Nagmulat ng mga mata si Paige na hindi masyadong nakatulog ng maayos. Kaya naman inaantok pa siya.
Her brain is busy thinking about a person… Charles. Pati nga kagabi bago siya makatulog ay ito na ang iniisip niya hanggang ngayong umaga pa? Bakit ba hindi na nito tinantanan ang utak niya?
At malinaw pa rin sa kanya ang nangyaring pagtatalo sa kanila kagabi. Ang pakiramdam niya bago siya umalis sa bahay nito ay parang pinagsusuntok nito ang dibdib niya dahil sa mga sinabi nito. Pero narealize niya na tama naman lahat ng sinabi nito. Lalo na at siguradong marami ng nakilalang sikat na tao ito kaya malamang na nakakakwentuhan nga naman nito ang mga iyon. Masyado lang siyang nagpadala sa sakit ng loob niya.
Wala namang intensiyong masama si Charles sa kanya. She was just saving her from her insanely daydreaming.
Narinig niyang may kumatok. Tumayo siya pero parang nanlalambot pa rin siya. Parang wala siyang gana. Dahil kaya iyon sa hindi nila pagiging okey ni Charles?
"S-Sandali…" tinatamad na sigaw niya.
Napahinto siya ng marinig ang tunog ng gitara. Fiesta ba sa lugar ngayon kaya may mga nagbabahay-bahay para makaipon ng pera?
But the sound of the guitar is quite familiar.
Sa gulat niya ng buksan ang pinto ay naisara niya ulit iyon. Charles? Bakit may hawak itong gitara? Para itong aakyat ng ligaw. Pero umaga na, sa gabi lang dapat may nanghaharana.
"You were standing there…"
Her heart was about to drop when she heard his voice. Is that a state of euphoria? Why not? Charles has such a sweet voice. As if she already ate her breakfast. It was satisfying.
"You're eyes on the sun. Something captured me."
Iyong lyrics na iyon. Iyon iyong nabasa niya ng makita niya ang notebook nito. Atsaka iyong intro ng kanta ay ang acoustic version ng pina-piano nito kahapon.
"It wasn't the sunrise, it was you. It wasn't the beach, it was you. It wasn't just the warm breeze of the wind, but it was your smile…"
Bakit na-i-imagine niya ang sarili niya habang nasa beach siya? Tapos ay kinukuhanan pala siya nito ng litrato? Is it too much to ask if she'll wish that… maybe… that song was for her?
Binuksan niya ang pinto. Their gazed locked for a second. Bakit parang humihingi ng sorry ang mga mata nito?
"You just left, don't know what to do. I felt a piece of me left."
Itinatambol yata ang puso niya sa kinakanta nito.
"Seeing you leaving… my heart just couldn't take it. Don't go… I can't… I won't… I'm sorry…"
"I'm sorry." He said after he strung the guitar.
Magsasalita na sana siya kaso ay naalala niya na hindi pa siya nakakapagmumog o nakakapagtoothbrush. Pero ang kilig na nararamdaman niya ay hindi niya kayang ipaliwanag. Paano pa niya ma-e-explain iyon kung ganoong klaseng boses at kanta ang bubungad sa kanya? And why the heck Charles is that gorgeous in the morning?
"Hindi ko sinasadyang saktan ka. Naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Maybe I just didn't use the right words. Yeah, maybe… you are not his type of woman but let's be realistic. But that ideal type isn't always who you will fall in love with, right? K-Kaya sigurado akong with you being yourself. Kaden will still fall in love with you."
He was just so serious and too sincere. Para bang kung hindi niya patatawarin ito ay magugunaw ang mundo nito. She chuckled a bit. Iyong hindi mahahalata nito.
"A-And… I'm sure, kung makikita ka niya sa mga concert niya. I'm certainly sure that he will dedicate one of his songs to you. And he will sing it while holding your hands as he was staring at you."
Naalala niya ang last concert ni Kaden na napanood niya. Ganoong-ganoon ang ginawa ni Kaden para sa kanya. One of those memorable moments in her life. He made her feel like she could reach him.
"He never forgets about you."
Kinabahan siya. Bakit ba sa tuwing magbibitaw ito ng mga ganoong salita ay tagos sa puso nito? At palagi siyang apektado sa mga ganoong salita nito. Something in her heart was happy hearing those words coming from Charles. She just doesn't know why but Charles has a bigger part in her life now, maybe. Hindi siya sigurado pero nagagawa nitong ipalimot sa kanya ang obsession niya kay Kaden.
"He may be tried to find you."
Napamaang siya sa sinabi nito. Imposible iyon. Si Kaden? Hahanapin siya? Kalokohan!
"And" sabi nito ng biglang may maalala. "Siguro nagtataka rin siya ngayon kung bakit hindi ka niya napansin dati."
Imposible man ang mga sinasabi nito pero naniniwala ang puso niya.
Malalim na bumuntong-hininga ito. Mukhang nawawalan na ito ng sasabihin at pag-asa na mapapatawad pa niya ito. "I'm really so sorry, Paige."
Kanina pa ay napatawad na niya ito. Malamang na kagabi pa nga.
Lumapit ito sa kanya. Napaatras siya. Anong binabalak nitong gawin?
Hinawi nito ang buhok niya na tinatakpan ang kaliwang mata niya. "You look really pretty in the morning, Paige."
Bakit ba ngayon lang niya naramdaman na ang ganda-ganda pala niya?
And the way he stares at her affects her. Bumaba na naman ang mga mata nito sa mga labi niya. Uminit yata ang buong katawan niya. It was giving her a different kind of excitement. Napapikit siya. Ganoon ba dapat siya mag-react?
Bigla niyang natutop ang bibig at itinulak si Charles. Hindi pa siya nagtu-toothbrush, for sake.
"Pina-ksksmsj…"
"P-Paige?"
Paano nga naman siya maiintindihan nito? E nakatakip ang bibig niya sa kamay. Marahas niyang isinara ang pinto. "Pinapatawad na kita."
"Why are you treating me like this?" nandoon ang pagsusumamo sa boses nito.
"N-No," hindi lang niya maharap ito at baka maamoy nito ang hindi dapat. Ma-turn off pa ito. "Pupuntahan kita sa bahay mo mamaya. Promise! Napatawad na talaga kita."
"Are you gonna take care of me?"
"Y-Yeah, kaya umalis ka na muna. Mamaya na lang tayo mag-uusap."
"Bakit parang pinapalayas mo ako?" anitong may nakakaloko na sa pananalita nito.
"Please lang, Charles. Mamaya na lang tayo mag-uusap."
"Sure?"
"Oo nga sabi,"
"Aalis na ako."
"Bye," aniya.
"Bye," sagot naman nito.
Nakahinga na siya ng maluwag. Mukhang nakahalata na ito sa ikinikilos niya. Bakit kasi wala man lang clue ito sa mga gagawin nito? Sana nakapaghanda siya.
"Bye,"
"Argh! Charles," paninili niya ng marinig uli ang boses nito. Hindi pa pala ito umaalis at pinagti-tripan uli siya.
"Bye… totoo na ito." Huli niyang narinig mula dito.
Teka, okey na ba ang kamay nito? Di ba sumakit iyon ng maggitara ito?