Chereads / To My Youth (StudentxTeacher) / Chapter 13 - CHAPTER 12 The unexpected

Chapter 13 - CHAPTER 12 The unexpected

SAM'S POV

NAGDAAN ANG MGA ILANG ARAW....

Lunch Break na kaya papunta na ako ng cafeteria.

"Best" hinug ako ni Joan.."Namiss kitang katabi....."

Tinulak ko siya palayo sa akin na kunwari nagtatampo, "Hmmmp eh may bagong bestfriend ka na ata eh?." Selos ako.

Hinawakan niya kamay ko, "Uy hindi ah hinding-hindi kita ipagpapalit kahit kanino..peks man mamatay man yung kapitbahay naming may kabit..hehehe" hahaha dinamay pa kapitbahay niya kawawa naman.

Havey yun Ah.haha

Habang pumipili ng pagkain sa cafeteria.

Bulong niya sa'kin.."Best, hindi na naman masarap ang mga pagkain dito. Tignan mo paulit-ulit na lang. Yung bihon wala man lang gulay, tas yung adobo tignan mo halos kalahati puro oil eewww" sabi niya habang umaakting na nasusuka.

Nahampas ko siya sa balikat, "Wag kang maingay baka marinig ka nila" kunurot ko siya sa gilid. Baka magalit yung nagseserve ng food.

"Hmmp..mas masarap pa yung tinitindang kwek-kwek at fishball sa labas ng school eh" She rolled eyes and crossed arms.

Wala din kaming choice eh hindi kasi pwedeng lumabas ng school tuwing school time for safety daw. Naghanap na kami ng mauupuan at saktong namang nakita naman si Lance na siya lang ang umuupo sa isang lamesa. Overcrowded na yung iba, ba't parang walang gustong umupo sa kanya?

Nilipag namin ang pagkain sa lamesa niya at sinabi ko, "Maikikiupo kami ha" paalam ko sa kanya.

He stares at me with blank face then pick up his food to leave pero hinawakan ko ang kamay niya at tiningnan siya. "wag ka ng umalis, wala ng ibang upuan" I said with a smile at bumalik nga siya sa upuan. Lunch break kasi kaya marami talagang tao.

"Hi, ako nga pala si Joan baka hindi mo pa ako nakikila. Classmate tayo" Inabot niya kamay niya pero hindi man lang ito pinansin kaya kinuha ko ang kamay niya para makipagshake hands kay Joan. Nagulat naman siya sa ginawa ko pero hindi naman nakapalag.

Buti na lang akala ko masusuntok ako ng di oras eh.

"Magpapakilala lang ang suplado pa" saway ko sa kanya.

Nagsimula ng dumaldal si Joan, "Ahm since katabi mo naman ang best friend ko pwedeng pakibantayan siya para sakin (umakbay) minsan kasi kung saan-saan lumilipad utak nito kaya nagkakaproblema eh. OK lang ba?"

Tumingin kami pareho ni Joan sa kanya although hindi siya nakatingin sa amin pero tumango lang siya as a sign of 'Yes'.

"hai salamat mababawasan na rin ang responsibilidad ko sa buhay" biro ni Joan.

"Grabe ka hindi naman ako ganun ka pabigat sayo ah"..tapos kinikiliti ko siya. At tinitignan na pala kami ni Lance na nakatawa ng slight at napansin ito ni Joan.

Napahinto kami sa pakikipagkulitan, "Uy alam mo mas gwapo ka pag nakangiti" Tumingin ako kanya "OO nga, sana palagi kang nakasmile" nagkatitigan kami ng kaunti pero bigla siyang yumuko nahiya ata.

Tumayo naman si Joan at nagpa-alam

"Maiwan ko muna kayong dalawa ha kasi pupunta muna ako sa library. Lance, ingatan mo tong bestfriend ko"

"Cge best" nagpaalam din ako.

Since kami na lang dalawa naiwan alam mo yung feeling na kahit sobrang ingay sa paligid mo hindi mo napapasin kasi nga sobrang awkward kayo ng kasama mo kaya tumayo na din ako at nagpaalam.

SPELL AWKWARD.....

K

A

M

I

.

.

Y

U

N

Tumayo akong bigla, "Ah cge Lance ha una nako" pero bago pa man ako umalis ay..

.

.

hinawakan niya ang balikat ko at tumayo sa likod ko. Sobrang lapit naming dalawa.

.

.

Nanlaki ang mata ko sa gulat, "A-anong ginagawa mo?!?" natataranta kung tanong ko sa kanya.

Bumulong siya malapit sa tenga ko, "May sasabihin ako sa'yo pero wag kang magagalit ha?"

Huh ?ano kaya yun?..

baka magconconfess siya sa kin although hindi naman ako assuming pero napapasin ko lang na palagi ko siyang nahuhuling nakatingin sa'kin eh.

"A—ano yun?" nauutal kong sabi sobrang curious din ako.

Hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko sabay sabing,

"May

.

.

.

.

.

.

.

.

Dugo ka sa palda."

.........T o b e c o n t i n u e.........