Busy si Paige sa pagse-surf sa internet ng makita ang pinost ng pinsan niyang si Anne. Nagpost ito ng larawan nito at ng mga boss nito. Na-promote kasi ito sa trabaho nito bilang Marketing Manager. Masaya siya para dito dahil iyon ang matagal ng pinapangarap nito. Take note, sa ibang bansa pa nagtatrabaho ito.
Tinawagan niya ito.
"Congratulations, couz…" masayang bungad niya.
"Thank you, Paige." Anito sa kabilang linya.
Hanggang sa humaba ang pag-uusap nila. Close na close sila nito dahil magkaedad sila at nag-aral sa iisang eskwelahan simula elementarya hanggang highschool. Kaya pinsan slash BFF niya ito at si Inah na dati nilang kapitbahay. Na balita niya ay successful na din. At medyo matagal-tagal na wala silang komunikasyon dahil abala ang mga ito sa trabaho.
"Ikaw? Kumusta ang career life? I think Inah is doing great with her job too."
Natahimik siya. There is nothing she could brag about. Oo, graduate na siya at may masteral degree pa pero hanggang doon lang. Wala pa siyang maipagmamalaki na na-achieve na niya dahil sa sariling pagsisikap niya. Lahat ng meron siya at tinatamasa niya ay dahil sa mga magulang niya.
"Paige? Still there?"
"Y-Yeah, heto okey lang naman." Aniya.
Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. "Hanggang ngayon ba ay hindi ka pa rin nakakapagtrabaho?"
"M-Medyo," nahihiyang sagot niya.
"Ayaw mo bang i-experience kung paano mo mapapakinabangan ang pinag-aralan mo? Wala ka bang pangarap na gustong ma-achieve, Paige? We used to dream together, di ba? Anong nangyari?"
Parang may sumuntok sa mukha niya dahil sa sinabi nito. Ang dami nilang pangarap noon. Isa na doon ang maging successful ito as a Marketer, Inah is to be a successful writer at siya naman ay maging isang Chemist dahil ang dami niyang gustong malaman at ma-invent na bagong gamot na magsasalba sa ekonomiya. Pero nawala ang pagiging goal seeker niya simula ng mag-graduate sila at nangibang-bansa si Anne para i-achieve ang sariling pangarap nito. Maging ng iwan nila si Inah sa lugar na dati nilang tinitirhan. At saka siya biglang nahumaling kay Kaden at saka na niya finocus ang sarili dito.
"Paige? So—"
"H-Hindi. Totoo naman." Biglang nag-flash sa isip niya ang mga naging kaklase niya, kaibigan, kapitbahay at ibang kamag-anak niya na kaedad niya na sobrang successful na dahil sa will ng mga ito. Nanliit siya. Mayaman nga sila at hindi naghihirap pero iba pa rin na may na-achieve ka at kayang mabuhay kahit na wala ang karangyaan. Parang nahiya siya para sa sarili niya. She has nothing to be proud of.
"Have a life, Paige. Go out of your shell. Ang dami mo ng na-mi-miss sa buhay."
Nakalimutan na rin niya ang makihalubilo kaya wala na siyang close friend ngayon.
"Mag-lovelife ka din, Paige. You're missing the taste of heaven." Maharot na sambit nito. Sa tantiya niya ay inimagine pa nito ang boyfriend nito. At heaven? Ano bang gustong iparating nito? "Alam ko marami kang suitor, Paige. Pero sabi nga ni Tita ay wala ka man lang binibigyan ng chance sa mga iyon. What's wrong? Tomboy ka ba at hindi mo lang sinasabi sa amin?"
"Hindi, ah!" hindi man siya mahilig sa mga pambabaeng damit o whatsoever na ka-ek-ekan ng mga babae ay sigurado siyang hindi siya lesbian.
"Kung hindi, bakit?"
"H-Hindi ko alam. Wala pang nagpapatibok ng puso ko."
"K." asar nito sa kanya. "Ahh—siguro dahil iyan kay Kaden noh?"
Napatingin siya sa kwarto niya na puno ng poster nito. "H-Hindi, ah."
Matagal bago ulit nagsalita ito. "Okey lang naman na magka-crush o idolin mo ang kagaya ni Kaden. Pero huwag kang mangarap ng mas mataas doon, couz. Kaden is an idol and you're just a fan. Ayokong saktan ang feelings mo pero hindi magkakagusto si Kaden sa iyo. That was reality, Paige. Maganda ka at walang lalaking hindi mamamahalin ka pero hindi isa sa mga iyon si Kaden. Maybe he saw you in one of his fan signs but he won't remember you. Or maybe, he will pero hindi agad gusto ka na niya or whatsoever. In a week or two, mawawala ka na sa isip niya dahil libo-libo o milyong-milyon kayong fans niya na nakikita o nakakasalamuha niya araw-araw."
Parang kidlat na tumama sa kanya ang mga salitang lumalabas sa bibig ni Anne. Parang nagsisisi tuloy siya na tinawagan niya ito. Pero may tama ito at kung nasa harap lang niya ito ay matatamaan din ito sa kanya.
"P-Paige?"
Bata pa sila ay masyado ng honest ito pero masakit ang pagiging honest nito, sagad hanggang buto. She felt like something is hitting her. Habang nakatingin siya sa mga poster ni Kaden. Parang napapa-teary eyes siya. Reality struck her. Kinuha niya ang album na may autograph nito.
Thank you for supporting me. –Kaden
Doon na tuluyang tumulo ang mga luha niya. She was so happy knowing him. Kasi inspirasyon niya ito sa maraming bagay. Na-i-imagine nga din niya na nakakasama niya ito, niyayakap at mahal siya nito. Kasi pinapangarap niya ito. Pero tama ang pinsan niya. Hindi dapat. They may be living in the same country or breathing the same air but she was still like on the other side of the planet. Iyong kahit anong lapit at pagpapapansin ang gawin niya ay hindi siya magagawang tignan man lang nito ng higit sa limang segundo na animo ang ganda-ganda niya. At iyong pag-i-I love you nito? Walang ibig sabihin iyon dahil sinasabi nito ang mga salitang iyon sa lahat ng fans nito. Katulad lang siya ng ibang babae diyan na hinahangaan ito. At kahit na binago na niya ang sarili niya para dito ay hindi pa rin niya manananakaw ang puso nito.
"I'm so—"
"Okey lang, couz. Tama ka naman. Masyado kong inikot ang mundo ko sa kanya kaya ang dami ko ng na-miss." Na ngayon ay alam na niyang mali. Dahil walang magagawa sa buhay niya ang pagpapantasya niya kay Kaden. Kailangan na niyang magising sa katotohanan. Kailangan na niyang itigil ang lahat. Hindi tama dahil matanda na siya. Hindi dapat ang lalaking iyon ang iniisip lang niya. Kailangan niyang i-experience ang mundo. A life that will give her satisfaction, success and lessons. Iyong mga bagay na iyon ang dapat niyang iniintindi at hindi lang ang lalaking sa panaginip lang niya nakikita at nakakasama.
"Bye, couz…" paalam niya kay Anne pagkatapos ng mas mahabang kwentuhan. Nangako siya dito na titigilan na niya si Kaden at haharapin ang realidad. Pinangako niya dito na magiging successful na din siya katulad nito at ni Inah.
And to achieve that she needs to…
I hope to forget about Kaden. Nakapikit na wish niya ng makitang 11:11 pm ang oras sa cellphone niya. At oo, naniniwala siya sa kasabihang iyon na kapag nasa ganoong oras ang mga kamay ng orasan ay humiling ka at magkakatotoo iyon. Pero parang kakalimutan na din niya ang teoryang iyon dahil palaging si Kaden ang hiling niya at walang nangyari. And that will be my last wish. Pagkatapos niyon ay hindi na din siya hihiling sa oras.
At huling beses na din siyang a-attend ng concert nito. Sayang naman ang ticket na nabili na niya kung hindi niya gagamitin iyon. Promise… last na po ito. Pagkatapos nito ay titigilan ko na si Kaden. Hindi na rin niya ipipilit na maging ideal type nito dahil hindi iyon siya. Ibang tao ang ipinapakilala niya dito. Paige is the boyish type. At hindi na siya magpapanggap na kung sino lang para lang pansinin nito. Handa na siyang tanggapin ang kabiguan niya sa kanyang first love.