Chereads / ILYSB / Chapter 25 - Chapter 25

Chapter 25 - Chapter 25

"Buti at naisipan mong magbeach?" tanong ni Paige kay Charles. Pagabi na din kaya pakiramdam niya ay magiging romantic ang gabing iyon.

"I want to experience it with you. Isa pa, isa ang beach na ito sa memorable na lugar para sa akin."

Huminto sila sa paglalakad ng makarating sila sa dalampasigan. Naramdaman niya ang malamig na dagat.

"This is the place where I found you."

Tumalon yata sa sobrang tuwa ang puso niya. Tumitig siya dito na kanina pa yata nakatitig sa kanya. Suddenly, he was already claiming her mouth. She felt how crazy it was kissing him like that. It could awaken all her senses. Nakakabaliw ang bawat sensasyong ibinibigay nito sa kanya.

Naramdaman niya ang init ng palad nito sa katawan niya. Parang napapaso siya pero gustong-gusto niya ang pakiramdam. Bigla itong huminto ng itataas na nito ang damit niya.

"Let's swim."

Tumango siya at pagkatapos ay sabay silang tumakbo papuntang dagat. They swam, hugged and kissed under that romantic moonlight.

Nang mapagod sila ay humiga sila sa may dalampasigan habang nakayakap sila sa isa't-isa.

Pakiramdam niya ay sobrang lamig ng mga paa niya kaya hindi siya mapakali. She was brushing them against her feet so they will feel warmer. Pero di umepekto. She suddenly felt Charles one-foot touches hers. He brushed it with hers. His feet on hers felt like she was riding a rollercoaster.

"Thank you."

He smiled at her. "You're welcome."

"Charles,"

"Hmmm?" sagot nito habang nakapikit.

"Anong isang bagay ang gagawin mo kung walang pakialam ang mundo?" basta na lang pumasok sa isip niya ang tanong na iyon ng isang interviewer kay Kaden noon. Bigla lang siyang na-curious kung anong gagawin ni Charles.

"Me?" nag-isip ito. "Maybe I will go naked and run around the city. That was something I can't do." Saka ito tumawa.

What a coincidence! Ganoon na ganoon ang naaalala niyang isinagot din ni Kaden. Talagang parehong may common thing ang mga ito. She once looked at him. Talagang malaki ang pagkakahawig nito kay Kaden. Napangiti na lang siya ng makitang payapang-payapa ang mukha nito habang nakapikit. Nahawa tuloy siya dito kaya napapikit na din siya at tuluyang nakatulog.