SAM'S POV
Biglang dumating yung homeroom teacher namin.
Tumayo sa harapan, "Good morning class!.....I have an important announcement to make so please sit down properly. You will have a new classmate today. Please come in" tawag niya doon sa studyante.
Pumasok naman ang matangkad at gwapo na lalaki pero yung awra niya ay parang badboy.
Umusog naman si Ma'am sa gilid, "Please introduce yourself" sabi ni Ma'am
He coldly says, "I'm Lance Montreal"tipid niyang sabi. Mukha namang natakot din ang mga kaklase ko sa kanya.
Wow sobrang nakakatakot yung presence niya grabe. Teka lang bakit pa siya lumipat ng school eh halos magmimidterm na?
Biniro ko si Joan, "Oh best, gwapo oh" Mahilig kasi siya sa gwapo eh.
"Oo best alam ko..... pero parang nakakatakot siya" She said while shivering with fear.
May nagbulungan sa likuran naman, "Hoy, alam mo ba galing sa private school yan, may business ang parents nila pero biglang humina kaya nailipat siya dito sa public school. Tsaka balita ko rin sinutok niya ang anak ng may-ari ng dati niyang school kaya naexpelled siya"
Nagkatingin kami ni Joan na nakikinig din pala sa mga chismosa sa likod.
Nako nakakatakot nga siya kung ganun.
Nagsalita ulit si Ma'am, "Class our midterm is coming so let's have our setting arrangement now. Everyone please stand up, get your things and come here in front."
Ito din talaga ang isa sa pinaka-ayaw ko eh yung sitting arrangement. Huhu. Hindi ko na makakasama si Joan nakakalungkot naman. Habang tinatawag na ni Ma'am ang mga uupo...
"Samantha Corpuz.....sit on the third row from your left side ..since matangkad ka naman and hmmmm ok Lance Montreal please sit next to Samantha"...
WhaAat?! Tabi kami?
Ok no choice tiis2 na lang ako.
Tahimik lang siyang umupo sa tabi ko.
"Yes nasa may bintana ako" at least makikita ko si Sir Art dumaan sa may football field sa baba. Tumingin ako sa kabila at nakita ko siyang tumingin sa kin at dahil friendly ako nagsmile ako sa kanya pero..
.
.
Tumingin siya sa kabilang banda na parang wala lang.hmmp.mapapalaban ako dito ah. Lumingon ako sa likod ko para hanapin si Joan at ang sabi lang niya 'laban' sign.huhu kasi nga katabi ko si Lance at 'Goodluck daw'
.
.
SUPER FAST FORWARD...
.
.
Mga ilang araw na akong hindi mapakali kalilingon sa bintana naghihintay dumaan si sir Arthur.
Magkaka-STIFF NECK yata ako dito.
Over looking kasi kaya makikita mo ang football field. Kaya sobrang saya ko.Wahaha.
Nakakadistract nga lang.
Lam niyo na guys minsan lang ako magkacrush kaya mag-ieffort nako. Lumilipad ang isip ko kaya hindi ko napansin tinatawag na pala ako ng science teacher ko.
"Corpuz...Samantha...Samantha Corpuz!" at yun nagulat na lang ako pinagtitingan na nila ako.
Tumayo ako bigla, "Ye-yes Ma'am"
pAtay!
Naku nakakatakot yung tingin ni Ma'am. HUhu.
Makikinig na ako next time.PROMISE!
Nagtaas siya ng kilay, "It is an energy which a body possesses by virtue of being in motion. What is it called?"
pAtay kang bata ka!.
Enegy?tapos Possess?Meron ba nun?
Balak ko sanang lumingon sa likod para humingi ng tulong kay Joan kaso hindi pwede..
Nakita kong hawak na niya ang eraser board. Feeling ko talaga lalanding yan sa mukha ko pag hindi ako nakasagot.huhuhu
Help! Help!
*Tik Tak *Tik Tak (nakisabay pa tong orasan sa pagpepressure sa akin)
"Ahmmm"
Patay anong isasagot ko?!..habang nag-iisip ako ng sagot.
Yumuko ako at may ipinakitang sulat si Lance kaya.."Ahmmm ahh kinetic energy Ma'am!" confident na sagot ko.
Tinignan muna niya ko ng masama, "Correct OK sit down...Next" Wew buti na lang tama.
Tinignan ko si Lance para sana magpasalamat kaya lang yumuko siya at ngumiti ng kaunti. Uy mas gwapo siya pag ngumiti at infairness mabait naman pala siya.