Chereads / ILYSB / Chapter 16 - Chapter 16

Chapter 16 - Chapter 16

"Aalis na ako." Wika niya pagkatapos niyang maghugas ng plato. Nagsimula na siyang maglakad.

"Wait," pigil ni Charles sa kanya.

"Ha?" gulat na baling niya dito.

"Let's play." He said as if he wasn't thinking.

"Play? Anong lalaruin natin?" naguguluhang tanong niya. Na parang kahit siya ay ayaw na muna niyang iwan ito.

Nag-isip ito. "Rock-paper-scissors?"

"Ha?" aniya. Medyo weird si Charles paminsan-minsan.

Kumuha ito ng ilang piraso ng kalamansi sa ref at tubig atsaka nito hinawakan ang kamay niya. Dumiretso sila sa sala. Naguguluhan man ay hindi ang weird na ikinikilos nito ang dahilan kundi bakit kailangan pa nitong i-holding hands siya. Nakakataranta tuloy.

"Hindi ba nagtatrabaho ka pa? You're a songwriter, right? Baka naabala kita kanina." Ayaw niyang maging nuisance dito.

"You're not bothering me."

"Pero narinig ko iyong tinutugtog mo kanina. It was beautiful." She closed her eyes and pretended she could still hear it. "I could listen to it all night."

She heard his chuckled.

Nagmulat siya ng mga mata. Masyado siyang na-carried away.

"I like that you like it." Sincere na sabi nito. Hindi rin niya maipaliwanag ang kasiyahang naramdaman niya ng makita ang matamis na ngiti nito.

"Tapos mo na ba iyon? Pwede ko bang marinig ang buong kanta? Sinong magiging singer ng kantang iyon?"

"Hindi ko pa tapos iyon and no… hindi ko ipaparinig iyon sa iyo."

"Madamot,"

Tumawa lang ito. "Anyway, let's play. Kapag natalo ka sa jack en poy ay kailangan mong inumin itong tubig na may kalamansi. Okey?"

"Ano?"

"Game…" nagsimula ito ng walang alinlangan. "Jak en poy…"

Natalo siya. Papel ito at bato siya. Uminom siya sa kalamansi juice na sabay nilang ginagawa. Ang pangalawa at pangatlo ay talo pa rin siya.

"Teka, teka… ako naman ang mag-iisip. Baka madehydrate ako."

"Okay, make sure hindi ako magaling diyan."

"Magtatanong ako at sasagutin mo lang."

"Call,"

"Some months have 31 days; others have 30 days. How many have 28 days? I'll give you five seconds to answer. 1… 2… 3…"

Kunot na kunot ang noo nito. "O-One?"

"Inumin mo ito."

"Ha? E Feb lang naman ang may 28 days."

"All months have 28 days."

"Oh," agad na ininom nito ang kalamansi juice ng marealize na tama siya.

"O ito. Larry's father has five sons named Ten, Twenty, Thirty, Forty… Sino ang panglima?" tanong niya uli dito. Kailangan niyang makabawi. Hindi pwedeng siya lang ang made-dehydrate. "I'll give you four seconds."

"Four? Dapat—"

"Isa, dalawa…"

Agad na nag-isip ito. Tumingin pa ito sa taas ng kisame na animo nandoon ang sagot.

"Time's up."

"What,"

"Larry is the fifth son. Drink this."

"Madaya. Alam ng hindi ako matalino ganoon pa ang mga tinatanong."

Hindi niya pinansin ang angal nito. "O eto… there was an airplane crash, every single person on board died, but yet two people survived. How is that possible? Bibigyan kita ng—"

"Let me take my time. Mahirap-hirap yang tinatanong mo."

"Sige,"

Limang segundo lang yata ang lumipas ay sumuko agad ito. "Sirit na."

Natawa siya sa pagkakasabi sa sirit nito. "The two were married."

"Ha?"

"Every single person, ang sabi… so the two…"

"Oh? I got it." Biglang humagalpak ito ng tawa ng marealize ang sagot.

"Bakit?" aniyang nahawa sa tawa nito.

"Wala lang. Napakasimple lang ng tanong pero nakakabaliw." Saka ito tumawa uli.

"Gusto mo pa ba?"

"No," agad na umiling ito sa pagitan ng paghalakhak.

Natawa siya sa reaksyon nito.

"Mas gumaganda ka kapag tumatawa."

Napahinto siya sa pagtawa. Bakit ba pabigla-bigla ito sa pagsasabi ng mga ganoong bagay? E di naman siya sanay sa ganoong eksena. Kaya ba may mga naghahabulan na namang mga daga sa kanyang dibdib?

"Kesa kapag nagtataray ka. Kaya maging mabait ka na sa akin."

Matalim na titig lang ang isinagot niya dito. Akala pa naman niya ay bukal sa loob nito ang pagpupuri sa kanya. Pero bukal man iyon dito o hindi ay na-shookt pa rin ang puso niya. Why the heck he has that power to make her feel that way?

"Let's change the game. Masyado na kong lugi." Anito.

"Anong lalaruin natin?"

"Anything,"

Nag-isip siya. Saka niya napansin ang uno cards na nakapatong sa taas ng tv nito. Kinuha niya iyon. "Maglaro na lang tayo ng uno."

"I don't know how."

"Ano?"

"Hindi nga ako marunong. Kung marunong lang ako ay wala na diyan ang mga yan noong iwan ng manager—"

"Manager?" ba't magkakamanager ito?

"I mean—iyong manager na kasama ko sa company. Close kasi kami nun."

Nagdududang tumitig siya dito. "Anyway, seryoso ka di ka marunong?"

"Seryoso,"

"Anong planeta ka ba galing?"

"Mars? Maybe…"

Hindi talaga matinong kausap ito. "Tuturuan na lang kita. Madali lang ito."

Binalasa niya ang mga iyon saka niya binigyan ito at ang sarili. "We just have to put one card… one by one. Pwede kang magbaba ng card na may kaparehong number, kulay… tapos may mga card na may ibang simbolo. May correspondent na penalty or whatsoever iyan." Napangiti siya ng mapansin na seryoso ito sa pakikinig sa kanya. "Basta pag isa na lang ang card mo kailangan mong sumigaw ng Uno."

"Okay,"

Nagsimula na sila sa paglalaro at medyo nakadami na din sila ng round. Nagpraktis pa nga sila.

"I need to put down six?" tanong nito. Saka nito ipinakita sa kanya ang mga cards nito.

"Pwede mo ding ibaba iyong yellow card." Mabuti na lang at mahaba-haba ang pasensiya niya.

She slapped his hand. May usapan kasi sila na papaluin ang mahuling nag-iisa na lang ang card pagkatapos ay di sumigaw. "Uno ka na," hindi pa rin nito gets ang laro.

"I'm done."

"Hindi ka pa. Di mo isinigaw ang uno dapat may penalty ka pa."

Nagsimula uli sila. Nagreact siya ng makita na isa na lang ang card nito. "Ah—"

Agad na napansin nito ang reaksyon niya. "U-Uno?"

Nagulat siya. "Y-You won."

Hindi makapaniwala ang reaksyon ng mukha nito.

Natawa naman siya sa reaksyon nito. "Nanalo ka." Aniyang natatawa pa rin sa reaksyon nito.

"Talaga?"

Tumawa uli siya. "Oo nga," nakakatawa kasi ang reaksyon nito dahil hindi pa rin makapaniwala ito na ito pa ang nanalo samantalang hanggang ngayon hindi pa rin nito gets ang laro.

Tapos na siya sa pagaayos ng mga cards ay tahimik pa rin ito.

"Now I realized the game."

"Ha?"

Saka ito tumawa dahil sa realisasyon nito. "I'm so dumb."

Umiling siya. "Hindi ka. Maybe this is not your forte. Anyway, you're good in making music and I'm not."

Tumango ito. Mukhang na-touch ito sa sinabi niya. "Thank you."

"Thank you for what?"

"Thank you for spending time with me. Thank you for doing these weird things with me. Thank you for teaching me something I don't know."

Bakit parang tumatalon sa saya at kilig ang puso niya? Pero may narealize din siya. He actually helped her moved on a little bit. Paunti-unti na niyang natatanggap ang pagkawala ni Inah. May bahagyang sakit pa rin pero konti na lang. "Thank you for letting me forget about Inah's death too." Napayuko siya ng maalala ang kaibigan at ang pagkukulang niya dito.

"Is that the reason why you stayed? Sinabi sa akin ni Tita Gina na hindi ka naman taga dito."

Tumango siya. "I've focus too much to nonsense things. Nakalimutan ko ang mga bagay na dapat mas pinagtuunan ko ng pansin. Nakalimutan ko iyong mga taong totoong nag-aalaga at nandiyan para sa akin. I forgot about Inah. At ng marealize ko iyon ay wala na siya. BFF ko siya pero wala ako sa mga huling pagkakataon ng buhay niya." Napaluha siya.

He wiped her tears and put her chin up. "Inah will understand. Hindi siya galit sa iyo. And she will never be."

Those Charles' words struck her. Bakit parang ang dali para sa kanya na paniwalaan ang mga sinasabi nito? It lessens the pain big time. Tumango siya.

"Smile now," he even put his fingers through her lips to force a little smile on her face. Parang may kuryenteng dumaloy sa bawat ugat niya. She felt a sensation with his fingers on her lips.

He was staring into her eyes and then on her nose… down her lips. She suddenly had goosebumps. How can he put such a flame through her bones?

Pareho silang nagulat ng marinig ang alarm ng cellphone niya. Sabay pa silang bahagyang lumayo sa isa't-isa. Nakaramdam siya ng panghihinayang. Bakit kasi di na niya naalis ang alarm na iyon?

"May gagawin ka ba?" tanong nito.

Base sa pagtatanong nito ay animo nanghihinayang ito na aalis na siya. E 11:11 na ng gabi.

And she doesn't want to leave yet. Pinatay niya ang alarm. "Hindi. Wala. Wala lang ito."

"What is that alarm for?" curious na tanong nito.

"So curious ka na din sa akin, Charles." Pangbabalik niya sa pagyayabang nito sa kanya.

Agad na na-gets nito ang pinupunto niya. "I've always been curious about you, Paige."

"Haaaaa?" natameme na naman siya.

Natawa ito sa kanya. "Anyway, ano nga iyon?"

"It's 11:11 pm. Let's make a wish—O kaya huwag na."

"Bakit naman?"

"Well," nag-aalangan siya kung sasabihin niya dito. Baka pagtawanan lang siya nito.

"Mind if you tell me?"

"K-Kasi,"

"Tell me."

Nakita niya ang eagerness nito na malaman ang sasabihin niya.

"Well…" Yumuko siya. "I've had this huge crush on Kaden Cordel. And I have this belief that if you see 11:11 unintentionally, make a wish and it will happen. Kaya palagi akong humihiling and setting my alarm every 11:11 pm. Na sana someday mapansin niya ako. Na malaman niya na nag-e-exist ako." Iniwasan niya lalo ang tingin nito. "Alam ko, hindi mo ako maiintindihan. Pero ganoon ako kabaliw sa kanya. There was something about him and I don't know what. Nararamdaman ko na kung paano ko siyang nakikita sa tv o sa mga shows ay ganoon siya. Palagi akong present sa mga shows niya kaya nakalimutan ko na na may buhay din akong kailangan kong harapin. Iniba ko din ang pananamit ko noong magkaroon sila ng fanmeeting. Nag make-up ako para sa kanya dahil sinabi niya sa mga interview niya na gusto niya ang mga ganoong babae."

"You're better with just a t-shirt, Paige. You're prettier without a make-up. Hindi mo kailangang baguhin ang sarili mo para sa kanya."

Bahagyang tumaas ang self-esteem niya sa sinabi nito. Pero hindi ito si Kaden kaya hindi nito mapapansin iyon. "Alam ko na ngayon na mali ang mga pinaggagagawa ko."

"Kaden wasn't real."

Parang may panang sumaksak sa puso niya. Iniinsulto ba siya nito?

"Hindi mo siya pwedeng mahalin."

"Dahil fan lang ako. Ganoon?" nagagalit siya dito dahil katulad ng iba ay hindi rin pala siya maiintindihan nito. Akala pa naman niya ay iba ito.

"No,"

"Then why? Dahil kahit anong gawin ko ay hindi ako ang magiging tipo niyang babae? Dahil mataas siya at mababa lang ako?"

"Hindi,"

"I shouldn't have told you about him." Parang maiiyak na siya sa sobrang sakit ng loob at kahihiyan.

"Paige, listen…"

Tumalikod na siya dito pero huminto din ng muling magsalita ito.

"Kaden will fall in love with you. Sigurado iyon. But it won't be easy for him and for you falling in love with each other. Hindi ka sigurado kung iyong ipinapakita niya sa inyong mga fans niya ay ang totoong pagkatao niya. Did you ever see him cry? Get sad? Stress? No. That means he never showed his true self. Paano kung makilala mo siya at makita mong iyong Kaden na akala mo na gusto mo ay hindi pala ganoon sa totoong buhay. Mamahalin mo pa rin siya? There's a possibility you won't. Dahil na-in love ka sa taong akala mo ay siya. At sa tingin mo ba madali para sa kanya na mahalin ang isa sa mga fans niya? There were thousands of you. Kung mamahalin niya ang isa sa inyo paano na iyong iba? Siguradong magagalit ang mga iyon dahil katulad mo ay ganoon din ang gusto nilang mangyari. Iyon ay ang mapansin ni Kaden. Magiging mahirap din para sa babaeng mamahalin niya. Her life will be miserable if fans will go after her just because their idol is in love with her. Sa tingin mo, hahayaan ni Kaden na magsuffer ang babaeng mamahalin niya?"

Charles was so damn into it. Nakikita niya na parang pati ito nasasaktan sa mga sinasabi nito. Sa gustong ipamulat nito sa kanya. Naiintindihan niya ang ibig sabihin nito. Pero parang bilyong-bilyon na karayom ang tumama sa kanya dahil masakit ang katotohanan sa mga sinabi nito. So kahit anong gawin pala niya ay wala din mangyayari sa pang-iilusyon niya.

She just chose to get out of there. Gusto niyang mapag-isa muna. Matagal na niyang tanggap iyon pero umepekto pa rin ang mga pinagsasasabi ni Charles sa kanya.

At saka bakit ganoon kung makapagsalita ito? Dati bang sikat ito at na-in love sa isa sa mga fans nito kaya ito ganoon? Kaya ba familiar ang itsura nito sa kanya dahil dati niyang nakikita ito? Hindi na ba sikat ito ngayon?