Pagkatapos ng libing ni Inah ay tumuloy muna si Paige sa bahay ng mga magulang ng kaibigan. Si Inah ang childhood bestfriend niya at ni Anne noong nakatira pa sila sa Dagupan. Napahiwalay sila dito ng lumipat sila ng bahay. At si Anne ay inabot ang pangarap nito sa ibang lugar. Sobrang tagal na panahon na ng makita niya ito. At makikita pala niya ito na nasa kabaong na ulit. It breaks her heart.
Three days ago, ay nakatanggap siya ng tawag mula sa mama ni Inah at sinabi nga ang napakalungkot na balita. Kaya ora-orada siyang nag-leave sa trabaho. Sa kumpanya ng kanyang daddy siya nagtatrabaho pero hindi mataas ang posisyon niya. Ordinaryong Pharmaceutical Chemist siya sa kumpanya at kung gusto daw niyang manahin ang trono ng daddy niya ay kailangan ay pagtrabauhin niya iyon. Na gagawin naman niya. At nakiusap siya sa daddy niya na medyo matagal muna siyang mawawala dahil alam niya sa puso niya na hindi siya agad makaka-move on sa pagkawala ng kaibigan. Na naintindihan naman ng daddy niya kaya pinayagan siya nito. Gusto pa nga nitong sumama pero ang sabi niya ay kaya na niya.
Inah died in an accident. Kaya napakasakit ng nangyari dahil biglaan iyon. Lalo pang naging masakit dahil hindi man lang nila nakasama o nakumusta ito bago man lang ito namatay. They didn't show their love for her. Gustong-gusto din sanang umuwi ni Anne pero nasa abroad ito at maraming trabaho itong hindi maiwanan basta-basta. Kaya siya na lang ang umuwi mag-isa.
Pagkatapos niya sa bahay nina Inah ay dumiretso siya sa dagat na malapit doon. Kahit na nagawa ng mailibing ni Inah ay hindi pa rin niya mapigilan ang pagluha. Nagsisisi siya sa mga panahong nasayang na sana kahit papano ay nadalaw niya ito. Nakasama niya uli ito.
Hindi na rin niya alam kung anong laman ng utak niya dahil halo-halo na iyon. Umupo siya sa dalampasigan. Tumingin siya sa malayo pagkatapos ay sa dagat o kaya ay langit. Kinuha niya ang kwintas niya na may tatlong picture. Pinasadya nilang tatlo iyon para mayroon silang tanda ng kanilang pagkakaibigan. Pinagmasdan niya iyon at pagkatapos ay humiga siya habang nasa langit na lang nakatuon ang mga mata niya. Nakatulog siya.