SAM'S POV
OUR NEXT CLASS IS ENGLISH.
May lumapit sa'kin, "Uy Sam may assignment ka ba?" Student1
Napakamot ako sa ulo, "Huh may assignment ba? Ba't hindi ko alam?" Gulat na tanong ko.
Nagsalita ang iba, "Ako nga rin eh hindi ko nagawa yung assignment" Student2
Nanlaki ang mga mata ko sa takot, "Naku patay tayo..Asan na ba si Joan baka nakagawa siya ng assignment hintayin na lang natin" Joan asan ka na hindi ko nagawa assignment natin.Kaw nalang pag-asa ko.
Then may nag-suggest, "Guys wag niyo na lang ipaalala kay Ma'am. Tayo nga hindi natin naalala." Student3
"Oh sige2"..pag mga ganito talagang bagay nagkakasundo kaming lahat.hehe
Ayan na si Ma'am.
"Good morning class, you did not do well in our quiz last chapter so I do hope you study your notes now?"
"..." walang gustong sumagot kasi alam niyo na.
"OK so open your book on page 18 about 8 parts of Speech" Ayan na magsisimula na kami ng bagong topic buti nalimutan na ni Ma'am.hahaha.
Habang nagsusulat si Ma'am sa board, nagtingin kami ng mga kaklase ko na parang bang 'success' hindi niya naalala.
May biglang pumasok sa pintuan, "Sorry Ma'am I'm late"..si Eric yung genius sa amin.
"Sit down"...sabi ni Ma'am.
Pero bago pa siya makaupo, "Ay Ma'am yung assignment ko pala" at inilagay niya sa lamesa....
*BASAG*
Kaming lahat
Tinignan siya nung isang classmate namin na, 'Hoy, ba't mo sinabi kay ma'am na may assignment tayo!' look pero huli na ang lahat naalala na ni Ma'am at dumating naman si Joan at ipinasa din ang kanyang assignment. Wow nice one.
Napahinto si Ma'am sa pagsusulat, "Oh Yeah I almost forgot. Ok class please pass your assignments on the table buti pinaalala mo" tumingin siya kay Eric.
Kami naman tumingin sa kanya ng, 'Humanda ka sa'min mamaya' look
"Pabida naman masyado to si boy genius eh porket mayroon sa kanya. Nakakainis" reklamo nung isang klasmyt ko.
"Tss oo nga" Ayun no choice yung mga walang assignments kundi magreklamo at ang sama ng tingin nila doon sa nagpa-alala na may assignment.
Sabi ni Joan," Asan yung sayo?" na pabulong.
Nagkibit balikat ako saying 'Hindi ko nagawa'.Huhuhu. Bawas points na namin to sa grades ko.
MEANWHILE.....
Binilisan kung magsulat para makapag-excuse ako.
I raise my hand, "Mom, may I go out?" pinakita ko yung notes ko na tapos na.
"Ok, you may go"
YeesEs!
Kunwari pupunta akong CR pero ang gusto ko lang naman makita ay 'SIYA'
"La...la...la..la..." trip kung maghumming masaya ako eh. Makikita ko na naman crush ko.
Pagbaba ko ng hagdanan may nakakitang isang teacher sa akin, "Hey, where are you going?".Patay!
"Ah magsi-CR lang po Ma'am" Nasa 2nd floor yung room namin pero bumaba ako sa 1st floor.
Napailing siya, "Di ba may CR doon sa 2nd floor?" pagtataka niya.
Kumukurap at hinanahanap ang tamang sagot sa utak,
"Ah Eh kuan Ma'am, 'ANG PANGET' po ng CR doon dito sa 1st floor. Malinis po kasi kaya dito ako pumupunta kahit malayo"
Although nagpapalusot ako pero ang totoo naman talagang mabaho yung CR doon sa 2nd floor.
Narealize then niya na tama ako kaya, "Oo nga, tama ka...OK." Yes!
Nasa 4th section siya ngayon nagtuturo. Ang tanong paano ko nalaman? hehe secret. Stalker nah ako eh.bagong career ko. Gusto mong sumama?
Tumakbo na ako ng mabilis kasi sayang sa oras baka mapagalitan ako pero nung papalapit na sa room na tinuturuan niya ay...
Ilang hakbang na lang, "Oops!...slowly slowly " ayon umayos ako nang lakad tapos....
"face straight ...then look on the right" ayun nakita ko rin peripheral vision ko.
"Ang gwapo waAaAhH" hahahaha kilig on the inside.
Talon-talon ng kaunti. Wag pahalata.
Huminga muna ako ng malalim, "Ok na ko" kilig much. Sapat na akin ang msilayan ka kahit saglit lang.
...ayun nakita ko na siya kaya tumakbo na ako ulit ng mabilis.hahaha.
Alam niyo ba hindi lang yan ang ginawa ko para lang makita siya.
1. Nagvovolunteer ako minsang magdala ng mga test papers ng ibang teachers para makapasok sa faculty.
2. Naghahangout din ako sa library kahit hindi naman talaga ako mahilig magbasa
3. Umuupo din ako sa bench tuwing break time ko nagbabasakali na dumaan siya.