ARHUR'S POV
It's Sunday afternoon, nasa bahay nako ngayon nagbabasa ng lessons ko para bukas.
*Tok *Tok
"Nak, buksan mo muna ang pinto may tao ata." utos ni mama naghuhugas pa kasi siya ng mga plato.
Nang binuksan ko naman ito bumungad ang mukha ni....
"S-Sam, pasok ka" nagulat ako kasi bihira na lang siyang pumupunta sa bahay namin.
Sumilip si mama galing kusina, "Oh Sammie, ikaw pala.. pasok ka.. bakit iha anong kailangan mo?" Tanong niya rito
Aba't niligpasan lang ako na parang walang nakita ah. Anong problema nito?
Umupo siya sa dulo ng sofa at nasa kabilang side naman ako.
Nagsalita na rin siya, "Ah...pinabibigay po ni mama. Carbonarra po ito. (at iniabot kay mama na tuwang-tuwa naman) Napasobra po kasi ang paggawa ni Mama kaya naisipan niya pong ibigay ito sa inyo"
Inamoy ang binigay, "hmmm ang bango mukhang masarap ito ah. Ang sweet niyo naman ng mama mo. Oh sige ililipat ko muna ito sa ibang lalagyan ha. Art, asikasuhin mo nga si Sam" at pumunta siya sa kusina para isalin sa ibang lalagyan ang pagkaing dala ni Sam. Naiwan naman kaming dalawa sa sala.
I casually ask her, "Anong gusto mong inumin?"
Umiling lang siya meaning ayaw niya uminom. wow ha ako na nga tong namamagandang loob siya pa tong suplada.
Habang hinihintay namin si Mama nag-isip naman ako ng ibang tanong para hindi awkward.
Bigla kung naitanong habang nasa libro pa rin ang mga mata ko, "Are you two close?" wala lang curious ako.
Kumunot ang noo niya na parang nalilito sa tanong ko, "Hmmm?".
Tumingin nako sa kanya this time, "I mean Lance. Mukhang close kayo ng transfer student na yun ah" ang bilis lang kasi nilang naging close kaya curious ako.Wag kayong ano.
Walang imik lang siyang tumingin sa'kin,
"......."
Aba't parang walang narinig ah. Hindi ko mabasa iniisip niya.
Siya naman ang nagtanong this time, "At Bakit nyo pala naitanong SIR? "
Ba't ko nga ba natanong?Hindi ko rin alam eh?Ahmmm.
Kamot-ulong hinahanap ang tamang sagot, "Ahm..ano...mmmm..syempre studyante kita, tsaka isa pa close yung parents natin tsaka binilin ka sa'kin ng nanay mo,..tsaka---..."naghahanap pa rin ng matinong maiisasagot.
She turned her face to see my reaction, "So concern ka sa'kin SIR?" bakit ba palaging may-emphasis yung sir eh wala naman tayo sa school pwede naman niya akong tawagin sa pangalan ko.
Syempre concern ako studyante ko siya. Concern lang ako.
Eh ba't ka concern?Eh bakit nga ba ako concern.
Since hindi ko masagot ang tanong niya ang tanging nasambit ko na lang, "Don't trust anyone right away" payo ko sa kanya.
Bumaling uli siya ng tingin sa'kin, "Including you?"
Huh?Ba't nasali ako jan eh si Lance pinaguusapan dito.
Naghihinatay pa rin siya sa sagot ko pero nagsalita na si mama kaya naputol ang pag-uusap namin.
Inabot, "Iha, ito na yung Tupperware oh. Salamat ha.mukhang masarap yung Carbonarra tiyak madali tong maubos mamaya" giliw na giliw talaga siya pag si Sam ang kausap niya.
Tumayo, "Walang ano man po. Mauna na po ako tita...(tumingin siya sa'kin)..SIR..alis na po ako"..
Hindi pa ako nakapagsalita ay umalis na siya ng bahay. Sinundan naman ng tingin ni mama si Sam na tuwang-tuwa.
"Hai ang sweet talaga ng batang yun, sana may anak akong tulad niya, ang gandang bata pa" My mom really adore her so much.
I grab the book and continue reading, "Tsss" yun lang nasabi ko.
Humarap siya sa akin with matching twinkling eyes, "hay kung magkalapit lang kayo ng edad ni Sam bagay sana kayo" kilig na sabi ni mama.
Muntik na kong mabilaokan sa sarili kung laway sa narinig ko, "Ma, ayan ka na naman, estudyante ko siya remember...tsaka mas matanda ako sa kanya...Hindi pwede" mahinang sabi ko. Mahigit 8 years kasi ang gap namin ni Sam.
Yeah. I'm too old for her.
She's like just like a sister to me...I think?
Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang both shoulders ko, "Well pagtumanda na kayo hindi na naman mapapansin ang edad niyo" dugtong ni mama "Tsaka Age doesn't matter di ba?" and winked. Konsintedor din mama ko eh.
I shoved her away from me, "Ma" strikto kung sabi. Where did she get that idea? That's ridiculous.
Napapalakpak siya na parang may naisip na ideya at biglang tumayo sa harapan ko, "Oh OK..(place her one hand on her chin) so sa pinsan mo na lang na si Robert ko siya ipaparito paglumaki na si Sam.... sayang naman kung hindi siya mapunta sa pamilya natin...di ba? hahahaha" hmmp subukan mo lang ireto si Sam sa iba bata pa yun.
Hindi ko na napigilan at napatayo na rin, "Ma naman! Pwede ba wag niyo ngang ibenta si Sam iba" napipikon kung sabi pero tumawa lang siyang malakas. Nag-eenjoy talaga siya kapag naiinis ako.
Bigla siyang tumawa at nagzip ng mouthwith a sign 'OK'
Maya-maya pa ay sumilip galing sa kusina, "Sir, gusto mo ng Carbonarra na dala ni..... (smiling widely) Sam?" pangungulit na naman niya sa'kin.
She's teasing me again. I don't want her to get the wrong idea. Sam is just.....like a sister to me. Since binilin siya sa akin ni Ninang I think I'm just being protective to her sometimes. That's it. No more No less.
Minsan hindi ko talaga alam kung mama ko siya. Pero naalala ko hindi niya nasagot ang tanong ko kanina.hmmmmm
I jokingly glared at her saying "mamaya" syempre gusto ko rin kumain noh minsan lang bumisita ditto si Sam.