Chereads / ILYSB / Chapter 31 - Chapter 31

Chapter 31 - Chapter 31

"Paging, paging… Ms. Paige Fonseca, please wait at the lounge."

Bakit kaya? Tanong ni Paige sa sarili.

Pagbaba niya ng eroplano ay dumiretso siya sa lounge kung saan gusto siyang magstay. May naging problema kaya sa passport niya or sa flight niya? Kung meron man dapat ay sa Pilipinas palang ay nasabi na.

Mahigit isang oras na ay wala pa ring tumatawag ulit sa kanya. Baka naman nagkamali lang ang airlines sa pagtawag sa pangalan niya. Aalis na siguro siya pagdating ni Anne dahil ito ang susundo sa kanya.

Nagtext na si Anne na malapit na ito sa airport kaya naman hinanda na niya ang sarili at ang mga bagahe niya. Sa labas na lang siguro niya ito hihintayin.

Malapit na siya sa labasan ng marinig ang pangalan niya.

"Paige Fonseca, listen to me or I won't give your necklace back."

Parang tumigil yata ang oras ng marinig niya ang pamilyar na boses na iyon. She's been longing for that voice for a long time now. She wants to see him. Pero paano niya makikita ito kung nandoon ito sa nag-a-announce. Hindi kaya ito ang nagpa-paging sa kanya kanina? At saka paano nito nalaman na nandoon na siya sa Amerika? And he will always have his way to make her listen to him.

"Paige, I'm sorry. I know I've been a jackass but please listen to me first."

Tumango siya kahit na hindi siya sigurado kung nakikita ba siya nito. Handa na siyang pakinggan ito. Hindi na siya duwag ngayon. Okey lang din kung masasaktan lang siya sa maririnig niya dito. Tatanggapin at papatawarin pa rin niya ito. Afterall, she has a lot of memories with him.

"Bago kita nakilala sa beach ay may nakita na ako dati na magandang babae sa isa sa mga concert ko. Siguro ay matagal na siyang nagpupunta sa mga concert ko pero iyon yung unang pagkakataon na nakita ko siya. She caught my eyes and made me not to forget about her. Pero iyon iyong una at huling pagkakataon na nakita ko siya. Basta ko na lang naramdaman na gusto ko siyang makita ulit. Honestly, ayokong maramdaman ang bagay na iyon. Hindi pwede. But there is something in me wanting to see her again. Na hindi na nangyari."

Her heart suddenly felt like it was on a roller coaster ride. Natatandaan niya ang araw na sinasabi nito. Iyon yung time na napansin na siya nito at kinantahan pa. Hinawakan pa nito ang kamay niya. First time niyang naramdaman na parang ang ganda-ganda niya dahil sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. Pero ng matapos ang kanta at ng bitawan nito ang kamay niya. Bumalik sa normal ang lahat. Na parang nasa magkabilang planeta ulit sila.

"Pero hindi ko na siya nakita ulit. I lost hope."

Nagrigodon ang puso niya at parang nag-upside down ito na parang roller coaster dahil gusto ulit siyang makita nito. Sampalin kaya niya ang sarili para magising? It felt unreal.

Hinintay niya ang susunod nitong sasabihin.

"This is your fault, Paige." Paninisi nito.

"Ano?" exaggerated na tanong niya kahit na ang mga tao lang na nandoon na nakikiusyoso ang makakarinig sa kanya.

"Time passed and I went to this place no one will recognize me. At saka ko siya nakita sa beach. Nakilala ko siya agad. I always trying to fight my own feelings. Pero wala akong nagawa. I suddenly found myself lying. Dahil hindi niya ako nakilala. Naramdaman ko na lang na gusto ko siyang makilala at makasama. I enjoy teasing her. I couldn't stop myself. Kung aamin ako sa kanya kung sino ako ay baka mawala ang chance na iyon at lumayo siya. Or… I don't know. I just don't want someone to fall in love with Kaden. I want a woman to fall in love with me knowing I am nobody."

Napakagat siya sa kanyang pang-ibabang labi para pigilan ang emosyong nararamdaman niya. Totoo ba ang sinasabi nito? Ganoon ba talaga ang naramdaman nito? Na nagsinungaling ito pero masaya siya sa dahilan nito? Hindi niya alam bakit ganoon pero kahit nasaktan siya ay naiintindihan na niya kung bakit nagawa nito iyon. "Charles?" Si Kaden ito at gawa-gawa nito ang pangalang Charles pero naging mas malalim ang nararamdaman niya dito kahit na nobody daw ito.

"B-Bakit?"

Narinig na tanong ng isang babae na parang kaedad niya na nagtanong out of nowhere. Sa tantiya niya ay fan din ito ni Kaden. Filipino din ito tulad niya. Pero hindi lang ang mga Filipino ang affected sa ginagawa ni Kaden. May mga foreigner na nagtataka lang sa nangyayari pero may mga foreigner din especially mga babae ang tila gustong may subtitle ang mga pinagsasabi ni Kaden.

Bakit nga ba?

"My fans knew I've never been in a relationship. Yes, they are right. Pero aaminin ko na dati na akong na-in love. Hindi naging kami pero muntik na. Mabuti na lang at nalaman ko mula sa kanya mismo ang totoo. Kinakausap niya ang kaibigan niya ng hindi ko sinasadyang marinig ang pinag-uusapan nila. Sinadya niyang paibigin ako dahil ako daw ang gagawin niyang steppingstone para sumikat siya. Dahil daw sikat na ako at magiging daan ako para sumikat din siya. It hurts me."

Parang mas doble yata ang sakit niyon sa kanya. Hindi niya alam na sinaktan ito ng ganoon katindi ng babae. That left Kaden not trusting anyone. So hindi ibang tao ang ikinukwento nito sa kanya kundi ito mismo. If she only knew about that… sana ay nasabi niya dito na walang kwentang babae ito. Na hindi nito deserve ang pagmamahal nito.

"And I always tell people that this is my ideal type or that. Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong ideal type ko. Pero sinasabi ko na ganito ang ideal type ko para lang may masabi. At noong makita ko iyong babae sa concert ko na walang make-up, naka white t-shirt lang at nakapants. I felt like I found my ideal type. Someone who's simple yet so pretty." He chuckled out of embarrassment. Tumikhim ito tanda ng pagseseryoso ulit nito. "Even before I met you, I know that I could fall in love with a woman if she doesn't know me but still fall in love with me."

I could fall in love with a woman… Kung kanina ay pakiramdam niya ay ang pakiramdam lang niya ang parang nagro-roller coaster. Ngayon ay siya na mismo. She felt like she rode it because of the mixed emotions she felt and it's killing her and making her feel alive at the same time. Nagagalit siya sa sarili kung bakit hindi niya pinakinggan ito at hindi lang basta sumakit ang loob niya dito.

"Hindi lang iyon…" huminto muna ito bago nagsalita uli. "Bago ako magpunta ng Dagupan. I felt like unmotivated, uninspired, lonely, unhappy, uncontented, pain and empty. I couldn't write songs and I felt like getting tired of what I truly love to do. Hindi ko alam bakit. I just don't feel anything. I don't even understand, and I don't like that feeling. Parang nakakabaliw. Hindi ko din masabi kahit na kanino ang nararamdaman kong ito." His voice kind of trembled when he remembers those feelings. "Somebody came and she numbed all these pains. I felt like I just didn't escape from it but got rid of it. Siguro ay dumating lang ako sa punto na pakiramdam ko may mali sa buhay ko. O may nawawala."

"Kaden?" tawag niya sa pangalan nito. Hindi niya alam na ganoon kabigat ang pinagdaanan nito.

"You came and take good care of me. You filled the missing pieces I'm trying to complete. You helped me forget about her and the fear of falling in love. Thank you, Paige."

She felt like her soul left her body. Hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi nito. Sobrang lakas ng tibok ng kanyang puso. Pakiramdam niya ay nawala ang lahat ng sakit na naramdaman niya sa nakalipas na mga araw. Hindi niya alam na ganito katindi ang impact na nagawa niya sa buhay nito. Masaya siya na siya ang babaeng nabigyan ng pagkakataon na maiparamdam at tulungan ito sa mga bagay na iyon.

"You said that I never told you I love you. I did."

"He did?" Kailan? Paano? Ba't di niya maalala.

Hinihintay niyang magsalita ulit ito pero wala ng Kaden na nagsalita. Umalis na naman ba ito? Pagkatapos nitong mag-confess ng ganoon?

Nagulat siya ng biglang magtititili ang mga tao sa paligid. Sinundan niya ang direksyon ng tinitignan ng mga ito.

From that moment, she met Kaden's eyes and she missed them so much. She could even see so much love and loneliness right through them. It made her frail and vulnerable.

He smiled at her despite catching his breath. And it felt like they could just stand there doing nothing but gazing at each other. Nakakabaliw na kahit siya ay gusto lang pagmasdan ito.

"Noong umalis ka parang bumalik sa dati ang lahat. I want to run after you. Pero hindi ko magawa. I've been so coward. Pero nangako ako sa sarili ko na babawiin kita. Aayusin ko lang lahat."

Ibig sabihin ba niyon na balak nitong iwan muna siya para sa pagbabalik nito ay okey na ang lahat?

"Ayokong i-bash ka ng mga fans ko o saktan. Pero nangyari pa rin. I'm sorry."

Umiling siya. "It's okay. I understand." She's a fan also and she knew what it feels like.

Lumapit ito sa kanya. Her heart trembled in so much anticipation. "Ngayon ay handa na ako. Ayoko ng mawala ka pa, Paige. Please, tell me you still love me."

She really wanted to. Pero paano na ang career nito? Ang mga fans nito? Alam niya kung gaano kahalaga ang mga bagay na iyon para dito.

She knew that there are a lot of people around. Pero nawala ang lahat ng mga ito. Si Kaden lang ang nakikita niya ngayon. I still love you. Pero ayaw lumabas niyon sa bibig niya. "I can't."

Nalaglag ang mga balikat nito. Pain drew on his eyes.

"If you will love me. You will lose everything, Kaden. Ayokong mangyari iyon. As your fan now and forever, I cannot afford to take this life away from you." Mawawalan ito ng career at fans dahil sa kanya.

Ngumiti ito at lumapit sa kanya. He held her hand. Mahigpit na hinawakan nito iyon. Nanghina siya dahil kapag ginawa na ni Kaden ang bagay na iyon ay ayaw na niyang huminto ito. "It's okay. No one can stop me now from loving you. Although, I didn't really stop."

Nagulat siya sa sinabi nito? Is he willing to lose all of those things for her? Her heart thumped with so much fire. "Not even your fans?" Alam niya kung gaano nito kamahal ang mga fans nito.

"I left my concert last night. May concert ako sa Japan bukas. But I chose to chase after you, Paige. Alam ko magagalit silang lahat sa akin pero wala na akong pakialam ngayon. Kailangan kong bawiin ka." Pagmamakaawa nito. "My fans meant a lot to me but you're my world now, Paige."

"Kaden?" tuluyan ng pumatak ang mga luha sa kanyang mga mata. Ginawa ba talaga lahat nito iyon? Ito din ang pumigil sa kanya na makaalis sa airport na iyon. Nakipag-coordinate pa ito sa management ng airlines na iyon para sa kanya?

Iyon lang nag-confess ito sa kanya doon ay napakalaking bagay na para sa kanya. Dahil sa moment palang na iyon ay maaari ng mawala ang mga fans nito.

"It's okay to lose this fame too, Paige." He kissed her hand that gave her so much comfort and loved. "Dahil sabi mo nga mas lalo mong mamahalin ang lalaking ipaglalaban ka kahit na mawala na sa kanya ang lahat."

Napangiti siya. Paano niya ite-take down ang ganitong klaseng lalaki? Masyado na nitong napatunayan sa kanya ang pagmamahal nito. At kaya pa ba niyang balewalain ito pagkatapos nitong ginawa ang lahat ng iyon para sa kanya? "I l-love you." Saka niya ito niyakap ng mahigpit.

Matagal niyang pinagarap na maramdaman ang yakap na iyon. Ang makulong sa matitipunong bisig na iyon. Ang maramdaman ulit ang comfort na hatid ng katawan nito. He tightens his hug and roamed his hand around her. Napakahigpit niyon na para bang mawawala siya anumang oras.

"S-Sigurado ka b-ba?" tinitigan niya ang mga mata nito kung sigurado na ba ito. Kaya niyang magsakripisyo para dito kung iyon ang gusto nito. Hindi siya magagalit anuman ang maging desisyon nito. "K-Kaya kong i-sakri—"

Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil sinakop na ng mga labi nito ang mga labi niya. It felt like burning and freezing at the same time. It also felt like dream and reality. That's how amazingly insane the way Kaden's lips taste. "Don't say anything like that, Paige. I won't listen." Then he claimed her mouth again and caressed it. The emotions and feelings inside her keeps on getting stronger and deeper. Para bang kahit anong gawin nito ay mas lalo lang lalalim at titindi ang tibok ng kanyang puso.

Kung iyon ang gusto nito, be it. Ayaw na din naman niyang mawala ito sa buhay niya.

"Wait—" ng marealize uli niya na nasa airport pa rin sila at marami ng nanonood. Mas marami pa kanina. "Bakit mo ko hinalikan dito?"

He pinched her nose. "Because I want the world to know who the woman, I'm dating is."

Bakit parang gusto niyang maihi dahil sa mga pinagsasasabi nito?

Nagulat sila ng magpalakpakan ang lahat. Parang masaya ang lahat para sa kanila. Kahit ang mga fans nito na nandoon.

"Viral na naman kayo." Walang emosyong sabi ni Anne na nakatayo na din kasama ang maraming tao. May hawak itong cellphone na sa kanila nakatutok. "Sorry, di ko napansin na na ka facebook live pala ako."

Hindi niya alam kung magagalit dito o maloloka. Baka i-bash na naman siya. O baka si Kaden na din. She's wishing that some things might turn out well if they were different. Kung hindi sana sikat ito, walang problema.

"Bakit ang lungkot ng mga mukha ninyo? Kung tungkol ito sa mga fans ni Kaden. Don't worry. Tanggap na nila. Listen," may binasa ito sa phone nito. "If Kaden is happy, I am also happy." Nagscroll down pa ito. "After this confession, I think I'm gonna love Kaden more. Heto pa," nagscroll down ulit ito. "Naramdaman ko kung gaano kamahal ni Paige si Kaden sa kabila ng mga humahadlang. I think, I want to be like her. She's now a successful fangirl having her favorite idol as her boyfriend. #HowToBeYouPo." Saka ito tumawa.

Parang naguluhan yata siya sa huling binasa nito. "Naramdaman niya? Paano niya naramdaman e wala naman—"

May ipinakita itong screenshot sa kanya. Nagulat siya kung ano iyon. Iyon iyong iti-next niya dito noong itanong nito kung ano ang nararamdaman niya para kay Kaden.

"Nabasa ko din iyan."

"A-Ano?" ipinost pa yata nito iyon sa bagong twitter account nito.