"Tita Gina, bukas na po ang birthday ni Charles. Gusto ko po siyang sorpresahin." Sabi ni Paige sa mama ni Inah. Kausap niya ito sa cellphone.
"Anong plano natin? In kami diyan."
Tutulungan daw kasi ito ng mga kapitbahay nitong naging malapit kay Charles noong bagong salta ito sa lugar. Sinabi niya ang plano niya dito. Kaya naman hindi na muna siya dadalaw kay Charles ngayon.
Hanggang sa inumpisahan na nila ang pagpaplano. Maya-maya ay tumawag sa kanya si Charles at nandoon daw ito sa bahay niya. Niyayaya siya nitong magbeach. Sinabi naman ni Tita Gina na sumama siya dito dahil baka makahalata daw ito sa plano nila. Ang mga ito na lang daw ang bahala sa pagpe-prepare.