Chereads / To My Youth (StudentxTeacher) / Chapter 6 - CHAPTER 5 The moment I saw you

Chapter 6 - CHAPTER 5 The moment I saw you

SAM'S POV

Pagkatapos ng lunch break ay bumalik na rin kami sa classroom. Kasi public school kami so ang klase namin ay morning and afternoon.

May biglang nagsalita, "Uy guys ano sunod na subject natin?" tanong ni classmate1

Sinagot naman siya, "Math" classmate2

"Naku pinaka-ayaw ko na subject..makakatulog na naman ako nito" classmate1

*Yawn*

Inaantok na rin ako bali may 10 minutes left kaya umidlip muna ako saglit.

After ilang minutes may biglang pumasok sa classroom namin kaya napa...

"Oh My Gosh!" nagtiliaan na ang mga kaklase kung babae.

Sabi ni Classmate3, "Ang gwapo ng math teacher natin" sabay hampas sa katabi niyang lalaki na halatang kinikilig kaya napa-aray ito sa sakit.

Siniko ako ni Joan para gumising, "Uy best, gising Dali!"

Inangat ko ang ulo ko, "hmm?". Koskos mata ko at tinagnan ang pinagkakaguluhan nila at...

(Background song: Ode To My Father – Cranberries)

♪doo doo doo doo doo doo doo doo

♪doo doo doo doo doo doo doo doo

doo doo doo doo doo doo doo doo

doo doo doo doo doo doo doo doo

doo doo doo doo doo doo doo doo♪

*tsug *tsug *tsug

Heartbeat ko po yan ang lakas ng tibok ng puso ko ngayon.

Bakit ganun ngslowmo at nagblur lahat at para bang ang bumagal ang takbo ng orasan nung pumasok siya.

Humawak sa diddib, "ba't ang lakas nito?". Alam ko sobrang ingay ng paligid ko pero ba't parang nabingi ako at tanging tibok lng puso ko ang naririnig ko.

May kung anong bagay sa tiyan ko na di ko maipaliwanag baka natatae lang ako pero iba eh ang weird. Hindi talaga ako mahilig sa gwapo lalo na sa mga crush2 na yan pero ibang-iba talaga ang dating niya. Maamo ang mukha niya na para bang anghel tapos nakaputi pa siya.huhu. Tall, Dark and HandsomeJ

Best Day Everrrrrrr!

Habang nakatitig ako sa kanya nagtama ang mata namin tapos ng smile siya,

"Uy ngumiti siya sa'kin2x" wooooah.

For the first time in my 15 years of existence, char may CRUSH NAKO!. Let's Party!.hehehe.

Ganito pala ang feeling kaya mas naiintindihan ko na ngayon si Joan.whahaha.

Bigla namang nabagsak imagination ko nung pumunta agad siya sa lamesa at nagsalita,

"Class quiet!".Ayun tumahimik naman ang lahat.

"Good afternoon class, I will be your math teacher for this semester. I'm Arthur Perez. I just graduated this year so you will be my first class. I hope we can get along soon" sabi niya ng matipid na ngiti.

"Yes sir" at nainlove na lahat ng girls sa kanya. Tsk Tsk. Minsan lang nga ako magkacrush marami pang kalaban.

Siniko ako ni Joan "Uy best".

Nagsnap siya ng fingers sa harapan ko, "best?..hoy?"...(sinundot ako) crush mo noh?" sabay bulong niya sa'kin. Nahalata na sigurong natameme ako.

"Hindi ah" pagtanggi ko. Syempre todo deny pero halata pa rin.

"Ay sus kabisado na kita. Ako pa talaga ang niloko mo eh kabisado ko nga ilang beses ka umuutot sa isang araw.hahaha" bestfriend ko nga siya ang hirap magtago ng secret sa kanya eh.

Tinakpan ko bibig niya "Tss..tumahimik ka nga jan baka may makarinig".

Grabe siya hindi naman ako araw2 umuutot ha mga every other day lang.heheheh

Maya-maya ay nangungulit na naman siya, "Best, ang gwapo ng math teacher natin noh. Sigurado akong tataas ang grades ko nito" sabi niya.

Kumunot naman noo ko, "Huh?anong connect ng pagkagwapo niya sa grades mo" I'm confused.

Lumapit at bumulong sa'kin, "Syempre makikinig nako ng maayos, mag-aaral na ko ng mabuti kasi nga ang gwapo niya. Alam mo naman minsan nakadepende talaga ang grades ko sa hitsura ng teacher" which is may point din naman siya kasi ganyan din ako minsan. Aminin niyo kayo din?hehehe.

"Sabagay may point ka" I agree.

Habang nagchichika kami sa likod ay napasin pala ito ni crush kaya.

Napalingon siya habang nagsusulat sa board, "Hey, the two of you at the back. Be quiet. It's your first warning. Understood?"

Ay istrekto pala siya. Ang sungit!.

"Yes sir!" sabay na sabi namin..ayun first day of class napagalitan kami ito kasing si Joan masyadong madaldal nadadamay tuloy ako.

"Gwapo sana ang sungkit lang"..bulong ko sa sarili ko pero crush pa rin naman kita.

"Corpuz, Are you saying something?" wow ang lakas ng pandinig niya ha at tinawag niya pa name ko.

Woooaah!Alam niya ang name ko.

Ah may nametag pala.hehe

"No sir" Naku pasalamat ka crush kita.

In fairness ha first day of school may lecture agad hindi ba pwedeng 'Introduce Yourself' first or 'Ask Me Anything'? lesson agad?. After an hour of lecturing...

Binaba niya ang libro at humarap sa amin, "Class, do you understand?" tanong niya.

"Yes, sir!" We answered in unison.

Pero may bumulong sakin yung isang classmate ko "Naintindihan mo?"

Nagkibit-balikat na lang ako, "Hindi ko rin alam, ang hirap intindihin eh"sabi ko while mouthing.

"OK Class, get ¼ sheet of paper" Ayun ang daming nagreklamo pero bukod tangi yung isang kaklase kung nagtanong ng "1/4 sir?" Aminin niyo once in your life na tanong niyo rin yan sa teacher niyo.

Adik ¼ nga di ba paulit2?

"Uy pahinging ¼ " classmate4 at binigyan ko naman mabait ako eh.

"May ballpen ka?" binigayan ko rin girl's scout ako eh.

May sumondot sa likod ko, agad naman akong lumingon "Baka naman may extra paper ka pa jan hindi ko pala nadala yung akin?" Hehehe. Ngisi niya.

Ayun ang galing may mga classmate talaga tayong parang supplier ng school materials ang tingin sa atin. Tumingin ako sa table niya at ..wow kompleto sa baby powder, salamin, suklay at lipstick ah. Buti pa yan nadala mo eh gamit mo sa school?!?.. HINDI!. Kakapanggigil din eh pero binigyan ko na lang ayaw kong sinarain ang mood ko today.

Mga wala pang isang minuto ay kinilabit ako ulit,

Tumingin ako na parang naiinis na, "Ano na naman?", habang nakakuyom yung palad ko sa baba.

Hinawakan niya baraso ko, "Uy pacopy ha, hindi ko kasi talaga maintidihan yung lesson ni Sir eh masayadong mahirap kasi. Di bale pakokopyahin kita sa next quiz natin. Sige na oh" sabi niya habang hinila ang manggas ng sleeves ko. Grabe ha abosado masyado hindi porket mabait ako ay pagbibigyan na kita.

Kinalma ko muna ang sarili ko bago nagsalita, "Wala nga akong sagot oh (pinakita ang papel) paano kita bibigyan?" pero with all honesty hindi ko talaga alam medyo mahina din ako sa math eh. Hinihintay ko lang matapos si Joan sa pagsagot kasi magaling siya sa math eh lalo na paggusto niya ang teacher.

Nagsulat ako sa maliit na papel at pinakita sa kanya, "pakopya ko". Hindi kasi pwedeng magsalita baka 2 points na naman kami.

Naghand gesture siya ng 'Oo, wait lang'. At ayun na nga buti nakasurvive kami sa quiz.