Chereads / ILYSB / Chapter 28 - Chapter 28

Chapter 28 - Chapter 28

"She's not my girlfriend."

Parang nagpanting ang tenga ni Paige ng marinig ang sinabing iyon ni Kaden. Yes, he came back with his new single. At wala siyang balak alamin kung anong bagong kanta nito o kung saan ito magpopromote. Nadatnan lang niyang nakasindi ang tv nila sa sala kaya niya narinig niya ang sinabi nitong iyon.

Dali-dali siyang lumapit sa tv para patayin iyon pero napahinto siya.

Kaden was back. Mas gumwapo ito ngayon dahil clean-shaved na ito. Nakadikit na din ang killer smile nito na nagpaobessed sa kanya noon. And it seemed like he was okay all along. Imagination lang pala niya na baka nag-iisip ito o na-i-i-stress dahil sa nangyari. Kunsabagay, isang buwan na ang nakalipas simula ng maging headlines and trendy sila. Kaya malamang nakalimutan na ng mga tao ang tungkol sa kanila. Kaya siguro nagkaroon na ng lakas ng loob si Kaden na magsalita na sa publiko.

Guest ito ng isang sikat na tv program sa bansa at nagsimula na itong ipromote ang bagong kanta nito.

Parang nanghina yata siya. Is she about to break down again? It's been a tough time for her already. Pero bakit ganoon? Bakit siya lang yata ang nahirapan sa kabila ng mga nangyari. Looking at Kaden, he seemed to be fine since then. Sana man lang ipinaramdam nito na kahit papaano ay naging special siya dito.

Marahas ang ginawa niyang pagpatay sa telebisyon.

Makakamove-on din siya sa tamang panahon. Kailangan lang niyang huwag ng humawak ng cellphone o internet, radio at tv. At hindi na muna siya lalabas ng madalas para di niya makita ito. Siguro ay ikukulong na lang muna niya ang sarili pansamantala hanggang makalimutan niya ito na parang wala namang pakialam.

Bakit ba kasi hindi niya magawang magalit sa isang tao? Sa tingin kasi niya ay kung galit siya ay magiging madali para sa kanya ang lumimot. Pero hindi eh. She wasn't that type of a person. Madali siyang masaktan at takot sa katotohanan pero di siya matigas dahil madali siyang magpatawad. Kaya nga pinagsisisihan niya na hindi niya pinakinggan si Kaden. Baka sakali lang na… baka… baka lang naman na okey sila.

O kaya ay… O kaya ay ano? Na kayo? O magiging kayo? Stop dreaming! Sabi ng alter ego niya.

Tama iyon. Isa pa, tama din si Kaden. Hindi naman talaga siya naging girlfriend nito.

Pero ano nga ba ang pwede niyang gawin para makalimutan ito?

"Do you want to come here? Para lang makapagrelax ka? Isa pa, successful na yata iyong naging project mo. Ang sabi pa ni Tito ay ikaw daw ang naka-invent dun sa bagong gamot na ilalabas ng kumpanya. I'm so proud of you, couz. Ibang level ka na talaga."

Iyon ang natatandaan niyang sinabi ni Anne. Gusto nitong pumunta muna siyang Amerika kung nasaan ito dahil alam nito ang pinagdadaanan niya. Pero ang sarap sa pakiramdam pala na sabihing proud ang isa ito sa kanya dahil sa na-achieve niya. Nagfocus talaga siya at inabala ang sarili niya sa bagong gamot na iyon. Para makalimot pero wala eh. Di umepekto. Kaya ngayon, kailangan niyang umisip ng paraan para maka-move on ulit at iyon ang suhestiyon ni Anne.

Well, ang daddy na mismo niya ang nagsabi na lumayo muna siya at mag-soul searching. Mukhang awang-awa na ito sa pagiging broken niya.

Kaya iyon na siguro muna ang gagawin niya ang hanapin ang sarili niya sa ibang bansa.