Nasa tapat na siya ng bahay uli ni Charles pero di pa rin siya kumakatok. Ano na lang ang iisipin nito? Kakaalis lang niya ng bahay nito one hour ago tapos ay nandoon uli siya. May pagkaassungero pamandin ito. Patalikod na siya ng maalala uli ang sinabi ni Tita Gina.
Well, may kasalanan ako sa kanya kaya natural lang na mag-alala ako pati sa di niya pagkain ng maayos.
Kumatok siya ng ilang beses pero walang tugon mula dito. She held the doorknob and it was unlocked. Wala naman sigurong masama kung pumasok siya ng walang permiso nito. E siya naman ang tagapag-alaga nito.
Napakatahimik. She called his name but there's no response. Napunta na siya sa sala pero wala din ito doon. Maya-maya ay may narinig siyang tunog ng piano. Napansin niya na wala na iyon sa may sala. Sinundan niya ang tunog. Mukhang nagmumula iyon sa isa sa mga kwarto doon. Inilapit niya ng bahagya ang tenga sa pinto para marinig ng maayos.
Napapikit siya ng marinig ng maayos iyon. A sound coming from that instrument is making her heart safe and sound. Ang sarap lang pakinggan niyon. Nakakarelax at nakakawala ng pagod. She could listen to it all night.
"Ay—asong ul—" aniya ng biglang bumukas ang pinto. Hindi pala nakalock iyon kaya nabuksan niya ng hindi sinasadya ng bahagya siyang lumapit sa pinto.
"P-Paige?"
Nakita niyang gulat na napatayo si Charles habang nakatingin sa kanya.
Pilit siyang ngumiti. "Di ko sinasadyang abalahin ka. Gumagawa ka yata ng kanta. Sige… ipagpatu—"
"Na-miss mo na agad ako?"
Nalukot ang mukha niya ng marinig ang sinabi nito. Sinasabi na nga ba at ganoon ang ibubungad nito sa kanya. "Excuse me—"
"Paige, you don't have to deny—"
"Si Tita Gina ang nagpapunta sa akin dito. Baka daw kasi nagpapalipas ka na naman ng gutom kaya heto binigyan niya tayo ng pagkain."
"Si Tita Gina lang ba ang nag-aalala sa akin?" nakangiting tanong nito.
"Syempre naman…" Bakit naman ako mag-aalala?
"Napakathoughtful talaga ni Tita Gina. Hindi niya talaga ako kinakalimutan simula ng mapadpad ako dito. She's even taking care of me as a real mother." Wika nito habang papalapit na ito sa kanya. He was even staring straight into her eyes as if he couldn't take his eyes off her. "I hope someone out there will take care of me—" Huminto ito sa harap niya.
And he was too close. She felt an electricity sparks the moment she felt his breath on her forehead. Kumabog ng napakabilis ang dibdib niya. Hindi na rin siya makahinga ng maayos.
Bumaba ang mukha nito. Katapat na ng mga labi nito ang mga labi niya. Hahalikan ba siya nito?
"… just how Tita Gina is taking care of me." Saka ito ngumiti ng nakakaloko.
She felt his hand on her shoulder down her hand. Saka nito kinuha ang plastic na dala niya. Walang alinlangang dumiretso ito palabas ng kwarto.
Siya naman ay naghahabol pa rin ng hininga. Bakit ba pati ang puso niya ay iniinis nito? At lecheng puso iyon, nagpapaapekto. Hindi naman ako masyadong affected, low-key affected lang atsaka ako ba ang pinapatamaan niya? As if naman kung hahantong siya sa ganoon. Iyong bukal na bukal sa kalooban niya ang alagaan ito. E napipilitan nga lang siya dahil siya ang nakadisgrasya dito.
Teka… wait… speaking of disgrasya…
Hindi pa okey ang kamay nito. Dapat siya ang mag-ayos ng mga kakainin nila. Dali-dali siyang lumabas ng kwarto at sinundan ito. "Ako na diyan…"
Nakakuha na ito ng mga plato at ililipat na lang nito ang mga pagkain sa mga iyon. Agad niyang kinuha dito ang food container at siya na ang naglipat sa mga plato. "Hindi pa okey ang kamay mo."
Hindi ito nagcomment sa sinabi niya. Pero kitang-kita niya ang pagpipigil ng ngiti nito. Anong nangyari dito? Para itong babaeng nagblush base sa reaksyon ng mukha nito.