"Tita," agad na sinalubong ni Paige ang ina ni Inah ng dumating ito sa presinto. Tinawagan kasi ito ng mga tanod para daluhan siya.
"Anong nangyari, Paige?" nag-aalalang tanong nito.
Sumabad ang pulis na siyang humahawak sa kaso nila ngayon. Ito na ang nagsabi sa tita niya sa lahat ng nangyari. Dahil sa narinig ay nakita niyang umuusok na sa galit ito.
"Charles?" napahinto ito sa pagsugod sa lalaking gusto siyang manyakin.
"Tita Gina?" nagulat din si Charles ng makita ito. "Ikaw ang gustong magmanyak kay Paige?" hindi makapaniwalang tanong nito sa lalaki.
Umiling ito. "Hindi po."
"Anong hindi? Hindi ba at sinusundan mo ako?"
"At nakita namin ang lalaking iyan na ginugulo ang babae." Pagkampi ng isa sa tatlong lalaking tumulong sa kanya.
"Charles?" tawag ni Tita Gina dito para kumpirmahin ang sinabi ng mga lalaki.
"So, can I explain my side now?" hinging permiso nito sa pulis.
Hindi pa kasi nakakapagpaliwanag ito. At saka parang wala na itong balak na magpaliwanag pa simula pa kaninang pagdating nila ng presinto.
Tumango ang pulis.
"Totoo na sinusundan ko siya."
"See, Tita? May balak talaga siyang—"
"Iyon ay para ibalik ito." Putol nito sa sasabihin pa sana niya.
Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang kwintas na noong isang araw pa nawawala. Ilang araw na niyang hinahanap iyon dahil hindi siya sigurado kung saan niya naiwala. Mukhang sa beach niya naihulog iyon. Hawak nga pala niya iyon ng bigla siyang makatulog at ng magising siya ay hindi na niya naalala.
"I-Ibaba…" parang ayaw ng lumabas ng mga salitang iyon sa kanyang bibig.
"Yes… ibabalik ko lang itong kwintas mo na parang sobrang halaga para sa iyo." Galit na sambit nito.
Kung pwede lang siyang lamunin na ngayon ng lupa ay okey lang. Makaalis lang siya sa lugar na iyon. Kung bakit kasi nakakatakot kung mag-approach ito. Iyan tuloy kung ano-anong bagay ang naisip niyang masama. Hindi naman kasi agad sinabi nito.
"At nabugbog pa ako para lang maibalik ito." Tirada pa nito at sapol na sapol ang konsensiya niya.
Tinapunan niya ng tingin ang tatlong lalaking tumulong sa kanya at mukhang disappointed ng solid ang mga ito. "Iyon lang naman pala, Miss. Bakit kailangang—"
"S-Sorry po. Hindi ko po alam…"
Sunod-sunod na napailing ang mga ito. "Pasensiya na, pogi. Ang akala kasi namin ay may gagawin kang masama sa kanya." Ang isa sa mga lalaki.
"Okey lang po." sabi ni Charles.
Parang ang sarili niya ang gusto niyang suntukin ng mga sandaling iyon ng muli niyang pagmasdan si Charles. Puno na ng pasa ang mukha nito at ibang parte ng katawan nito. Hawak-hawak pa rin nito ang isang kamay na pinagpapalo niya sa kahoy na napulot niya. Mukhang napuruhan pa niya ito.
Napapikit siya sa tindi ng frustration na nararamdaman niya. Pwede ba niyang ibalik na lang ang oras?
"I'm really sorry." Nakayukong sabi niya.
Mahabang katahimikan ang namayani. Hindi niya alam kung may nangyayari ba o wala dahil hindi siya makatingin sa mga tao sa paligid dahil sa kahihiyan.
"Sorry din pero hindi ako tumatanggap ng sorry."
"Huh?"
"Tita, Manong Pulis at mga kuya…" tawag nito sa Tita Gina niya, dun sa pulis at sa tatlong lalaki. "Do I deserve this bruises on my face and on my body? And look at my hand? Sa tingin nyo po ba may magagawa pa akong ibang bagay kung injured na itong kamay ko? Nagmamagandang-loob na nga ako ay ako pa ang napahamak."
Tumango-tango ang mga kausap nito.
"Ipapa-doctor kita." Aniya.
"Kaya kong ipa-doctor ang sarili ko."
E anong gusto nitong mangyari? Napatingin siya dito. Parang may naglalarong kalokohan sa mga mata nito at sigurado siyang hindi niya magugustuhan iyon.
"Anong ibig mong sabihin?" diretsong tanong niya dito.
"I want someone to take care of me. Hindi ko kayang alagaan ang sarili ko dahil sa kamay ko na ininjured mo at namamaga."
"Anong ibig mong—"
"Kailangan ko ng katulong at caregiver."
"Magha-hire ako ng—"
"It should be you, Paige." Her name sounded like he was teasing her.
"A-Ako?"
Tumango ito ng nakakaloko. "Ikaw ang may kasalanan kung bakit nangyari sa akin ito. I don't think this is fair. Hindi ko tatanggapin ang sorry mo hangga't hindi ikaw ang mag-aalaga sa akin para bumawi sa perwisyong ito. And ibabalik ko lang itong kwintas kung gagawin mo ang gusto ko." Ibinulsa nito uli ang kwintas.
"Pero hindi pwede iyon. Baka kung ano pa ang gawin mo sa aking masama." Sabi niya kahit na sigurado na siya sa sarili na hindi masamang tao ito.
Hinawakan siya ni Tita Gina. "Hindi magagawa ni Charles iyon, Paige. Kilala ko siya at hindi siya masamang tao. Napakabait nga niya."
Tinignan niya si Manong Pulis para magpatulong baka sakaling may batas na against sa gustong mangyari nito. Pero umiwas lang ng tingin si Mamang Pulis. Mukhang walang batas tungkol doon. "P-Pero…"
"Pogi, pwede din kaming tumulong sa mga dapat mong gawin para makabawi. Hindi namin sinasadyang gawin iyan sa iyo."
Bigla siyang kinain ng konsensiya dahil sa sinabing iyon ng isa sa tatlong lalaki. Walang ibang pwedeng sisihin sa sinapit nito kundi siya lang. Hindi naman siya masama kaya gagawin na niya ang gusto nito.
Ang problema lang ay hindi siya sanay mag-alaga dahil siya ang inaalagaan sa kanila. Kahit nga ang mag-alaga ng aso ay hindi pa niya nagagawa.
"Okey sige… payag na ako." Napipilitang wika niya. But there is something wrong. Bakit parang may konting kasiyahan siyang naramdaman ng sabihin iyon?
"Mukhang labas yata sa ilong iyon, Paige." Pang-aasar pa nito.
"Paige…" saway ng Tita Gina niya.
"O-O-Ouch," pang-iinarte nito ng sumakit daw yata ang kamay nito.
"Oo, aalagaan kita sa abot ng makakaya ko." Mahinahong sabi niya. Nakokonsensiya siya ng bongga pero parang ginagawa lang nito iyon para mang-asar. Para makabawi sa kahihiyan na sinapit nito.
"Don't worry, Paige. Kapag okey na ang kamay ko ay titigil ka na sa pag-aalaga sa akin. Okey lang ba iyon, Manong Pulis? Tignan nyo nga po. Ni hindi ko maigalaw ang mga daliri ko." Ipinagdikdikan pa nito ang kamay nito sa mukha niya. Hindi man direkta iyon ay alam niyang siya ang pinapatamaan nito.
He smiled while looking straight into her eyes.
She felt her heart melting while looking back at him. It was racing so damn fast too. Bakit ganoon kung makatingin ito sa kanya? Hindi manyak ang dating ng mga titig nito. But there's a reason behind those. And as if her heart is liking it. Is he flirting with her?
Maya-maya ay bumalik sa huwisyo ito. Nag-iba ang paraan ng pagngiti nito. Naging ngiting matagumpay iyon dahil wala siyang naging choice kundi gawin ang gustong mangyari nito.
Pero hindi yata siya natatakot na aalagaan niya ang lalaking kagaya nito kundi ang hindi maipaliwanag na tibok ng kanyang puso na hindi niya alam kung bakit.