Chereads / ILYSB / Chapter 27 - Chapter 27

Chapter 27 - Chapter 27

Paige stared on the screen of her phone. Kahit na mahapdi na ang mga mata niya ay hindi niya maiwasang hindi tignan ang mga comments ng mga tao sa kanilang dalawa ni Kaden as a hot item.

Nakauwi na siya sa kanila at nakapagtrabaho na din siya. Hindi pa okey ang proyektong hinahawakan niya pero ginagawa niya ang lahat para maayos iyon. Isa iyon sa mga pinagkakaabalahan niya para tuluyan ng kalimutan si Kaden. Kaya lang… paano kaya niya makakalimutan ito kung sa pagbukas niya ng cellphone niya ay ito ang makikita niya dahil laging nagno-notif sa kanya ang mga nagcocomment sa kanya at mga nag-D-DM sa kanya. Kahit na naka-private ang mga account niya ay possible pa rin niyang makita ang mga iyon.

Hindi siya sanay sa ganoong klase ng atensiyon kaya parang ang bigat tanggapin ng nangyayari. Marami ang hindi tanggap ang tungkol sa kanila. Okey lang sana kung 'no comment' lang ang mga iyon. Pero hindi eh. They keep on sending her mean and nasty comments. Ayaw man niyang basahin ay hindi niya maiwasan. Gusto niyang makakita at pag-asa na sana kahit papaano mayroong tatanggap sa kanila. Although, alam niyang kahit siguro may tatanggap sa kanila ay wala namang sila. Well, maybe they have mutual feelings for each other but they never said they love each other. Wala silang label. At parang kalokohan lang ang nangyari sa pagitan nila. And that was a fact fans do not know. Na hindi naman siya naging girlfriend ni Kaden. Everything that happened was a lie.

Tears suddenly started running. How could something so beautiful end up something so painful? Hindi ba pwedeng hindi siya ganoon kasakit? Hindi ganoon katindi? Hindi ba pwedeng sana agad siyang makakapag move on? Na kalimutan na din ng mga tao ang nangyari? Na huwag ng idikit ang pangalan niya sa pangalan nito?

Dahil sa nangyari ay nabulabog ang pribadong buhay nila. Her family's wealth was not of that big issue. Oo, kilala ang ama niya dahil sa pagiging CEO nito pero hindi ito ganoon kasikat. Piling tao lang ang nakakakilala dito. Iyong mga may pakialam lang sa business world. Pero ngayon kahit yata mga kabataan ay alam na ang tungkol sa kanila. Hindi man ang ama niya kundi ang anak nito. Siya!

Pupunta lang siya ng café para bumili ng kape ay pinagtitinginan na siya ng mga tao. At kahit saan siya magpunta ay pinagbubulungan siya. May mga matang matatalim din ang ramdam niyang nakatingin sa kanya. Pero may mga pagkakataon din na inggit ang ibang mga babae sa kanya. But she doesn't like that kind of attention.

Kaya naman pagkatapos niya sa trabaho ay sa bahay na siya. At kung lalabas man siya ay nandoon ang daddy niya para samahan siya. Mukhang ramdam nito ang paghihirap niya.

And yes, loving someone like Kaden has a lot of consequences. Tama ito! Hindi madali para sa isang sikat na taong kagaya nito ang mahalin ito. Ngayon niya narealize na tama lahat ng mga pinagsasasabi nito. Pero bakit ganoon? Ayaw pala nitong ma-in love siya dito bakit hinayaan nitong mahulog siya ng todo-todo?

Malinaw na pinaglaruan ni Kaden ang feelings niya pero bakit hindi niya magawang magalit dito? Oo, nagalit siya dito noong malaman niya ang totoo pero ngayong wala na ito ay biglang napawi ang galit niya dito. It still hurts but… She felt like he'll just say 'sorry' at magiging okey na ang lahat. There's a part of her saying and felt his love for her. Pakiramdam niya ay totoong minahal siya nito. Ni hindi nga sinabi nito na mahal siya nito pero ipinaramdam nito sa kanya iyon.

Nagpadalos-dalos lang kaya siya sa pagtataboy niya dito? Mali ba na hindi niya ito pinakinggan? Natatakot kasi siya sa katotohanan. Pakiramdam niya ay mas masasaktan siya kapag sinabi nito ang totoo. Yes, she was a total coward. Takot siyang masaktan kaya nagwalk-out siya.

He was her dream. Pangarap lang niyang mapansin siya nito o ang ngumiti lang ito. O kawayan lang siya nito. Pero higit pa doon ang ipinaranas sa kanya. Kinantahan siya nito. Kinausap siya nito. He taught her everything he knew. Hindi siya sigurado pero ipinakita nito sa kanya ang Kaden na hindi nito ipinakikita sa iba. Nahawakan niya ito. Nayakap niya ito. They kissed as if it was the best experience she ever had. Kaya dapat siguro tigilan na niya ang pagpapantasya niya dito na sana ay mahal na din siya nito. Na kumota na siya sa pangangarap niya.

Masakit pero kahit papaano napapawi niyon ng masasayang sandaling pinagsamahan nila.

And after all the things that happened. She still wondering about Kaden. Ni hindi pa lumalabas sa publiko ito. Ni hindi pa naglabas ng statement ang kumpanya nito tungkol sa napabalita dito.

At tama ang sinabi nito sa kanya. Na pagkatapos ng isang linggo ay babalik na sa normal ang mga buhay nila.

"I want to be with you. Please, don't go yet. Magstay ka muna dito kahit isang linggo lang habang nandito pa ako. After that, let's go back to our normal life."

Those are Kaden's exact words. Bakit Parang ang dali para dito na kalimutan siya? Pakiramdam niya ay minahal siya nito. Pero pakiramdam din niya na hindi totoo ang ipinaramdam nito sa kanya. Kung totoong mahal siya nito. Bakit hindi na siya binalikan nito? He never made a way to get in touch with her again? Bakit hindi siya ipinaglaban nito?

"At sa tingin mo ba madali para sa kanya na mahalin ang isa sa mga fans niya? There were thousands of you. Kung mamahalin niya ang isa sa inyo paano na iyong iba? Siguradong magagalit ang mga iyon dahil katulad mo ay ganoon din ang gusto nilang mangyari. Iyon ay ang mapansin ni Kaden. Magiging mahirap din para sa babaeng mamahalin niya. Her life will be miserable if fans will go after her just because their idol is in love with her. Sa tingin mo, hahayaan ni Kaden na magsuffer ang babaeng mamahalin niya?"

Naalala niya ang sinabing iyon ni Charles o ni Kaden noong mag-away sila. And it made her cry again. Malinaw na hindi siya ipaglalaban nito. It hurts but she needs to accept it. Nanggaling na din iyon sa bibig nito. She knew how hard he worked to finally get that dream. If he will choose her, he needs to forget about his life. Alam niyang iyon na ang buhay ni Kaden at mahirap para sa parte nito na iwan ang mga fans nito. Leaving his fans meant leaving that fame behind. At kahit nakilala niya ang Kaden na hindi nito ipinapakita sa mga fans nito ay alam niya kung gaano nito kamahal ang mga fans nito.

Kaya ngayon palang kailangan niya ulit turuan ang sarili niya na kalimutan ito. Kung dati, kakalimutan niya ito bilang subject sa infatuation niya. Ngayon ay kailangan niyang kalimutan ang unang lalaking minahal niya. Neither he was or wasn't Kaden, she will choose him as Charles. Kasi iyon ang pagkakataong naiparamdam sa kanya kung paano ang mahalin, whether it was real or just merely all lie.

But is she able to forget him like how hard she forgets about Kaden before?