"Coffee for the beautiful lady."
Narinig niyang sabi ni Charles at pagkatapos ay inilapag nito ang tasa ng kape sa tabi ng laptop niya kung saan siya nagtatrabaho. Then, he gave her a peck on her forehead. It suits her worrying heart and mind. Kanina pa kasi siya nai-istress sa proyektong iyon na napabayaan na niya.
Hindi pa siya umuwi dahil gusto pa niyang makasama si Charles. Pinakiusapan niya ang daddy niya na doon niya tatrabauhin ang project. Ayaw pumayag nito pero napilit pa rin niya ito. Sisiguruhin niya na matatapos niya at masosolusyonan ang problema.
Naramdaman niyang yumakap si Charles sa likuran niya at nakiusyoso sa tinatrabaho niya. Lalong gumaan ang pakiramdam niya. He got really curious about her work so she explained it to him.
"God, it's so complicated." Tanging nasabi nito. "Do you know that a woman's sexiness resides on her brain?"
Parang tumaba yata ang puso niya. "So utak ko lang ang sexy?"
Ngumiti ito ng nakakaloko. He suddenly stopped while looking at her lips. Pagkatapos ay nakita niyang napalunok ito. Umiwas ito ng tingin. "You don't have any idea how much self-control I've been going through." Pagkasabi niyon ay agad na tumayo ito palayo sa kanya at umupo sa harap ng piano nito.
Natawa siya sa inaakto nito. But she felt like she's not the only beautiful girl in the world but also the sexiest. Bakit ba ganoon yata siya kadiyosa sa paningin ni Charles? Walang oras na hindi nito pinaramdam sa kanya na hindi siya dapat ma-insecure sa ibang tao.
They both decided to face their responsibilities while together. Isa pa, napadpad lang naman si Charles sa lugar na iyon para magkaroon ng inspirasyon sa pagsusulat nito ng kanta.