Chereads / ILYSB / Chapter 19 - Chapter 19

Chapter 19 - Chapter 19

Ito na ba ang tinatawag nilang date? Tanong ng isip ni Paige sa kanya. Sumagot naman ang kabila. Humohopia?

"Do you like the food, Paige?"

Agaw ni Charles sa atensiyon niya. Nakangiti ito sa kanya. And yes, silang dalawa lang ang nandoon sa resto na malapit sa beach. It was a breath of fresh air. At first time din niyang kumain kasama ang lalaki. It was such a great feeling. She didn't expect that the feeling will be special. Si Kaden lang naman kasi ang ini-magine niya na makakasama niya sa ganoong eksena. Na malayong mangyayari.

Tumango siya. "Thank you sa pagdadala mo sa akin dito."

"You are welcome. Thank you for coming with me."

Haaaay… Bakit di nauubusan ng mga ganoong litanya si Charles?

Pero parang nawawalan siya ng gana. Kanina pa kasing pumwesto sila doon ay napansin na niya ang mga babae na agad kay Charles tumingin. Parang kinikilig pa ang mga ito ng hindi niya maintindihan. Well, di naman malabong magustuhan ito ng mga babae dahil nga gwapo ito pero di ba nakikita ng mga ito na may kasama na ito? Hindi man siguro sila nagde-date pero sana naman i-consider ng mga babaeng ito ang feelings niya. Isa pa, ang gaganda at glamorosa ng dating ng iilan sa mga babae. Nakaka-insecure tuloy. Wala siyang laban sa mga ito.

"Okey ka lang ba?"

Tumango siya.

Lumapit ang mukha nito ng konti para titigan ang mukha niya kung totoo ang sinagot niya. "Hindi ka okey."

"Okey lang ako. Promise," labas sa ilong na sabi niya. Atsaka bakit ba affected na affected siya?

"What's bothering you? Tell me."

Edi magmumukha naman siyang sira sa harap nito.

"Wala ito. Okey lang ako."

Pero di niya maiwasan ang hindi na naman tumingin sa paligid.

"Mas maganda ka sa kanila."

Nasamid tuloy siya dahil sa sinabi nito. She was dumbstruck but her heartbeat is speaking a million words at a time. Hindi lang niya alam kung ano ang milyong salitang iyon. Basta ang alam niya ay biglang nawala ang insecurities niya sa katawan dahil sa sinabi nito. "T-Teka," Paano nito nalaman ang ipinuputok ng butsi niya?

"I felt it. Ikaw lang ang maganda para sa akin kaya huwag ka ng magselos sa kanila."

"H-Hindi ako nag—" Bakit ba pulos kahihiyan ang napapala niya sa harap nito?

"I can see through you. Your eyes don't know how to lie."

And then again, that pulse rate of her is getting higher. Hindi kaya siya magnervous breakdown dahil sa mga pinagsasasabi nito?

Napansin niya na biglang naging uneasy si Charles. May particular na direksiyon itong tinitignan pero hindi niya alam kung sino at kung ano. Kinabahan siya dahil nakitaan niya ng takot ang mga mata nito.

Tumingin ito sa kanya. "Run with me." Hinawakan nito ang kamay niya.

Nawala ang takot at pag-aalala niya. She loves to run with him. Tumango siya dito.

Bumunot ito ng pera sa wallet at hindi nagpahalata ito ng ilagay nito iyon sa mesa.

Sinenyasan siya nito sa pamamagitan ng pagtitig sa kanya. Na-gets naman niya agad iyon. Napalunok siya dahil first time niyang gagawin ang bagay na iyon. Hindi nga niya alam kung bakit.

Naglakad sila ng normal palabas ng resto. "Let's go."

Magkahawak kamay silang sabay na tumakbo. Hindi pa sila nakakalayo ay narinig niyang napamura si Charles. "Nasundan niya tayo."

Bumilis ang pagtakbo nila at saka sila nagpasikot-sikot sa bawat madaanan para mailigaw ang sinasabi nitong nakasunod sa kanila. Saka sila nagtago sa isang sulok na hindi daanan ng tao. Umupo sila sa dulong bahagi niyon na parang bata. Nagulat siya ng yakapin siya nito. Iyong yakap na natatakot na mawala siya. Humigpit pa iyon. "You'll be safe, Paige. Don't worry,"

Napapikit siya habang yakap siya nito at ninamnam ang mga sandaling iyon. Ganoon pala kasarap ang makulong sa mga bisig ng taong ma—. Ma? What? Naguluhan siya sa naiisip. Makulong sa bisig ng lalaking katulad ni Charles. She felt like her body malfunctioned.

Ramdam pa rin niya ang pagpapanic nito dahil mukhang palinga-linga pa rin ito. Tinatanya nito kung hindi na ba sila nasundan. Sa mga sandaling ganoon dapat yata ay takot ang maramdaman niya dapat. Unang-una, hindi niya kilala ang totoong pagkatao ni Charles. Ni ayaw magkwento nito tungkol sa sarili nito. She maybe knew little things about him but he was still mysterious af. Ni hindi niya alam kung mabuti o masamang tao ito. Pero syempre, ang parte ng puso niya na natututong magtiwala dito ay umo-oo. Ni wala siyang ideya bakit sila tumatakbo at nagtatago ngayon? May nagawa bang masama ito sa taong sumusunod sa kanila?

"Kriminal ka ba?" kidding aside but that was her way to asked him what is happening.

"Oo," sagot nito ng hindi man lang nagreact sa tinanong niya.

Umamin man o naki-ride lang ito sa sinabi niya ay hindi pa rin siya nakaramdam ng takot. She even felt really protected and felt so safe.

Napatunayan niyang may hindi na tama sa kanya.

"Safe na tayo." Masayang sabi nito at inalalayan siyang makatayo. "Huwag ka ng mag-alala." Assurance nito.

Tumango siya. "Sino ang sumusunod sa atin?"

"That?" natahimik ito. "Hindi na importante kung sino siya. Pero nasisiguro ko sa iyong wala namang mangyayaring masama sa iyo. I promise. Hindi niya ako sinusundan dahil may kasalanan ako or what. He just wants something to take against me."

"Against you?"

"O-Oo, alam mo naman na magaling na songwriter ako kaya may mga naiinggit sa akin."

Parang hindi convincing ang pag-arte nito.

"It's 11:11, let's make a wish." Pang-iiba nito sa topic. Ipinakita pa nito ang cellphone nito.

Bumuntong-hininga siya at napatingala na lang sa langit. "Hindi na ako naniniwala diyan."

"Hindi nangyayari ang gusto mo dahil pino-force mo iyon. Ina-alarm mo ang phone mo sa 11:11 so hindi unintentional iyon."

May point ito kaya wala na siyang nagawa. Tumingala uli siya sa langit at tahimik na humiling. I want this moment to not end. In what circumstances? She doesn't know.

Pagkatapos niyang humiling ay lumingon siya kay Charles para sabihin sana na tapos na siya. Pero natigilan siya dahil parang ang tagal lang nitong nakatitig sa kanya. Humiling ba ito habang nakatingin sa kanya?

He smiled at her and so her heart too.