Chereads / ILYSB / Chapter 20 - Chapter 20

Chapter 20 - Chapter 20

Nakangiting nakatitig si Paige kay Charles habang abala ito sa paggigitara. Pinag-aaralan nito ang kantang kinocompose nito. Hindi pa kasi natatapos nito iyon.

Napansin niya na every now and then ay napapatingin ito sa kanya at iiling.

Biglang nagsalita ito na parang di na nito ma-take ang ginagawa niyang pagtitig. "Okay, Paige… stop making me lose my concentration."

"A-Ano?" hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Ang isang Charles na ubod ng GGSS ay nag-lu-lose ng concentration dahil sa kanya? Pero di niyon napigilan ang biglang pagkabog ng napakalakas ng dibdib niya. "Sorry," tumalikod siya dito dahil gusto niyang matapos nito ang kinocompose.

Inabala na lang niya ang sarili sa pagso-social media. She even stopped herself from SNS. Gusto na kasi talaga niyang kalimutan si Kaden dahil ire-remind lang ng social media ito sa kanya. Pero ngayong unti-unti ng nakaka-move on ang puso niya dito ay okey na naman sigurong bumalik siya sa dati kahit papaano.

"Shu—" napatutop siya sa kanyang bibig ng makita ang nagte-trending sa twitter. "—tik! Totoo ba ito?" Hindi na niya ngayon maalis ang mga mata sa kanyang smartphone. She wants to confirm if that was real or not. Pero kahit anong gawin niyang pag-scroll down or up ay isa lang ang sinasabi ng mga tweet ng netizens.

"What happen, Paige?"

Nakaramdam siya ng panghihina at parang nanlambot yata ang mga tuhod niya. Parang may karayom na tumusok doon. Masakit! Napaluha siya.

Naramdaman niyang may humawak sa kanya. "Paige, anong nangyari? Tell me." Dinig na dinig niya ang pag-aalala sa boses ni Charles. Hinawakan pa nito ang mga braso niya para iharap siya dito.

Tumingin lang siya dito. Para siyang batang humagulgol sa balikat nito. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari sa kanya.

Naramdaman niya ang mga kamay nitong yumakap sa kanya. Hinaplos-haplos pa nito ang likod niya para patahanan siya.

"Kaden has a girlfriend now." Nagtuloy-tuloy ang mga luha niya sa pagdaloy.

"W-What?"

Parang naguluhan ito sa sinabi niya. "Si Kaden? May girlfriend? H-How?"

Ipinakita niya ang mga nagkalat sa social media na balita. Wala mang pinakitang picture nito ay sigurado daw ang reporter na si Kaden ang nakita nitong may kadate sa isang restaurant. They even held hands kaya daw sigurado itong girlfriend iyon ni Kaden.

"Shit,"

"Charles?" nagulat siya sa naging reaction nito.

Inayos nito ang sarili bago ito nagsalita. "Nagulat lang din ako. I'm sorry. Hush now."

Tumango siya at saka ito nagpaalam na may i-te-text lang daw ito.

Tinignan uli niya ang mga tweet. Siguro nga ay nabawasan na ang pagtingin niya dito. Pero nandoon pa rin ang pagmamahal niya dito. Masakit na may pagtutuunan na ng pansin ang mga mata nito. At hindi na lang sa kanilang mga fans. She suddenly felt that… Kaden was just a part of her fantasy. He will never be hers.

Kahit masakit ay nagbasa pa rin siya ng tweets at kahit sa google ay may balita na tungkol dito. May mga fans na tanggap kung totoo mang may girlfriend na ito. Pero majority ay hindi.

Binasa niya ang ibang mga comments.

Nag-aalala tayo sa hinihingi niyang short break para makapagsulat or para makapagpahinga siya. Iyon pala pakikipag-date lang ang inaatupag niya.

"Short break?" hindi na siya maka-relate dahil ngayon na lang uli siya nakibalita ng tungkol kay Kaden. May nangyari kayang hindi maganda dito? "He keeps on telling us, his fans, that he won't leave us. Pero ngayon mababalitaan natin na may girlfriend siya. Whatta liar!" Masakit para sa kanya na malaman na may girlfriend na ito pero hindi dapat ganoon ka-harsh ang mga fans dito.

Napansin niyang naging abala nga si Charles sa phone nito.

The fans are even eager to find out who the mysterious girl is. They even left nasty comments about her. Aalamin pa daw ng mga ito kung sino ang babaeng iyon at kapag nalaman na ng mga ito kung sino iyon ay guguluhin ng mga ito ang babae sa social media nito. She knew how troubled would that be.

Pero hindi dapat magalit ang mga fans neither kay Kaden o sa babae. Kaden is a human. He can fall in love to whomever he wants. Masakit para sa fan na kagaya niya. Pero kailangang magising din sa katotohanan ang mga fans. There is more to life for their idols. They need other things and one of them is love. At iyong babae? Yes, may parte sa kanya na gustong sabunutan ang napakahabang buhok nito dahil ruma-rapunzel ang peg nito. Pero wala itong kasalanan. Kaden chose to love her. No one should blame who because both of them chose to love each other. And as a mature fan, she's willing to support Kaden no matter how painful she felt about it. Kasi wala rin naman siyang magagawa e fan lang naman siya.

Napansin niya na palakad-lakad si Charles. Ito naman yata ang may problema. "May problema ba, Charles?"

Umiling ito.

"Sure?" dahil halatang my problema ito.

Tumango ito.

"Hindi ka okey, Charles."

Tumigil ito sa paglakad. "I'm fine."

"Pwede mo akong sabihan."

"I said I'm fine." Tumaas na ang blood pressure nito dahil sa pangungulit niya.

Bakit parang mas masakit para sa kanya ang inaasta nito kesa sa malaman niyang may girlfriend na si Kaden? Mali na bang ipakitang concern siya dito?

"I'm sorry, Paige. Pero umalis ka na lang muna. Gusto kong mapag-isa."

Pakiramdam niya ay may milyon-milyong kutsilyo ang sumaksak sa kanya ng mga sandaling iyon. May mga luhang bumabadya na naman pero pinigilan niya iyon. Ayaw niyang magmukhang-tanga sa harap nito. Bakit nagagalit ito sa kanya? Dahil lang ba sa nabalitaan nito na may girlfriend na si Kaden at iniyakan niya ito? Dahil ba bitter ito kay Kaden kaya ayaw nitong binabanggit niya ito? Napaka-OA naman yatang magreact nito e hindi naman siya mahal nito?

"A-Ano bang—" gusto niyang sigawan din ito dahil sa tindi ng sama ng loob niya pero hindi niya magawa dahil sa nakikita niya dito. Mukhang hindi simpleng bagay lang ang gumugulo dito. Gusto niyang sabihin dito na nandoon siya kahit di siya kailangan nito.

Pero may isang bagay na curious na curious siya. Bakit ang bitter nito pagdating kay Kaden?

Nagulat siya ng mapagmasdan ito. Malaki ang pagkakahawig ni Kaden kay Charles. Ang mga mata, ilong at kahit ang mga labi nito. Meron ding dimple ito. Meron nga lang bigote at balbas ito na hindi ganoon kakapal. Pero kung i-co-compare mo ang dalawa ay iisipin mong kambal ang mga ito. Pero imposible dahil wala namang kakambal si Kaden. O pwedeng may kakambal ito at hindi lang nalaman ng publiko?

Napailing siya. Hindi naman siguro ganoon. Pero may so-called na 'ka-look a like' at hindi malayong ganoon lang ang scenario ni Charles at Kaden. Napakalayo ng mga ito sa isa't-isa.

Hindi siya sigurado kung aware pa ba ito sa presensiya niya kaya naman patakbo na siyang lumabas sa bahay nito. Bahala na ito sa buhay nito. Mukha namang okey na ang na-damage nitong kamay. Hindi na siguro ito magpapaalaga sa kanya dahil itinataboy na siya nito.

Tumunog ang cellphone niya. "D-Dad?"

Kinumusta muna siya nito bago sinabi sa kanya ang bad news. At hinihiling na nitong umuwi na siya, bukas din.

Lalo yatang bumigat ang dibdib niya. Nanghina ang pakiramdam niya kaya napaupo siya sa veranda ng bahay ni Charles. Why is it so hard for her to leave? Hindi ba at ang purpose lang naman niya doon ay ang maka-move on sa pagkawala ni Inah? She moved on already.

Bakit ganito? Aalis siya ng hindi man lang sila okey ni Charles? Pero bakit affected nga ba siya? They weren't friends, they were a total stranger. May naging kasalanan lang siya dito kaya sila nagkasama. Ni wala nga siyang alam tungkol dito. Pero bakit ganoon?

She was so sure now that she wants to be with him more. She wants to see him everyday. She wants to eat with him. She wants to play with him, talk to him, watch with him… there are a lot of things she wants to do with him. Kahit na stranger ito. At kahit na moody ito. Kahit na hindi sila okey nito.

Is that too much too ask?

Hindi niya hiningi sa diyos ito pero parang ibinigay ito para sa kanya. And now, she wants to ask God if she could be with him more? Siguro naman sa pagkakataong iyon ay pagbibigyan na siya ni Lord.

She has a very boring life. No Kaden, boyfriend or no fun for her. But then, he came. Everything changes. At ngayon, babawiin din ang lahat ng iyon.

Napasandal siya. Nanghihina pa rin siya dahil sa mga nangyari. Napapikit siya. Ipapahinga na muna niya ang mga mata atsaka siya babalik ng bahay niya.