"Manood ka sa youtube," nagtititiling sabi ni Anne kay Paige. Saka nito agad na ibinaba ang phone.
Nandoon siya ngayon sa Hotel room ni Kaden. Pagkatapos nitong magconfess sa airport kanina ay hinayaan na siya ni Anne na makasama ito.
Abala naman ito sa pagluluto ng pagkain nila. She missed it so much. Isa pa, gutom na gutom na uli siya. Mag-a-alas dose na din kasi ng madaling araw at pareho pa silang hindi makatulog dahil sabik sila sa isa't-isa.
"Who called?"
"Si Anne. Tignan ko daw ang youtube."
"Bakit daw?" tanong nito habang hinahapag na ang pagkain.
"Ewan ko nga eh." Tinignan niya iyon at bumungad ang notif ng youtube channel ni Kaden na matagal na din siyang subscriber. "May bago kang music video?"
"Ako? Wala."
"Meron," saka niya ipinakita dito ang notif. "I can say I love you?"
"I love you too." Nakangiting sabi nito.
"Pinagloloko mo ba ako?" kunwari'y galit na sabi niya dahil binasa lang naman niya ang bagong kanta nito. Siguradong alam nito ang ibig sabihin niya. Pero okey lang naman dahil kinilig naman siya. "This is your new song? Sorry dahil hindi ko man lang pinakinggan ito."
"Wala iyon. Naiintidihan ko naman kung bakit." He smiled at her to make sure everything is okay. "Pero wala pang music video iyan. Ire-release palang dapat next week dahil hindi pa final." Nagtataka din ito kung bakit may lumabas ng music video ito.
"Panoorin na natin. Nasa 3 million na within 5 hours palang." Naexcite siya na mapanood iyon at mapakinggan ang kanta nito. Isa pa, sinabi nito na para sa kanya iyon.
Unang ipinakita ito habang kinakanta ang kanta. It was full of emotions and he was like talking to her. Iyon din ang kantang isinusulat nito ng magkasama sila sa Dagupan. Familiar na siya sa unang parte ng kanta dahil naikanta na nito sa kanya dati iyon.
Not only the lyrics of the song or his voice that made her heart pound with so much excitement. Dahil naging parte ng music video ang mga polaroid na kinuhanan nito sa kanya dati. So dati pa ay may balak na itong ipagsigawan sa mundo na ang kantang iyon ay para sa kanya.
"You took all this pain away… you took all the heartache and sadness… You made me feel complete again…"
Nang marinig niya ang lyrics na iyon ay agad niyang hinawakan ang kamay nito. Para kahit sa paraan lang na iyon ay masabi niyang hindi na niya hahayaang maramdaman ulit nito iyon. She will always be there for him.
"You said I was a dream, but you are…"
Nakatingin siya sa video at tumingin pa ito sa camera habang sinasabi ang lyrics na iyon na animo sinasabi nito iyon mismo sa kanya. Tumingin siya dito.
"It's true." Saka nito hinalikan ang noo niya at niyakap siya. "Listen to it more, Paige." Humilig pa ito sa balikat niya at pumikit.
Siya naman ay nag-focus sa video nito.
"I need you now… I need you tomorrow and I need you every second of my life… Please, don't go… I can't… I won't… I'm sorry…"
"I won't." sabi niya. Naramdaman niya ang pagtango nito.
Nagpatuloy ang video. May mga eksena na sa airport nakuhanan. Kahit noong magconfess ito gamit ang Paging announcer ng airport at kahit noong patakbo ito papunta sa kanya at noong magkita na sila.
Pi-nause niya ang video. "Kaden, ano ito? Akala ko pa naman sincere ka sa pagco-confess. Bakit—"
"W-What—" sabi nito pagkatapos niyang pagpapaluin ito para magising ito.
Ipinakita niya dito ang mga eksena at gulat na gulat din ito. "I didn't know about that." Napamura ito ng may marealize. "Danilo helped me get here fast. Pero tutulungan lang daw niya akong mabawi ka kung papayag ako sa kundisyon niya. Iyon ay ang isama ko si Nico papunta dito, isa sa cameraman ng company. Pumayag ako."
Natawa siya habang nagkukwento ito dahil sa facial expression ng mukha nito. Pakiramdam nito ay pinagkaisahan ito. Tinawagan nito si Danilo.
Umiling-iling ito pagkatapos nitong nakausap si Danilo. "Sinabi niya na iyon agad ang pumasok sa isip niya. Nico used to capture good scenes. Dahil mukhang natural ang lahat ng stolen shots ko. And pinasend niya agad lahat kay Nico para ma-edit sa company. Since viral daw tayo kaya good timing din ito para mailabas ang music video."
Natawa siya dahil ibang klase din mag-isip ng paandar ang kumpanya nito. Hinalikan niya ang labi nito para maibsan na ang frustration nito. Agad namang nabura ang nararamdaman nito at ngumiti sa kanya. "I felt better." Sabi nito.
"Ituloy na natin ang music video. Hindi na ako galit."
"It wasn't the spotlight… it wasn't the people cheering, not this fame or money… It was you… and I found my real happiness… Now I can say 'I love you'…"
"That song is for you, Paige."
"I love you more and everyday, Kaden."
He once claimed her mouth. It was the bestest feeling she ever felt her whole life.
May inilabas ito mula sa bulsa nito. Iyon iyong kwintas na napulot nito na siyang naging daan para mapalapit ito sa kanya. Isinuot nito iyon sa kanya. "Behind every favorite song, there is an untold story and you are that untold story. Dapat ay matagal ko ng ibinalik iyan sa iyo."
Nawalan na din kasi siya ng pag-asa na maibabalik pa iyon sa kanya. Pero pinakatago-tago nito iyon. "Dahil dito ay nabugbog ka pa. Thank you for taking care of it." Muli niyang sinalubong ang mga mata nito. "I love your new song."
How could she be this lucky? Her dream of wanting him for her life is happening right now. Imposible dahil ginive up na niya ang kabaliwan niyang iyon pero ngayon ay nandoon si Kaden sa harap niya at mahal na mahal siya.
"Natatandaan ko pa noong una kitang makita. Sa isang variety show. Ewan ko kung bakit hindi na kita nagawang kalimutan noon. Nang malaman ko ang pangalan mo ay agad kitang sinearch sa internet. Inalam ko ang lahat ng tungkol sa iyo. Iyong kanta mo, music videos… lahat-lahat. Binili ko lahat ng merch, CDs at nagpunta ako sa lahat ng concert. Nakipagtulakan sa mga fans para lang mapansin mo. Buwis-buhay na solid. And I started dreaming of you not just as a fan. But maybe, as a woman. When I feel so down, I'm just gonna watch you and I will be fine. If I can't talk to anyone, I'll read your tweets and look at your IG account, I will feel better." She chuckled remembering those crazy immature moments of her.
Hinaplos nito ang mukha niya. "I'm sorry kung hindi kita agad napansin, Paige."
"Okey lang iyon. Atleast ngayon, yakap-yakap mo pa ako."
"And I can kiss you forever." He kissed her once again. "You don't have to watch me or read my tweets or look at my IG when you're not feeling good. Dahil palagi na akong nandito para sa iyo."
Tumango siya at niyakap ito. "I love you, Kaden." Tili niya. Iyon iyong tili niya noong nanonood siya kapag may show ito at hindi siya naririnig nito.
Humagalpak ito ng tawa dahil sa ginawa niya. "No, Paige. I love you so bad."
He once kissed her.
Maybe love comes when you don't expect it and when you don't ask for it. It doesn't happen when you imagine things and wishing it to happen. Dahil sumuko na siya sa pagpapantasya dito. But he suddenly came along when she's no longer asking for it.
The End