"Wala pa rin ba siya?" tanong ni Kaden kay Danilo, ang manager niya. Matanda lang ito ng konti sa kanya kaya barkada ang turingan nila.
Umiling ito.
He felt upset. Dahil sa frustration ay ang buhok niya ang napagdiskitahan niya. Kung avid fan niya ang babae noong concert niya ay bakit hindi na uli umattend ng shows niya ito katulad ng sinasabi ni Danilo? Hindi kaya nainip lang ito noon kaya ito napa-attend ng concert niya? O baka may kaibigan lang ito na kinaladkad ito papunta doon? If she was his fan, why he never seen her before? He always tries to look intently on his fans face or eyes for him to remember them. Mahalaga ang mga fans niya sa kanya. Kaya paanong hindi niya maaalala ito kung nag-attend na pala ito sa mga shows niya dati?
"Kaden, anong nangyari sa buhok mo?" nagulat ang stylist niya ng makitang nagulo ang buhok niya na binlow-dry nito.
"Sorry, Evan… I was just so upset."
"Okey lang," atsaka nito muling inayos ang buhok niya. "Dahil na naman ba iyan doon sa isang fan mo kung bakit ka nagkakaganyan?"
Bahagya siyang tumango. Simula ng makita niya ito ay hindi na nito nilubayan ang utak niya. He never been this obsessed towards a woman. Ngayon lang. From then, he never stopped looking for her in the crowd. He wanted to see her so badly. Pakiramdam niya ay hindi matatahimik ang mundo niya kapag hindi niya nakita ito.
"Ngayon lang kitang nakitang nagkaganyan sa babae, ah! Hindi kaya magselos ang ibang fans mo niyan?"
He felt bad. Naisip na rin niya ang mga ito. Siguradong hindi matutuwa ang mga fans niya kung itutuon niya ang atensiyon sa iisang babae. Siguradong malulungkot at magagalit ang mga ito. At baka guluhin din ng mga ito ang babae kung sakali.
Aware kasi siya sa nararamdaman ng mga fans niya sa tuwing may babaeng nali-link sa pangalan niya. Hindi nagugustuhan ng mga ito. Merong sumusuporta sa babaeng maco-connect sa kanya pero majority sa mga fans niya ay hindi natutuwa. He totally understands why. At gagawin niya ang lahat huwag lang niyang madisappoint ang mga ito. Utang niya sa mga ito ang klaseng buhay na meron siya ngayon. His fans made his dreams come true. Kaya hindi niya hahayaang mawala ang mga ito sa kanya.
He tried to forget about the woman, for his fans. But there's a part of him wanting to know her more. His memory of her keeps on haunting him. Para itong ipo-ipo na ginulo ang nananahimik niyang mundo. At parang handa siyang gawin ang lahat makita lang niya ulit ito. Ipapahanap niya ito kahit anong mangyari at kapag nahanap na niya ito…
Actually, kahit siya ay hindi niya alam anong gagawin kapag nakita niya ito. Basta lang sinasabi ng puso't isip niya na gusto niyang makita ito.
"Akala ko ba ayaw mong ma-involve sa mga fans mo? O sa kahit na sinong babae?"
He froze. Tama si Evan. Hindi dapat siya ma-involve sa fan niya. What if? Umiling-iling siya. Hindi na dapat niya iniisip ang bagay na iyon. Nakaraan na iyon. Nakalimutan na niya ang tungkol doon. Even falling in love? Ayaw na din pala niya.
"Tandaan mo, Kaden. Marami kang obsessed na mga fans. Sa tingin ko ay hindi magiging maganda para sa babae ang ma-involve sa iyo."
Tama uli si Evan. Biglang naging mix emotions ang pakiramdam niya. Alam ng puso't isip niya na gusto uli niyang makita o kung pwede ay makasama ang babae. Pero ayaw niyang ma-involve sa isang fan, hindi pwede ang fan. Kung magmamahal man siya ay doon sa taong hindi siya kilala pero magagawa pa ring mahalin siya sa kung ano siya. He loves his fans so much but he shouldn't fall in love with them. And Evan is right again, it will be risky for the woman. Baka ang normal na buhay nito ay maging abnormal dahil sa kanya.
So that only means Kaden Cordel shouldn't fall in love? Kasi kahit fan o hindi niya fan ang babaeng mamahalin ay magiging risk iyon para sa kanya at sa babae?