Chereads / ILYSB / Chapter 12 - Chapter 12

Chapter 12 - Chapter 12

Pagbalik ni Paige sa bahay ni Charles ay nadatnan niya itong relax na relax na nakaupo sa couch ng sala nito. Nilagpasan niya ito at dumiretso sa kusina. Pero muli niyang tinignan ito. Bakit parang mukha pa itong pagod sa kanya? Medyo pawis kasi ito at nakita niyang puno ng putik ang labas ng pinto nito na parang may pumasok galing sa labas. E kakadating palang niya ay may putik na doon. O naputikan lang iyon ng puntahan nito si Tita Gina?

Dumiretso na siya ng kusina at nagsimulang magluto. Napahinto siya dahil paano niya sisimulan iyon?

"You wash the pork first—" sabi ni Charles.

"Alam ko," pagsisinungaling niya at hinugasan ang mga baboy. Napahinto uli siya.

"Maglagay ka na ng kaserola sa stove atsaka mo lagyan ng tubig—"

"I know." Aniya ulit kahit na thankful siya dito. Hindi kasi niya alam kung anong gagawin. Ayaw lang niyang magmukhang tanga sa harap nito.

He heard him chuckled. "You're cute."

Matalas ang mga matang nilingon niya ito. "Pinagtatawanan mo ba ako dahil mukha akong tanga dito?" But she felt her cheeks blushed.

"Of course not," he stared at her as if she was that too gorgeous. "I just love staring at you."

Imbes na magalit sa sinabi nito dahil parang insulto iyon para sa kanya ay kumabog lang ang puso niya. Kabog na kabog iyon habang nakatingin siya dito. Ngayon niya na realize na maganda pala ang mga mata nito. And she couldn't stop herself from staring. Pakiramdam niya ay matagal na siyang nakatitig sa mga matang iyon. She memorized it already. O dati na niyang kabisado ang mga iyon?

May narinig siyang tumikhim at saka siya biglang nagising. Mukhang napatagal yata ang pagtitig niya dito. Kaya naman ng tignan niya ito ay umabot hanggang tenga yata ang pagkakangiti nito at parang kinikilig ang bruho. Mukhang gustong-gusto nito ang ginawa niya.

"Tse," pagtataray niya para maibsan ang kaba sa dibdib niya.

Sa wakas ay natapos na siya sa pagluluto habang ini-instruct siya nito. Naayos na din niya ang hapag-kainan kaya kakain na sila.

Halatang excited si Charles na matikman ang luto niya. Kahit na di pa niya tinatawag ito ay pumwesto na ito. Agad na humigop ng sabaw ito.

Sa wakas ay makakaganti na siya dito. Sinadya niyang damihan ang asin na inilagay niya sa ulam.

Napangisi siya ng tikman nito iyon.

Nagulat siya ng kumuha pa ito sa iniluto niya at inihalo iyon sa kanin nito. Saka nito isinunod-sunod ang pagsubo.

Hindi kaya maalat ang pagkakaluto niya? Bakit parang enjoy na enjoy ito?

Kumuha siya ng kanya at tinikman iyon at parang gusto niyang isuka iyon ng malasahan. Sobrang alat niyon. Binalingan niya si Charles na enjoy na enjoy sa pagkain.

"Umiinom ka ba ng gamot?"

Umiling ito. "Bakit?"

"Ang alat ng niluto ko. Bakit parang sarap na sarap ka?" Kasi baka dahil sa gamot ay di na makuhang malasahan nito ang pagkain.

"Masarap siya para sa akin kasi pinaghirapan mo siya."

Parang pinana ang dibdib niya at ang evil angel sa tabi niya. Nakonsensiya na naman tuloy siya dahil sa ginawa niya. Naiinis kasi siya at napipikon sa mga pinagagawa nito. "Sorry,"

"Sorry? Para saan?"

"Sa ginawa ko sa iyo. Sa mga sugat mo… sa lahat…" di niya masabi na sinadya niyang alatan ang pagkain at baka magkasakit ito sa bato ay siya pa ang sisihin nito. Pero kidding aside… Sincere siya sa paghingi ng sorry dito.

"It's okay." He smiled and continued eating.

Medyo nakaka-enjoy din palang tignan ito habang kumakain. Sarap na sarap kasi ito sa kinakain nito. Ni hindi nga makuhang magsalita nito.

"Kailan ang birthday mo?"

"A-Ako?"

Tumango siya at parang nag-isip pa ito bago sumagot.

"Sa September 1,"

"Malapit na pala. Ipagluluto uli kita."

"Really?" mukhang na-excite pa ito.

"Oo, dahil tumatahimik ka kapag kumakain."

Lumukot ang mukha nito. "Akala ko pa naman ay bukal iyon sa loob mo. Gusto mo lang pala akong tumahimik."

"Medyo. Masyado ka kasing talkative."

"Talkative lang ako kapag kumportable ako sa kausap ko."

She was suddenly tongue-tied. Bakit palagi siyang walang ma-i-comment sa mga sinasabi nito?

He just smiled as if he was enjoying staring at her while she was tongue-tied.

"Hmmm, kumain ka din."

Tinanggap niya ang pagkaing isinusubo nito sa kanya. Muli siyang sinubuan nito ng walang marinig na reklamo sa kanya. Kinain uli niya iyon. Bakit bigla yatang nabawasan ang alat ng sinigang? O dahil si Charles ang nagsusubo niyon sa kanya? Atsaka ang tigas pa ng baboy. Anong klaseng luto ba ang ginawa ko?

"Let me." At saka niya kinuha ang mga plato na ilalagay nito sa lababo. Baka mabitawan pa nito iyon dahil injured ang isang kamay nito. "Ako na ang bahala dito."

"Are you sure?"

"Oo,"

"Maliligo na ako."

"Sige," Pero hindi pa rin umaalis ito sa kinauupuan nito. "Akala ko ba maliligo ka na?"

Tumango ito. "Oo,"

"O bat nakaupo ka pa diyan?"

"Hindi mo ba ako paliliguan? Kasi injured pa itong—"

"Are you kidding me?"

"Sige na nga. Ako na lang mag-isa baka hindi mo pa makalimutan ang makikita mo." Saka ito tumawa.

Hindi niya napigilan ang hindi mapangiti sa sinabi nito. "Y-You're crazy." She just actually enjoyed his humor.

"A-And…"

And?

"Y-You're pretty, Paige." Pakiramdam niya ay dumikit na parang glue ang mga mata nito sa mukha niya.

How could he make her heart beats faster and faster in different ways?

Hindi siya sanay na tinititigan siya ng ganoon kaya umiwas siya ng tingin dito. Bahagya din niyang itinago ang mukha dahil pakiramdam niya ay pulang-pulang iyon. She was blushing, for Pete's sake. "Maliligo ka, di ba?"

"Ah, yeah…" anito kapagkuwan na parang kahit ito ay nakalimutan na.

Sinundan niya ng tingin ito. Why is she smiling without any reason why?