Chereads / ILYSB / Chapter 23 - Chapter 23

Chapter 23 - Chapter 23

"Alam mo bang noong nag-aaral ako. Music ang pinakamababang grade ko?"

Narinig niyang sabi ni Charles habang abala na ito ngayon sa pagtuturo sa kanya kung paano mag-piano. Dahil sa wakas ay natapos na niya ang project na hindi masolusyunan ng mga katrabaho niya.

Natawa siya dito. Charles is close to perfect but he wasn't and that makes him more attractive. "Talaga?" e napakagaling nitong magsulat. Diretso at tagos sa puso. At tatatak sa utak mo ang mga isinusulat nito. Masaya din siya na shi-neshare nito sa kanya ang mga iyon. Gusto daw kasi nitong marinig ang opinion niya.

Pagkatapos nitong mangunsumi sa kanya sa pagtuturo nitong mag-piano ay tinuruan naman siya nitong magluto. Mahirap pero okey lang. Si Charles naman ang teacher niya.

Every moment with him was indelible. He gave her so much memories she won't forget. Masaya siya sa naging desisyon niya na mag-stay kahit na alam niyang pagdating ng araw na iyon ay masasktan siya dahil kailangan na nilang bumalik sa mga normal na buhay nila. Hindi lang siya sigurado kung pagkatapos ng mga masasayang sandaling iyon ay makakapiling pa rin niya ito. Base kasi sa pananalita ni Charles ay parang tapos na din para sa kanila pero ramdam niyang mahal siya nito. She wanted to ask him about it but she's afraid. Baka hindi niya magustuhan ang isasagot nito.

In the meantime, she doesn't want to think about it. She will just enjoy every second with him.