Chereads / ILYSB / Chapter 29 - Chapter 29

Chapter 29 - Chapter 29

"Hi," basa ni Paige sa DM na iyon ni Anne. Nagulat siya dahil wala namang twitter ito. Himala at may account na ito ngayon. Sinaniban yata ito.

Nagreply siya dito at sinabing anong nakain nito at gumawa ito ng twitter account. Hanggang sa biglang naging seryoso ang usapan nila. Tinanong siya nito tungkol kay Kaden. Pagkatapos kasi nitong malaman ang totoong nangyari ay hindi na siya tinanong ulit nito. Kinukumusta siya nito pero di na ulit nagtanong ito.

And now, she's asking her if she really loves Kaden. Iyong love na hindi basta pang-fan. Iniisip siguro nito na siya pa rin iyong dating Paige. Yes, she's been that obsessed. Pero hindi na siya ganoon ngayon. In love siya kay Kaden ngayon hindi dahil ito si Kaden na nakilala niya noon. Kundi nakita niya ang totoong ito at ipinaramdam nito sa kanya kung gaano siya kahalaga. Gusto niyang sabihin na 'mahal' pero hindi siya sigurado sa bagay na iyon. At never siyang nasaktan ng ganito katindi. Masakit man pero tanggap na niya na marahil ay hanggang pangarap lang si Kaden. Kailangan makuntento na siya na kahit papaano ay nakasama niya ito. She can be considered as a successful fan.

Nagtype siya sa message at hindi sa DM ng twitter dahil baka hindi magkasya ang sasabihin niya.

Yes, I consider myself as his biggest fan. I even imagined him as my boyfriend and even wished for him. I know it was crazy but that's how obsessed I am with him. Siguro nga masyado pa akong immature para maramdaman iyon pero iyon iyong totoo. Lahat ginagawa ko para mapansin niya. I even changed the way I am. Pero kahit anong gawin ko. Fan lang talaga ako. Mapapansin niya ako for seconds and that's it. Until one day, someone made me realized that I should live my own life. Kaya naman kinalimutan ko siya. Hindi ako nagsocial media, nanood ng tv at nagpunta ako sa lugar na medyo malayo sa kabihasnan. I went there to forget about my bestfriend and maybe forget about him too. Hanggang sa may makilala akong lalaki. He is too weird. He was the exact opposite of what Kaden is, I believed. But he never failed to make me smile; make me feel special and especially… loved. I tried my best not to fall for him because he told me that after we leave that place… parang kailangan na din naming kalimutan ang isa't-isa. Hindi ko alam kung iyon ba talaga ang ibig niyang sabihin pero iyon iyong pagkakaintindi ko. But I failed. Yes, I succeeded forgetting about Kaden but not the guy I've been in love with after he took pictures of me. Ang saya ko kasi compare mo siya kay Kaden. He was not hard to reach. He was already on my side and I could talk and touch him… and could take care of him. And it turns out, that guy and Kaden is just one person. When I knew about it, I felt so dumb. Bakit ba hindi? Ang tagal kong pinapangarap si Kaden at noong nasa harap ko na siya. Hindi ko siya nakilala. And it felt like, he is harder to reach now. My world crashed. Haha! Talagang crashed na crashed. Dahil pakiramdam ko pinaglaruan niya ako. And loving him has a lot of consequences. Alam ko kung gaano kahalaga sa kanya ang career niya at ang mga fans niya at kung mamahalin namin ang isa't-isa? Alam kong kailangan niyang mamili at ayokong maging nuisance sa buhay na meron siya ngayon. So, iyon… I love him and now and maybe forever. Pero kakalimutan ko siya dahil alam ko iyon ang makakabuti para sa aming dalawa. Maybe I was just hoping that he loves me kasi never niyang sinabi na mahal niya ako.

"God, Paige, what happen to you?" tuluyan ng napatawag si Anne sa kanya at ganoon ang bungad nito sa kanya.

Natawa siya dahil parang napaka-unusual nga naman niya. Never kasi siyang naging ganito kamature mag-isip. Maybe, iyon ang nagagawa ng nagmamahal. Bigla kang mag-mamature at kaya mong gawin lahat para sa taong mahal mo.

"Anyway, I hope you will. See you here in a day."

"Yes," ilang araw na lang ay flight na niya papuntang U.S para doon naman maghasik ng lagim.