Habang naglalakad si Paige ay abala siya sa pag-gu-google ng ingredients para sa nirequest nitong Sinigang na Baboy. Katulad ng sinabi ni Charles who sucks ay i-google na lang niya. Kaya naman iyon ang ginagawa niya. Kaya nga natalisod pa siya dahil doon. Nakokonsensiya siya pero naiinis siya sa hantarang paglalaro nito sa kanya. Obvious kaya.
Nakapagsearch siya pero parang hirap siya sa pamimili. Hindi kasi niya alam kung anong klaseng ganito at ganyan ang dapat niyang bilhin. Kung ang pork ay dapat ba liempo o kung anong klaseng pork pa ang meron.
Nasa gitna na siya ng palengke ay hindi pa niya alam kung paano magsisimula sa pamimili.
Biglang tumunog ang cellphone niya. Unknown ang nakaregister na number.
Sinagot niya iyon. "Hello,"
"Hi, Paige, kumusta? Nahihirapan ka ba sa pamimili?"
Boses ni Charles ang narinig niya. Baka kay Tita Gina nakuha nito ang number niya. Nagtaka siya dahil wala sa tono ng boses nito ang nang-iinis. Parang concern ito. "Siyempre… hindi!"
"Totoo?" paniniguro pa nito.
"Oo naman,"
"So marami ka ng napamili?"
"Oo naman,"
"Tulad ng?"
Nag-isip siya kung ano ang isasagot niya dahil sa totoo lang ay wala pa. "Ahmmm," tinignan niya si google dahil si google lang ang makakapag-save sa kanya sa mga sandaling iyon. "P-Pork, gabi, labanos—" aniyang medyo nagpanic pa baka kasi mahalata nito sa boses niya na nagsisinungaling siya.
"—atsaka ba mustasa?"
"O—" May mustasa ba? Chineck uli niya si google at walang mustasa. Pinagti-tripan na naman siya nito. "Anong gagawin ko sa mustasa, aber?"
He laughed.
Napahinto siya ng marinig ang sincere na tawa nito. Its kinda sounds so relaxing. It even sounds too familiar. Parang narinig na niya iyon dati.
"Basta ang tandaan mo lang sa pamimili ay…"
Sunod-sunod na wika nito at binibigyan siya ng mga advice sa pamimiling ginagawa niya. Magaling sigurong magluto ito dahil parang sanay na sanay itong gawin iyon. Kinakabasido niya ang mga sinasabi nito.
"—and be careful, Paige. Huwag kang tumitingin sa cellphone mo habang naglalakad at baka di ka lang matapilok—Okay, bye…"
"T-Teka," inilibot niya ang mga mata. Bakit pakiramdam niya ay nasa paligid lang ito? Imposible! Kahit anino nito ay hindi niya makita. Baka guni-guni lang niya iyon.
Nagsimula siyang maglakad. Pero bago pa siya makalayo sa lugar na iyon ay may mga lalaki at babaeng tindera na ang lumapit sa kanya. May dala-dalang kanya-kanyang tinda ang mga ito at lahat yata ng sahog na kailangan niya ay dala-dala na ng mga ito. May nag-utos ba sa mga ito na gawin iyon?
Baka si Charles? Pero hindi dahil gusto lang siyang paglaruan nito. Baka naman napansin lang ng mga ito na hirap ako sa pamimili kaya sila na ang lumapit sa akin.
"��and be careful, Paige."
Paulit-ulit na nagrewind ang mga salitang iyon sa utak niya. And why it's making her heart pound so damn fast? Baka na-touch lang siya sa concern nito sa kanya. Pero hindi, eh! Hindi ba nga at hinayaan lang siya nitong mamalengkeng mag-isa? Kung totoong concern ito ay dapat ay sinamahan na lang siya nito.