Chereads / ILYSB / Chapter 4 - Chapter 4

Chapter 4 - Chapter 4

Excited na lumabas uli si Kaden sa stage para sa susunod na performance niya. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon kasaya ang pakiramdam niya ng mga sandaling iyon.

Nagsimula siyang kumanta ng energetic at agad na hinanap ng mga mata niya ang babaeng kinantahan niya kanina. Kinanta niya ang kantang iyon ni David Archuleta para sa mga fans niya, sa lahat ng fans niya. Pero kaninang makita niya ang magandang mukha ng babae sa mga audience ay biglang parang para dito na niya inialay ang kanta. He couldn't take his eyes off her. He doesn't want to miss a second not staring at her. Lalo kasing gumaganda ito habang matagal mo itong tinitignan. Napansin din niya na naka-T-shirt lang ito ng puti. She looks so simply and yet she managed to catch his full attention. The oversized t-shirt suits her. Malaki ang suot na damit nito pero hapit ang kurba ng katawan nito. She looks so cute and sexy at the same time. Hindi siya tumitingin sa katawan ng babae pero masyadong ninanakaw ng babaeng iyon ang kainosentihan niya.

He curved a smile while thinking about her.

Hinanap niya ito pero wala na ito sa pwesto nito kanina. Hindi siya pwedeng magkamali. Sigurado siya na sa gitnang bahagi ang pwesto nito kanina. Pakiramdam niya ay nalaglag ang mga balikat niya. Pinasaya niya ang sarili at inisip na baka nag-CR lang ito at babalik din maya-maya.

Pero nakailang kanta na siya ay hindi pa rin bumabalik ito. Umuwi na kaya ito? O baka naman lumipat lang ito ng pwesto?

Muli niyang inilibot ang mga mata para hanapin ito pero kahit anino nito ay hindi na niya naaninag. Nasaan siya? Bakit ganoon na lang ang eagerness niya makita ito?

Sa unang pagkakataon ay gusto na niyang matapos ang concert niya.

Hanggang sa natapos na ang concert niya at mabilis niyang hinanap ang babae. Nagpatulong siya sa mga bodyguard at staff dahil nakunan ito ng camera kaya alam ng mga ito ang itsura nito. Siya naman ay binantayan ang monitor ng CCTV ng arena at nagbabakasakali na makikita niya ang babae palabas. And if he did… If I did? Naguluhan siya sa sarili. Anong gagawin ko? And why his acting so strange?

Nakalabas na lahat ng mga fans niya pero walang magandang babae silang nakita. Sabi pa ng isa sa mga cameraman ay parang napansin daw nito ang babae na lumabas sa kalagitnaan ng concert pero hindi daw sigurado ito.

He was supposed to be happy because his concert was successful. Pero hindi niya magawa. May parte sa kanya na malungkot. Is it because of that mysterious woman? Bakit kailangang umalis nito sa kalagitnaan ng concert? Hindi ba ito nag-enjoy sa performance niya? May problema kaya ito? There was glow in her eyes but there is sadness too.

"Huwag kang mag-alala, Kaden. We will see her on your next show. I'm sure, avid fan mo iyon kaya makikita uli natin siya. Don't worry."

Aasa siya sa sinabing iyon ng manager niya.