakain lang si Sir at may nagsalita sa likod ko, "Mikikiupo ako ha" si Ma'am Mina pala.

So bale ang magkatapat ngayon si sir Arthur at ma'am Mina at kami ni Sam.

Sakto parang date nila at date naming.hehehe

ARTHUR'S POV

Continuation....

Tahimik lang akong kumakain at nagmamasid sa dalawang katabi ko. Nakita ko sa gilid ng mata ko hinawakan niya ang kamay ni Sam at napatigil ako sa pagsubo. Hindi ko alam pero baka parang naiinis akong makita yun.?

May nagsalita naman sa harap ko, "Makikiupo ako ha" masayang wika ni Mina.

Ngumiti ng malaki, "Buti naman nahabutan pa kitang kumain.....palagi ka bang kumakain dito?" tanong niya at tumango lang din ako.

Medyo may pagkamadaldal din itong si Mina eh hindi ko na lang siya masyadong pinapansin kasi nakafocus ako sa ibang tao.

"Kuha lang ako ang drinks ha" paalam na sabi ni Sam sa kasama niya.

Biglang nabaling ang tingin ni Mina sa kanila, "Uy Lance ikaw pala" at nagngitian silang dalawa.

Nakita niyang may ibang plato sa katapat niya, " Sinong kasama mo?" tanong niya.

Tinuro si Sam.

Background story: Kilala ni Mina si Sam since naging estudyante niya sa Math ito nung 1st and 2nd year.

Pabalik-balik ang tingin niya sa dalawa na halatang may ibig sabihin, "Girlfriend mo?."

Hindi kumibo si Lance at ngumiti lang na makahulugan.

Napatingin ako kay Mina sa gulat at bumalik na rin si Sam sa upuan dala ang softdrinks nila.

"...bagay kayo" dugtong na parang tinutuko silang dalawa.

Halatang naconfused si Sam na kakarating lang at napatingin na rin kay Mina.

"Thank you po" sambit ni Lance.

Huh?. Thank you?dapat ang sabihin mo hindi...kasi hindi mo naman siya girlfriend di ba?

Nagkatitigan naman kami ni Lance ng ilang segundo at mula sa seryosong mukha bigla itong ngumiti na parang nang-aasar.

Tumingin una sa'kin tsaka kay Mina, "Kayo din po bagay kayo" Namilog ang mga mata ko hindi ko inaasahan ang naging tugon niya at kinilig naman si Mina sa sinabi niya na tumingin sa'kin.

"Naku..ganun ba." Tumawa na namumula ang mukha.

Liningon ko naman si Sam na nakatingin na pala sa akin na mukhang nagulat din pero bago pa ako makapagreak ay nagsalita na agad si Lance.

Kinuha ang bag niya, "Sam, bili tayo ng corneto.....dali" hinawakan ang balikat niya...ilang beses niya bang hahawakan ang kamay niya?Nag-init tuloy ang dugo ko.

Tumayo sila sa harap namin, "Sir, Ma'am, mauna na po kami" at umalis

"Oh sige" sagot ni Mina.

Waah. Parang tumaas ang presyon ng dugo ko sa batang yun ah.

Napahimas sa batok sa inis.