Tapos ng maghugas ng plato si Paige ay di pa rin tapos maligo si Charles. Medyo nag-aalala siya dito dahil baka mapahamak ito sa banyo lalo na at hindi okey ang kamay nito. O nagiging OA lang ako mag-isip ngayon?
Nagpailing-iling siya. Ano bang iniisip niya? Sigurado namang okey lang ito. Masyado lang kasi siyang kinokensiya nito kaya siguro siya nagkakaganoon.
Inilibot niya ang mga mata sa kabahayan. Bakit parang nagiging interesado siya sa bahay na iyon.
Lumapit siya sa piano na nasa may bandang sulok. May gitara sa gilid niyon. Nakita din niya ang ilang notebook na nakapatong sa taas niyon. Binuklat niya iyon. Binasa niya ang ilan sa mga nakasulat doon. Parang lyrics ng mga kanta iyon. Pero halos drafts lang. Hindi pa niya gaanong maintindihan kung anong klaseng kanta iyon. Wala rin naman siyang ideya sa proseso ng paggawa ng kanta. Na-a-appreciate lang niya iyon kapag buo na iyon tulad ng mga kanta ni Kaden.
Kinuha niya ang isa pang itim na notebook. Binuklat niya iyon. "You were standing there. Your eyes on the sun. Something captured me. It wasn't the sunrise, it was you. It wasn't the beach, it was you. It wasn't just the warm breeze of the wind, but it was your smile…"
Bakit ba bigla niyang na-imagine iyong araw na una niyang nakita si Charles? Noong lihim siyang kinukuhanan ng litrato nito? Bakit na-imagine niya ang moment na iyon na siya ang sinasabi sa mga nakasulat sa notebook? Nagiging assuming na ba siya ng bongga? Because those words are the sweetest words that she had ever read. It moved her and a sudden pole of magnet attracted something inside her. Hindi niya maintindihan kung para saan iyon. Or masyado lang siyang naging affected sa lyrics na iyon.
"Paige?"
Lihim na binitawan niya iyon.
"Sorry kung pinakialaman ko iyon."
"Okey lang."
Lumapit ito sa kanya at inayos ang mga magulong notebook na parang merong isa sa mga iyon ang dapat nitong itago. Naamoy niya ang mabangong amoy ng sabon na kumapit sa katawan nito. Nakasuot ng t-shirt ito pero parang humapit ang matipunong katawan nito sa medyo basang damit nito. How could Charles be this perfect? Napakunot siya ng noo. At kailan pa ako naging pervert?
Iniwasan niya ang mga abs nito at tumingin sa mukha nito. "Nagsusulat ka ng mga kanta?"
"Yeah,"
"Anong klaseng kanta?"
"Iba-iba…"
"Iyon ba iyong source of living mo?"
"Oo,"
"Ayaw mo ba kong kakwentuhan?" Biglang tanong niya dahil ang tipid kung sumagot ito.
"Hindi naman,"
"So bakit puro one-word lang ang sagot mo?"
"Iyon lang naman ang sagot sa mga tanong mo. Why? Do you want to know me more?" Panunukso nito. He smirked.
"H-Hindi, ah!"
Umiling ito at ngumiti sa paraang hindi ito naniniwala sa sagot niya. "Palao ang apelyido ko. Hanggang high school lang ako dahil mas ginusto ko ang magsulat ng mga kanta. Binenta ko ang mga isinulat ko sa mga music company hanggang sa naging regular na songwriter ako sa isang kumpanya."
Naisip niya si Kaden. May possibility kayang nakakatrabaho nito si Kaden? "Si K-Kaden,"
"Kaden?"
Hindi na pala niya pwedeng banggitin ang pangalan nito. Hindi ba nga at kakalimutan na niya ang pantasya niya dito? "Nevermind,"
"What about him?"
Sasabihin ba niya dito na baliw na baliw siya sa lalaking iyon? "Curious lang ako kung sa company nila ka nagtatrabaho."
"No," Saka ito tumalikod sa kanya at dumiretso sa sala. "Manood na lang tayo ng tv."