ARTHUR'S POV
NAGDAAN ANG ILANG MGA ARAW.....
It's Saturday morning and I'm here on the sofa reading a book quietly when loud laughter from the outside disturbs me.
Sumilip ako sa bintana at nakita ko si Sam kasama si Kaycee na naghahabulan sa may garden nila. Mukhang ang saya nila ah, I got curious so....
I put down the book and walk through the door and stretch my arms up high,
*Yawn*
I put my hands on my waist, looking at our garden,
"Hmmm, ano kaya ang pwedeng gawin?"
Then I see the hose and grab it, "magdidilig na lang ako"
Binuksan ko ang gripo ng tubig at nagsimulang magdilig ng mga halaman ni Mama. Pumunta muna ako sa kanan,
*Sipol2x kunwari*
Naglakad sa gitna,
*Dilig2x kunwari*
Pero curious lang talaga ako kung anong ginagawa nila sa kabila kaya lumipat na ko sa kaliwang side,
*Dilig2x kunwri*
Ayan sakto na to para hindi nila mahalata na tinitignan ko sila.
Nung una plano ko lang talaga tignan pero kinalaunan hindi ko na namalayan ay napatitig na pala ko sa kanya.
Enjoy na enjoy silang naglalaro ng water gun habang naghahabulan.
I unintentionally stare at her face and a thought came into my head,
"She's surprisingly.....beautiful"
Habang minamasdan ko siya ng mabuti may napansin akong kakaiba.
"Ang laki ng pinagbago niya noon cute lang siya pero ngayon gumaganda na siya. Tumangkad na rin siya ng kaunti".
And to think ilang months lang ang nakalipas. Ang bilis ng panahon.
Parang siyang bumalak na unti-unting bumubukadad.
"Her hair suits her well, her face is so small as well as her eyes, her nose is adorable and her lips are.....(she caught me looking at her)....."
I'm dead!
So I quickly look at the plants, water them and say,
"Hai nako mukhang uhaw na uhaw na kayo.....kawawa naman kayo" I said looking down while pretending to talk with the plants and took a peek if she's still looking at me buti na lang bumalik uli sila sa paglalaro.
Weew!
Maya-maya pa ay.....
"Nak?"
Nasa gilid pala si Mama nakatingin din sa akin sabay lingon ko,
"Aahh!" at naitapon ko yung hose sa gulat at napaupo ako sa damuhan. Magugulatin din kasi ako minsan.
Para po talaga siyang multo kasi may nilagay siyang cream sa buong mukha niya.
"Ma naman, hindi naman kayo multo ba't nangugulat kayo" reklamo ko at tumayo na rin.
Nakapamaywang, "Eh kasi naman kailan ka pa nagkainteres na diligan ang mga halaman ko?First time ko atang makita kang ganito"
Patay! Hindi naman talaga ang balak kong gawin may iba kasi akong tinitignan.
"Ah (Kamot-batok) ...syempre nagbabago din ang tao ma..tsaka nakita ko na parang patay na yung halaman mo. Masama ba ang maging concern?" palusot ko.
Tinignan naman ni mama ang mga halaman niya,
"Hala uu nga noh...salamat nak ha"
hoooh buti na lang naniwala siya.
Kinalaunan napansin din naman ni mama na naglalaro sila Sam sa garden nila kaya nginitian niya sila at bumalik ang tingin sa akin tapos kay Sam at sa akin ulit na para bang may something.
Naku baka mabisto ako kailangan ko ng umalis.
Binitiwan ko na yung hose at umalis na kunwari nagtatampo,
"Punta na nga lang po ako sa kwarto ko"
Kinuha ang libro sa sala at kumaripas ng takbo sa kwarto.
KINABUKASAN....
It's Sunday Morning and I'm preparing to go to church.
Kalalabas ko lang ng banyo at dahil good mood ako ay nagsound trip muna ako pero habang pasuot pa lang ako ng damit ay may napansin ako sa kama ko....
Lumapit ako ng kaunti para makita itong maigi, "Teka ano yan?..." may nakita kasi akong maitim na bagay sa dulo ng puting higaan ko at bigla itong lumipad sa mukha ko kaya...
"Ahhh! Ahhh! Ahhh! Aahhhhhhhhhhh!" Pinagsasampal ko ang mukha ko.
I shouted with all my might dahil may IPISssss!.
Pinaka-ayaw ko sa lahat ang ipis kahit pakainin niyo pa ako ng daga o ahas wag lang akong makakita ng IPIS.huhuhuhuhu. Alam mo yun nakakatakot yun yung paglumipad siya palapit sayo.
Eewww!
Napasigaw din ako, "Ahhhhhhhh! ipissssss!" nagtata-takbo ako sa loob ng kwarto, nagtata-talon sa higaan buti na lang foam ng bigla ito lumipad sa direksyon ko kaya..
Binuksan ko ang pintuan ko, "Ahhhh Maaaaa may IPISsssss!" at dali-daling lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdan.
Nakapikit parin ang mga mata ko sa takot, "Ahhhh Shhh Ahhh Hhakjdlkhihhks!" nung nasa sala na ako ay di ko inaasahan ang nakita ko...
Si Ninang Miranda at si...si...si...SAM?! kasama ang nanay ko nakaupo sa sala. Nakalimutan ko sumasabay pala sila minsan pagnagsisimba kami.
(Background Story: Matagal ng magkakilala sila Mama at Ninang Miranda. Kaya nung pinanganak ako ay naging Ninang ko siya)
Natigilan si mama sa pagsalin ng juice kay Ninang habang tinatakpan niya ang mga mata ni Sam na may hawak na basong may juice na natutula din.
At baka nakakalimutan niyo nakaboxer shorts lang ako ngayon. Walang pang-itaas at pantalon. Isipin niyo na lang ito ang unang makikita nila bago pumunta ng simbahan?Cge nga?.
Sobra sobra ang hiya na nararamdaman ko ngayon pero kailangan kung malusotan ito.
I slowly get the book beside me to cover myself down there and confidently say, "May ipis sa taas, patayin ko lang" sabay akyat sa taas habang sila mama naman...
Nagkatingin ang dalawa at...
"Ha..Ha...hahahaha" nahihiyang tawa ni Aling Tess.
Sumagot naman ng tawa si Aling Miranda, "Haha..hahaha" at tumingin sa kabilang side na parang nashock rin sa pangyayari.
"..ha..ha...ha.ha.ha." Tawa ni Aling Tess sabay lagay sa pitsel sa lamesa at uminom.
"ha..ha.ha" sabay inom din ng juice ni Aling Miranda.
They awkwardly laughed together at si Sam naman ay natulala pa rin sa pangyayari.
SAM'S POV
KINAGABIHAN NG ARAW DING YUN....
It's Sunday Evening habang seryoso akong gumagawa ng assignsment ko may bigla sumagi sa isip ko..
*SHORT FLASHBACK* (Nung nakita niya si Arthur na nakaboxers lang)
I shook my head and slap my self, "Focus Sam. Focus" after 5 minutes of concentration a sudden thought interrupted my brain "Wahahahahaha"
Humahangos sa sobrang tawa tapos may narealize,
" Hmm wala pala siyang abs hahahaha" tapos gulong gulong sa kama.
Dahil sa incident na yun hindi ako mkapagconcentrate sa paggawa ng homework ko.haha.
AFTER another 10 minutes, antok na antok akong gumawa ng assignments at....
* grrrrrrr--*
Ibig sabihin ay gutom ako at kailangan ko ng snack kaya bumaba na ako papuntang kusina. Nakita ko si mama naghuhugas ng plato kaya pasimple akong uminom ng tubig sa ref, may kinuha at tinago ko sa tiyan ko para hindi makita ni mama.
Curious ba kayo anong kinuha ko?...
Tsadang!....
"NOODLES"
hehehehehe.
Kung ang ibang tao ay liluluto ito, ang ibang tao rin naman ay ginagawa itong 'SNACK'. Hahaha.
Oo alam ko hindi ito healthy pero hayaan mo na ko paminsan-minsan lang ito.
So ang tanong paano ginagawang snack ang noodles? Simple lang ang steps guys..
· Una, buksan ang noodles.
· Pangalawa, durugin ang noodle sa loob pero wag naman masyado.
· Pangatlo, lagyan ng konting seasoning para sa pampalasa.
· Paalala: wag mong ubusin ang seasoning makakasama yan sa health mo concern kaya ako sayo.
· Huli, it's ready to serve. Kaya kain na!
At jan po nagtatapos ang 'Noodles As A Snack Tutorial Ni Sam' sa susunod na eposide. Hanggang sa muli. Paalam.heheh.