Chereads / ILYSB / Chapter 7 - Chapter 7

Chapter 7 - Chapter 7

Nagtatawanan at nagtatakbuhan ang nagpagising kay Paige. Naramdaman niya ang buhangin at hampas ng dagat sa kanyang mga paa. Nakatulog pala siya sa dalampasigan. Medyo madilim pa naman pero mag-uumaga na. Hindi pa nga lang sumisikat ang araw pero ilang minuto na lang ay sisikat na iyon. Hihintayin na niya iyon bago siya uuwi sa dati nilang bahay sa Dagupan. Sunrise gives relaxation on her soul. Ang sarap lang pagmasdan niyon. Lalo na ngayon at kitang-kita niya iyon.

Until the ray of sunshine touched her. Hayun na ang araw, palabas na. Sa gitna ng kalungkutan ay napangiti siya. Wala siyang dalang anumang gadget para makuhanan iyon kaya pagmamasdan na lang niya iyon. Patakbo siyang lumapit para mapagmasdan ng mabuti iyon. Para siyang batang nakikipagpahabulan sa kung sino. Huminto siya ng tuluyan ng lumabas ang araw. Napapikit pa siya na animo inaamoy iyon. Feel na feel kasi niya ang sunrise o ang sunset. It just effortlessly gives comfort to her. Nagpaikot-ikot pa siya dahil sa sobrang satisfaction dahil sa nakita.

Napahinto siya sa pag-ikot ng makita ang isang lalaki na may hawak na polaroid camera. Naramdaman pa niya ang pag-flash niyon at nakita niya ang paglabas ng film mula sa polaroid nito. Siya ang kinukuhanan nito.

Nakita niya ang gulat na mukha nito ng makita ang film at mukhang nakita nito na nakatingin na siya sa camera. Napatingin pa ito sa kanya. Obvious sa reaksyon ng mukha nito na parang nahuli ito sa karumaldumal na ginagawa nito, ang lihim na pagkuha ng picture nito sa kanya. Ngumiti ang mga mata nito na animo inosente ito. Hindi kasi niya makita ang buong mukha nito dahil nakatakip ang polaroid dito.

Pero siya ay kunot na kunot pa rin ang noo. Kanina pa ba siya kinukuhanan nito? O baka naman kagabi pa noong makatulog siya sa dalampasigan? Hindi kaya stalker ito? O isang manyak na kinukuhanan ng litrato ang iba't-ibang babae at pinagpapantasyahan ang mga iyon kapag nag-iisa na lang ito sa kwarto nito?

Sunod-sunod siyang umiling. Hindi dapat siya maging judgemental. Pero kinakabahan at natatakot na siya ng mga sandaling iyon.

Dahan-dahang ibinaba nito ang Polaroid. Lalong kumunot ang noo niya at nagsulubong ang mga kilay niya. Parang familiar ito sa kanya. Inimagine lahat niya ang lalaking nakita o nakilala na niya sa twenty-six years na existence niya.

Did she meet someone as hard core as him? Someone with skin that is clear but sun-weathered. His jawline, cheekbones and eyebrows are prominent in a way you can call them chiseled. He also had a growing beard and mustache and kind of appealing for him. Symmetric din ang ibang features nito.

Pero wala siyang maalalang kakilala niya ng tulad ng features nito. Maybe on movies pero hindi. Parang nakita na niya ito somewhere.

"H-Hi," nginitian siya nito kaya lumabas ang dimple nito sa kaliwang pisngi nito.

She felt her heart shattered when she remembers that one guy she should forget. Bakit ba kailangang magka-dimple din ang lalaking ito? Hayan tuloy naalala pa niya ang lalaking anim na buwan na niyang kinakalimutan.

Wala pa ring reaksyon ang mukha niya. Hindi kasi niya alam kung paano dapat mag-react. Never kasi niyang na-experience na may lalaking magtatangkang kuhanan siya ng litrato ng lihim. Parang ang haba naman ng hair niya.

Ipinakita lahat nito sa kanya ang apat na pictures niya na nakuhanan nito. "S-Sorry…" apologetic na sabi nito. "I just couldn't help it."

Lumapit siya dito ng bahagya para tignan ang mga iyon at handa siyang makipag-giyera dito kung pulos bastos if ever man ang mga nakuhang larawan nito. She felt her heart flip-flops the moment she saw the pictures. She couldn't help but to appreciate them.

Iyong unang larawan ay noong tumatakbo siya para makita ng maayos ang pagsikat ng araw. Tapos ay noong mataman lang niyang pinagmamasdan iyon at noong nagpaikot-ikot siya na medyo blurred pa. The last one is when she caught him and she looks so shookt. New millennial term, ika nga.

"Manyak ka ba?" Gusto niyang bawiin ang sinabi. Hindi kasi niya alam kung anong dapat na sabihin. Hindi kasi niya gusto ang ginawa nito pero naappreciate niya ang mga larawan. At saka hindi naman siya sigurado kung para saan ang mga kinuhanan nito. Paano kung manyak pala talaga ito at hindi lang halata sa itsura nito? Mahirap na.

Nagulat siya ng bumunghalit ng tawa ito.

Medyo na-offend siya sa tawang iyon pero parang masarap pakinggan ang tawang iyon. "Kung hindi ay anong gagawin mo sa mga pictures na iyan? Ibibigay mo ba sa akin ang mga iyan kung hindi ka manyak?"

Huminto ito sa pagtawa ng makita ang galit niyang mukha. Huminahon ito. "Hindi ako manyak."

"Bakit mo ako kinuhanan ng picture?"

"I don't know."

"H-Huh?" dapat ba ay ma-offend uli siya?

"Matagal ko ng hinihintay ang sunrise noong isang araw pa. Ilang araw na akong pabalik-balik sa beach na ito para lang makuhanan iyon. At masuwerte ako na merong sunrise pala ngayon. And I just want to capture it. And—"

"Pero bakit picture ko ang nandiyan?"

"And someone just caught my attention. Nasa harap ko siya at enjoy na enjoy niyang pinagmamasdan ang araw. At bigla ko na lang nakita ang sarili ko na kinukuhanan siya ng larawan instead of the sun."

Is her heart smiling all of a sudden? Is he actually praising her? Atsaka bakit ganoon kung magreact ang puso niya? Hindi niya maintindihan iyon.

"P-Pwede mo pa n-naman kuhanan ang s-sunrise…" Bakit ba siya nabubulol?

"Wala ng film,"

"Oh," tanging nasabi na lang niya.

Ano bang dapat niyang gawin? Aalis na ba siya o dapat ay may sabihin pa siya dito? She felt like she wasn't being herself. Hindi niya maintindihan ang mga nangyayari. As in!

O dapat niyang kunin ang mga pictures na iyon? Pero nakakakonsensiya naman dahil sa kanya ay hindi nito na-picturan ang sunrise at naubos ang film ng camera nito.

Biglang nakatingin na lang yata siya sa mga mata nito… tapos ay sa buong mukha nito. Talagang pakiramdam niya ay kilala niya ito. Na parang matagal na niyang nakita ang mukhang iyon. Pero hindi eh… parang hindi naman!

Hindi kasi siya matandain ng mukha. And she has this tendency to forget people face' easily. Madalas pa nga na napapagkamalan niyang kakilala ang isang tao kahit hindi naman pala. Katulad noong naglalakad siya at nakita niya ang grupo ng mga lalaki. Akala niya ay iyon ang dating kaklase niyang si Bryan. So habang naglalakad siya ay napansin niya na hindi man lang siya pinansin nito. Kaya tinawag niya ito at sinabing mapagmalaki na ito dahil hindi ito namamansin. Gulat na gulat ito sa ginawa niya at ng makalapit siya ng konti dito at mapagmasdan ito ay hindi nga siguro ito iyong naging kaklase niya dati. Inisip kasi niya na baka pumayat at tumangkad lang ito.

Pero hindi pala talaga ito iyong kakilala niya. Kaya malamang na ganoon din siya sa lalaking ito. Baka kamukha lang ito ng isa sa mga nakilala na niya.

"Type mo ba ako?"

Nagulat siya sa tanong nito. "A-Ano?" exaggerated na balik tanong niya dito.

"Nagtatanong lang. Iba ka kasi kung makatingin sa akin."

Parang tumaas yata ang blood pressure niya. At hayun nga, biglang lumabas ang pagiging presko nito. Ang tindi pala ng bilib nito sa sarili.

"I'm Charles and you are?"

Kung makapagsalita ito ay parang gustong-gusto niyang makilala ito. Base na rin sa pagkakasabi nito at sa paraan ng ngiti nito. Puwes, nagkakamali ito dahil hindi siya interesado dito.

"B-Baka pwede din kitang yayaing lumabas—"

Ang tindi naman ng pagiging mayabang nito. Anong akala nito sa kanya, easy girl? At saka bakit kaya may mga lalaking kagaya nito? Na kung makapagyaya sa babae sa unang pagkakataon na nakita niya ito ay may lakas na ng loob ito? Ano bang akala nito sa mga babae, easy-to-get at mag-o-oo agad-agad?

"Sorry din pero hindi ako interesado sa preskong lalaking kagaya mo. Hindi kita type. I like pretty boy type and not like a kind of lumber jack." Pang-iinsulto niya dito. Ayaw na ayaw niya sa mga ganoong tipo ng lalaki na animo figurine lang ang mga babae na kapag na-type-an ay basta na lang ilalabas ito.

"Lumber jack?" ngumiti ito ng ulitin iyon.

She rolled her eyes and walked out. Wala na siyang nakikitang sense para makipag-usap pa dito. Tumataas at umiinit lang ang kapaligiran niya.

"By the way, you're pretty here." Saka nito itinaas ang mga larawan niya.

Napahinto siya. Hindi kaya talagang manyak ito? Dapat yata ay kunin niya ang mga larawang iyon.

Pero nunca na basta-basta ibibigay nito iyon. At saka baka kung ano pa ang gawin nito sa kanya. Huwag lang talagang gagawa ng masama ito sa kanya at sa mga picture na iyon. O kaya ay ipakulam siya para magkagusto siya dito dahil ipapa-hunting niya ito sa uncle niya na detective.

Tinapunan niya ito ng napakatalim na snob bago tuluyang lumayo doon. Natatakot siya na parang hindi naman. Wala naman kasi sa itsura nito iyon pero sabi nga looks can be deceiving. Pero sa ipinapakita kasi nito sa kanya ay parang type siya nito at hindi malayong gawin nito ang iniisip niya.

Bakit? Dahil ba gwapo ito? Panunukso ng isip niya.

Nainis siya sa sarili. Oo, gwapo siya pero hindi ko siya type. At saka, napakalayo niya kay Kaden na siya lang naging crush niya for a long time. Na matagal na din niyang hindi nakikita dahil binan niya ang sarili na makita ito at marinig ang pangalan nito. Hindi na siya nanonood ng tv, nag-i-internet at kahit anong bagay na makapag-papaalala dito. Wala na rin siyang balita tungkol dito na sa tingin niya ay tama naman. Dahil napapatunayan na niya hindi lang sa sarili niya kundi pati na rin sa pamilya niya na may worth din siya. Na hindi lang siya palamunin ng mga ito.

Na effective naman dahil hindi na oras-oras niyang naiisip ito kundi paminsan-minsan na lang. Then, that Charles stranger invades her mind. Lalo na iyong kilay nito. Ewan niya pero parang ang sexy lang dahil iyon ang unang nakita niya ng mahuli niya ito. His face was hiding behind his camera and all she can see was his eyebrows.

"Haller, Paige… presko ang lalaking iyon presko. At kung sa kanya ka na lang magkaka-crush mabuti pa ay ibalik mo na lang kay Kaden ang kaadikan mo."

"Miss, w-wait …"

Nagtatakbo siya ng marinig uli ang boses ng estranghero. Kahit na gwapo ito o sexy ang mga kilay nito ay hindi dapat siya magtiwala agad dito. Paano kung tama ang hinala niya?