Chereads / ILYSB / Chapter 18 - Chapter 18

Chapter 18 - Chapter 18

Napangiti si Paige ng makita ang text message ni Charles. Kagabi pa iyon ng madaling-araw. Alas-tres siguro. Maya-maya ay nakita niya ang text sa kanya ni Tita Gina at sinabing patawarin na niya si Charles. Hindi na daw kasi nito alam anong gagawin kaya nagpatulong ito sa ginang. Humingi naman daw ito ng pasensiya sa ginang dahil sa pang-iistorbo nito.

"Sa tingin ko, nabihag mo na ang puso ng batang iyon. Nakita ko kasi sa mga mata niya ang matinding lungkot dahil nga daw galit ka. Masyado din siyang nag-aalala sa iyo." Narinig niyang sabi nito. Tinawagan pa kasi siya nito para humingi ng pasensiya. "Simula kasi ng magpunta siya dito sa probinsiya ay ang dami ng nagpapa-cute diyan pero hindi niya pinapansin ang mga iyon." Parang kinikilig na sabi nito.

Hindi na siya kumatok at dire-diretso na siyang pumasok sa bahay ni Charles. Nakita niyang may suot na apron ito. How could an apron make him sexier? He was taking her breath away. She wants to call him, but she was speechless.

Pwede bang ganoon na lang lagi ang makikita niya sa umaga? Na naka-apron si Charles habang may hawak itong kawali at nagsasalin na ngayon ito ng pagkain sa plato.

"Paige,"

Pakiramdam tuloy niya ay busog na siya dahil sa pagtawag nito sa pangalan niya at pagngiti nito sa kanya.

"I prepared breakfast for you. Sana magustuhan mo."

For me? Her heart surrendered. No one ever cooked for her. Meron siguro, iyong mama at daddy niya. Pero lalaki? Never!

"Thank you."

Nagsimula na silang kumain. At napakasarap ng mga niluto nito. Hindi niya alam na ganoon pala ito kagaling at kasarap magluto. Kaya pala parang expert ito ng nagpaluto ito sa kanya.

"Bakit mo ginawa iyon?" tanong niya.

Apologetic ang mukha nitong humarap sa kanya. "I don't mean to hurt you—"

Natawa siya. Hindi pa rin ito nakakapag-move on sa bagay na iyon. "Hindi iyon. Ang ibig kong sabihin. Bakit kinanta mo iyong kantang sinusulat mo ngayon? Hindi ba sabi mo hindi mo kinakanta ang mga isinusulat mo?"

"Ewan ko sa iyo. You made me do things I don't wanna do."

Bakit ba kilig na kilig siya? Di tuloy niya malunok ang kinakain.

"I like it. I'm sure magiging hit iyon. Para kanino ang kantang iyon, Charles?" Parang akmang-akma kasi para sa kanya.

"Someone special,"

Napasubo na lang uli siya sa kinakain ng marinig iyon mula dito. Ano ba kasing pumasok sa isip niya at iniisip niya na para sa kanya iyon? "Ganoon ba talaga ang passion mo? I mean, di ka nagsasawa sa pagsusulat? Nag-eenjoy ka?" change topic niya.

Tumango ito. "Iyon na ang pinangarap ko noon pa at ngayon. At masaya ako sa ginagawa ko. I could put into words those things I couldn't say."

"Ba't sobrang deep yata niyon?"

He just smiled as an answer.

"Bakit ganoon ka kung makapagsalita? Hashtag… no offense. I mean, bakit parang alam na alam mo ang pinagdadaanan ng mga sikat na tao? Dati ka bang singer? O artista?"

Matagal bago ito nagsalita. Hindi pa ba sila close nito para di siya pagkatiwalaan nito?

"Okey lang kung hindi mo sasagutin." Naiintindihan niya ito.

"M-May kakilala ako. Sikat na sikat siya pagkatapos ay na-in love. Hindi iyon nalaman ng mga fans niya dahil naitago niya ng maayos. Pero malalaman na lang niya na ginamit lang pala siya ng babae. That's why he was trying not to fall in love with anyone because they might not love him but his fame only."

"Pero hindi ako ganoon." Hindi niya maiwasang sabihin.

"Kung mamahalin ka ni Kaden at ipaglalaban ka niya. And he will lose his fame. Would you still love him?"

Sinusubukan ba nito ang kakayahan niyang magmahal? "Of course," mapagmalaking sabi niya. "Yes, he was famous and all. Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit na-in love ako sa kanya. It was him that I fell in love with and not as who he is in the world of entertainment. At kung matatanggap niya na mawawala ang kasikatan niya at ipaglalaban ako. Hindi ko ba mas lalong mamahalin siya? He could forget everything for me.���

Matagal at mataman ang ginagawang pagtitig ni Charles sa kanya. Parang may iniisip ito o kung ano habang nakatingin sa kanya. May narealize kaya ito?

"But I'm no longer head over heals to him."

"Buti naman,"

"Hmmp," ismid niya dito. And she was now head over heals over a different guy.

"Because his fake,"

Matalim niyang tinignan ito. Hindi na siya ganoon kaobssesed dito pero may konting pagtingin pa rin siya dito. At saka bakit ang bitter nito pagdating kay Kaden? "Ang dami mong alam. Teka nga," napansin niyang nakapaggitara at nakapagluto na ito. "Mukhang okey na yata ang kamay mo?"

"Oh, this?" Umakto itong hahawakan ang kamay nito at kunwari'y nasasaktan. "M-Medyo masakit pa nga, eh."

"Sinong niloko mo?"

Tumingin lang ito sa kanya at nag-me-make face na masakit daw ang kamay nito.

"Huwag kang mag-alala. Masakit man o hindi ang kamay mo ay aalagaan pa rin kita." Wait lang, saan ba nanggagaling ang mga pinagsasasabi ko? Dati ay ayaw niyang alagaan ito at ngayon namang okey na ito ay willing pa rin siyang alagaan ito?

Matamis ang ngiti nito. "Okey na pala siya. Ang galing kasi ng nurse ko."

She felt her heart smiled too.

"Let's go out tonight."

"Huh?" Parang mabibilaukan yata siya.