Chereads / ILYSB / Chapter 10 - Chapter 10

Chapter 10 - Chapter 10

"Good morning, Paige." Masiglang bati ni Charles ng pagbuksan siya nito ng pinto.

At oo, nandoon siya sa bahay nito ngayon para alagaan ito. O mas magandang sabihin na magpaalipin dito. She wants to spend that vacation mourning for her friend and to move on. At hindi para magpaalila sa isang estranghero.

Tinapunan niya ito ng napakatalim na tingin at full force niyang inisnab ito. Akala ba nito ay masaya siya sa gagawin niya? Tuloy-tuloy siyang tumuloy sa bahay nito at ineksamin iyon. Infairness naman dito dahil malinis ang bahay nito.

"Malinis na itong bahay mo, Mister. Ano pang gagawin ko dito?" walang kasigla-siglang tanong niya dito.

"Ahmmm," nag-isip ito. "Sindihin mo ang tv para sa akin." Nakangiting wika nito.

Nagbabagang titig ang itinapon niya dito at naging slow mo pa ang pagharap niya dito. "Niloloko mo ba ako? Kaya naman siguro ng kanang kamay mo ang pumindot ng remote—"

"O-Ouch…" hinaplos nito ang mga bugbog nito sa mukha. "Ang s-sakit ng—"

"Eto na, sisindihin ko na…" padabog na lumapit siya sa mesa kung saan nakapatong ang remote. Nang mahawakan niya ang remote ay saka ito nagsalita.

"Huwag na pala, Paige. Ikuha mo na lang ako ng tubig sa ref."

She snobbed him once more before she went to the kitchen. Bubuksan na lang niya ang ref ng magsalita na naman ito.

"Huwag na pala."

She gritted her teeth when she heard him say that. Sa totoo lang ay five percent na lang ay sasabog na siya. "Ako ba, Mister, pinagloloko mo?" Hindi niya gusto ang magpaalipin sa kahit na sino. Siya ang madalas mag-utos sa katulong nila.

Umiling ito. "You know guys don't really have final decisions. Kaya intindihan mo na lang ako, Paige." Parang nang-iinis na sambit pa nito.

"So anong gusto mo?" mataray na tanong niya.

"Don't call me Mister, call me Charles. Atsaka bakit ang sungit mo ngayon."

Titig lang ang naging sagot niya dito.

"Hindi ako kumportableng tinatawag na Mister. Hindi pa naman ako mukhang fifty years old, hindi ba?"

"Charles," wala siya sa mood na makipag-argumento dito kahit na inis na inis siya dahil obvious naman na gusto siyang paglaruan lang nito dahil sa nangyari dito. "Ano pong maipaglilingkod ko?"

"Huwag ka ng mamapo sa akin dahil matanda lang naman siguro ako ng ilang taon sa iyo."

She calmly inhaled and exhaled. "Anong maipaglilingkod ko?"

"Gusto ko mamalengke ka. Ipagluto mo ako."

"Ano?" Ni ayaw nga siyang nagpupunta ng mama niya sa kusina dahil ayaw nitong mapahamak siya habang nagluluto dahil hindi naman siya marunong niyon. At saka, napakaswerte naman yata nito dahil ito pa ang una niyang ipagluluto kesa sa mga magulang niya, o mga kaibigan o kay Kaden.

"Ayaw mo?"

Tinapunan lang niya uli ito ng nagbabagang mga tingin. Kung may inilalabas nga na apoy ang mga mata niya malamang na kanina pa naluto ito dahil sa mga titig niya.

"Okey, sige… ako na lang ang magluluto para sa iyo kahit na ikaw naman talaga ang may kasalanan kung bakit nangyari sa akin ito. Nagmamagandang-loob na nga ang tao ay mapapahamak pa ng ganito. I don't think I deserve this—"

"Okay, fine… ipagluluto na kita." Nakokosensiya siya dahil sa sinapit nito at pinagsisisihan niya iyon. Pero sobra naman yata ito sa… Hindi, okey lang… Grabe nga naman ang nangyari dito.

"Ano ang pinakamasarap sa mga niluluto mo?"

"Wala,"

"Anong wala? Walang masarap kahit isa?"

"Wala dahil hindi naman ako nagluluto."

Parang rebelasyon iyon na hindi nito kayang paniwalaan. "Akala ko pa naman ay magaling kang magluto. Nasa itsura mo kasi."

"Pwes, mali ka ng akala." Siguro naman ay matatauhan na ito sa gustong ipagawa nito.

"E anong kaya mong gawin?"

"Pharmaceutical Chemist ako. Gusto mong igawa kita ng lason?" Teka, medyo harsh yata siya.

Imbes na mapikon ay tumawa lang ito. "Palabiro ka pala, Paige."

Pero siyang-siya ito sa sinabi niya.

"Gutom na gutom na ako. Ang gusto ko ay pagkaing iniluto para sa akin kaya mag-google ka na lang para maipagluto mo ako ng maayos na pagkain. Iyong hindi ko isusuka kapag kinain ko. Okey lang na hindi siya gaanong masarap basta pwede pa ring kainin. Chemist ka kaya sa palagay ko napakatalino mo kaya gawin mo ng maayos ang pagkain ko."

Dedepensahan sana niya ang sarili ng muling magsalita ito.

"Dahil sa injured kong kamay ay hindi man lang ako makapaghiwa." Nagpapa-awa effect na naman ito.

Binawi niya ang pagbuka ng bibig. Kapag kinonsensiya na siya nito ng ganoon ay wala na siyang pwedeng gawin kundi sundin ito. "Asan ang pera pambili?" Iminuwestra niya ang kamay na parang batang humihingi ng pera sa tatay nito.

"Pautangin mo muna ako. Wala na akong pera kasi ipinadoctor ko itong mga sugat ko—"

"Okey! Tama na! Aabonohan ko na." Marahas na tumalikod siya dito at mabilis siyang lumayo dito. Mamalengke na siya bago pa siya maubusan ng pasensiya.

"Ilista mo muna, Paige. Babayaran naman kita."

Pahabol pa nito. Nunca na sasagutin pa niya ito.

Humanda ito sa iluluto niya.