Naghiyawan ang mga fans ni Kaden ng marinig ng mga ito ang intro ng bago niyang kanta. Iyon iyong kanta na sinusulat niya noong nasa Dagupan siya. Napakasuccessful ng kanta dahil hindi lang ito nagna-number one sa bansa kundi maging sa ibang bansa din. Masaya siya dahil doon.
But is he truly happy?
He should be happy. He should show his fans how inspired and happy he was. Kapag ipinakita niyang malungkot siya ay malulungkot din ang mga ito. Lalo na at kasalukuyan siyang nasa concert niya. Nagsimula na kasi ang concert tour niya. Nagsimula iyon ngayong gabi at sa isang araw mula ngayon ay sa Japan naman.
Nagsimula siyang umawit. "You were standing there… your eyes on the sun…" Tila may kung anong pumiga sa puso niya. "S-Something captured me…" Lumunok siya para ibsan ang paggaralgal ng boses niya. "It wasn't the sunrise, it was you." Paige popped into his head. She was smiling at him.
Dahil huminto siya sa pagkanta ay nagsimulang kumanta ang mga fans niya. "It wasn't the beach, it was you. It wasn't just the breeze of the wind, but it was your smile…"
He imagined Paige was on the crowd and she was singing with him. He was hoping that she heard his new song.
Kinalma niya ang sarili at nagpatuloy sa pagkanta. "You just left, don't know what to do…" May kung anong tumusok na naman sa kanyang puso. At sa pagkakataong iyon ay mas matindi. Na-i-imagine niya si Paige na paalis na ng bansa.
Pagkatapos malaman ni Paige ang totoo ay umalis na ito agad sa lugar at umuwi. He felt like his been torn into pieces again. Pakiramdam niya ay bumalik siya sa dati bago siya nagpunta sa lugar na iyon kung saan niya ito nakitang muli at lubusang nakilala. Yes, he was on the state of breaking down when he went there and Paige was the one who helped him. Pero noong umalis ito at magalit ito sa kanya ay parang bumalik siya sa dati. He felt like there's no way out.
Pero pinilit niyang magpakatatag. Magiging malakas siya para dito. Gagawin niya ang lahat mapatawad lang siya nito at makasama ulit pero hindi niya alam kung paano. Duwag siya dahil hindi niya alam paano niya ipaglalaban ito. But he contacted her dad. Humingi siya ng tawad dito at hiniling na alagaan nito si Paige para sa kanya. Mabait ang daddy nito dahil hindi ito nagalit sa kanya. At ito din ang nagsabi na aalis na ang anak nito papuntang America. At hindi alam ni Paige na may komunikasyon sila ng daddy nito.
"I felt a piece of me left… Seeing you leaving… my heart couldn't take it… Don't go…" His mind and heart were saying that Paige won't come back anymore. "I can't… I won't… I'm sorry…"
At that moment, he realized he doesn't want to lose Paige again. Hindi na niya hahayaan na masaktan ulit ito dahil sa kanya. He needs to be the man he was supposed to be. Alam niya na nasa Dagupan palang siya ay mahal na niya ito. Natatakot lang siyang masaktan ulit at mawala sa kanya ang lahat. Pero kung si Paige ang mawawala… "I'm gonna go nuts." Sabi ng isip niya.
"I-I'm sorry," kahit siya ay nagulat sa sinabi niya.
Gulat na gulat din ang mga fans niya sa sinabi niya. Matagal siyang nakatitig lang sa mga ito. Bumibigat ang dibdib niya. Pero hindi na niya pwedeng pakawalan ulit si Paige. Matagal na siyang nagtiis. At ito na ang tamang panahon para bawiin ito.
"I-I—" Ayaw niyang saktan ang mga fans niya pero hindi na niya mapigilan ang sarili. His mind and heart were speaking for him. "—love her."
Saka siya tumakbo palayo. Ang alam niya ay alas nuwebe ang flight ni Paige at hahabulin niya ito. Pipigilan niya ito.
"Kaden, anong gagawin mo?" pigil ni Danilo sa kanya. "Hindi ka pwedeng umalis ng basta-basta sa concert. Magagalit ang mga fans at baka magrefund sila. Magagalit ang—"
"It's fine. Babayaran ko sila."
Saka na niya nilagpasan ito. Ang dami pang ibang pumigil sa kanya pero hindi na siya magpapapigil. Dali-dali siyang nagpunta ng airport. Pagdating niya doon ay agad niyang hinanap si Paige. Pero walang Paige na nandoon.
Tinawagan niya ang ama nito. "Sir, nandito po ako sa airport. Hindi ko po makita si Paige."
"Nakaalis na si Paige. Kanina pa. Napaaga ang flight nila."
Tila nalaglag ang mga balikat niya. Hindi ito pwedeng mawala sa kanya. Hindi na niya kakayanin.
Tinawagan niya si Danilo. "I-book mo ako ng flight papuntang California. Ngayon na." Endorser siya ng isang sikat na airlines kaya pupwede siya sa biglaang pagbo-booked.
"California?" gulantang na sabi ni Danilo sa kanya. "You have a concert in Japan two days from now. Hindi ka pwedeng pumunta ng California."
"Kung hindi mo ako ipagbo-booked. Ako na lang," desidido niyang sabi.
"Kaden, alam kong mahal mo si Paige. Pero ang dami mo pang commitment na dapat na harapin."
"I'll face them after I chased Paige. She is the most important commitment right now, Danilo." Huminga siya ng malalim dahil sa paninikip ng dibdib niya. He's always been this hurt since the last day he saw her. "Please, try to understand—"
"Okay, I will book it now. Pero may isa akong kondisyon."
"Ano?"
"Bring Nico with you."
"Sure," nagtataka man ay pumayag siya.
"I will book it now."
"Thank you." He will prove to her that he was the best man for her. Na hindi na niya sasaktan ulit ito at magpapakatotoo na siya sa nararamdaman niya. He won't hold back anymore.
At wala siyang pakialam kung pinagtitinginan man siya ng mga tao ngayon. All he cared about now was Paige, just Paige.