Chereads / ILYSB / Chapter 14 - Chapter 14

Chapter 14 - Chapter 14

Nagulat si Paige ng marinig ang boses ni Tita Gina. Tumayo siya sa pagkakahiga at pinagbuksan ito ng pinto.

"May dala akong pagkain para sa iyo at para kay Charles." Nakangiting bungad nito. "Puntahan mo siya at baka hindi pa din kumakain iyon."

"P-Po?" dahil alas nuwebe na ng gabi. "Oras na po."

"Hay naku, nakakain ka na ba?"

Umiling siya.

"Si Charles kumain na ba bago mo siya iwanan?"

Umiling uli siya.

"Puwes, pagsaluhan ninyo ito. Hala, sige na at baka di mo pa maabutang gising iyon. Madalas pa man ding magutom iyon lalo na kapag nagtatrabaho."

Nang marinig ang huling sinabi ni Tita Gina ay dali-dali niyang kinuha ang mga pagkain na nakacontainer pa. Kaya siguro sarap na sarap ito sa pagkaing iniluto niya kanina. And she felt a bit worried about what Tita Gina said.