Why there are things that no matter how much you want them? You just can't have them. Type ni Paige sa twitter account niya. "Hashtag Reality of Life," isa pang type niya. Alam mo iyong feeling na kahit gaano pa niyang hilingin sa maykapal na makapiling si Kaden ay hindi pwede? Gigising ka na sa katotohanan diba? Kaya itigil mo na iyan. Last na iyan. Paalala niya sa sarili.
At hindi na rin siya nagsuot ng dress at heels katulad ng ideal type nito. Naka-loose t-shirt at pants lang siya. And wearing her converse. Iyon talaga ang fashion para sa kanya. Konting powder lang din sa mukha niya. That's it. Wala na siyang pakialam kung hindi man siya pansinin nito. Tanggap na niya ang kapalaran niya.
Biglang nagplay ang VTR nito bago nagsimula ang concert. Kaden's handsome face popped up. Agad niyang napansin ang dimple nito sa left cheek nito. Napangiti siya. That will always be her biggest weakness. Naalala niya na gusto pala nitong magkaroon ng tatlong anak na lalaki. Malungkot man sa parte niya ay hindi na niya maibibigay iyon dito. Tama na ang pagde-daydreaming, Paige. Kumota ka na three years ago pa.
Hanggang sa nagsimula na ang concert nito. Marami mang back up dancer ito at backup singer ay parang ito lang ang nakikita ng mga mata niya. How can he be this too talented?
At that moment, she realized why she never found any guys around her attractive. Dahil mataas masyado ang standards niya, ang tipo ni Kaden. Kahit na anong ikilos nito ay cool at nakaka-attract para sa kanya. Ito ang dapat na sisihin niya kung bakit twenty-six na siya ay wala pa siyang naging boyfriend.
Sa kalagitnaan ng concert nito ay naging solemn ang atmosphere. Nakita niya na dumilim ang paligid at mayroon ng mic stand sa gitna ng stage. The music started to play. Hanggang sa nandoon na sa gitna ng stage si Kaden. Medyo hinihingal pa rin ito. Pero hindi iyon nakabawas sa appeal nito.
"Saw you from the distance, Saw you from the stage, something 'bout the look in your eyes, something 'bout your beautiful face…" Nagtama bigla ang mga mata nila.
Parang nanigas yata siya. Para kasing siya ang tinitignan nito.
Pero mabilis siyang umiling. Imposible! Ilang beses na kasi niyang na-experince iyon na pakiramdam niya ay siya ang tinitignan nito pero hindi naman pala. Alam mo iyong feeling na… nakatitig siya dito at bigla mong mahuhuli ang ang mga mata nito na nakatitig din sa kanya. Papalapit ito pero ibang kamay naman pala ang hahawakan nito. So, ayun Hopia siya palagi. Hindi naman pala siya ang tinitignan nito kundi ang fan sa harap niya.
Kaya lang sa mga sandaling iyon ay nakatutok pa rin sa kanya ang mga mata nito. And how could he stare at her like that? Parang malulusaw yata siya kung siya man iyon. And the way he sings? Nakakalaglag ng panty.
"In a sea of people, there was only you, I never knew what this song was about, But suddenly now I do…"
Bakit parang hindi yata ito kumukurap habang nakatitig sa kanya? Bakit pakiramdam niya ay siya lang ang nakikita nito? Hindi niya maiwasang humopia na sa kanya nakatingin ito. And how could he make her heart beat like that? Mas malakas at malala kesa dati.
"Trying to reach out to you, Touch my hand…"
Nagsimulang maglakad ito papunta sa mga audience. Kaya nagtaas ng mga kamay ang mga fans. They all wanted to touch his hand. Siyempre, siya din naman kaso ay hindi na niya ginawa.
Maraming mag-aagawan sa kamay nito kaya siguradong hindi din siya magkakaroon ng chance at baka mapahiya uli siya sa sarili.
"Reach out as far as you can, Only me, only you, and the band…"
Bakit parang papunta sa kanya ang mga yabag nito? He still intently staring at her. Ano bang nangyayari?
He stopped in front of her and reach out for her hand. "Trying to reach out to you, Touch my hand…"
Napanganga siya. Matagal na tinitigan niya ito at baka biglang mawala ito at marealize na nangangarap na naman siya. Pero hindi nawawala ito. Hindi ito aparisyon na likha ng imahinasyon niya. Her breath knocks out of her. Napatingin siya sa kamay nito na hinihintay pa rin ang kamay niya. Nanginig yata ang mga kamay niya. Na-feel niya na namawis na din iyon. Bakit biglang naging ganito ang epekto ni Kaden sa kanya? Hindi ba nga at pinaghandaan na niya ang ganoong eksena? Ang mapansin nito. Pero hindi ako prepared. Hindi ang araw na ito ang nasa mga dasal ko.
Pero gusto rin niyang hawakan ang kamay nito. Okey lang kaya kahit pawis na ang kamay niya?
Dahan-dahan niyang inabot ang kamay nito. Napakalambot niyon. Pero ang init ng palad nito ang nagbigay ng comfort sa kanya. He smiled when he holds her hand. Lalo yata siyang nanghina.
"Can't let the music stop, Can't let this feeling end, Cause if I do it'll all be over, I'll never see you again…"
Hindi siya sigurado pero pakiramdam niya ay totoo ang mga sinasabi ng kinakanta nito. Na parang para sa kanya din ang kantang iyon.
"I see the sparkle of a million flashlights, A wonder wall of stars, But the one that's shining out so bright, Is the one right where you are…"
Pakiramdam niya ay ang ganda-ganda niya sa mga mata nito. Iyon ang nakikita niya sa mga kislap ng mga mata nito. Pwede kaya niyang hilingin na huwag ng matapos ang sandaling iyon? Dahil ang ganoong moment ang dati pa niyang hinihiling.
"Trying to reach out to you…" Humigpit pang lalo ang pagkakahawak nito. As if he doesn't want to let go of it… to let go of her. "Trying to reach out to you, Touch my hand…"
They were on the other side of the planet, right? H-Hindi… He was looking straight into her eyes and he was holding her hand.
"K-Kaden?" tawag niya dito.
Ngumiti ito bilang sagot.
Tell me were on the same side of the planet. At kakalimutan niya ang pinagako niya kay Anne at sa sarili niya.
"Trying to reach out to you, Touch my hand, Yeah, yeah…"
Biglang natapos ang kanta nito at dahan-dahan din nitong binitawan ang kamay niya. Pero bago tuluyang binitawan nito iyon ay mahigpit na pinisil nito iyon.
And then… he was gone. Nasa backstage na ito. Nagpe-prepare para sa susunod na performance nito.
Oo, nasa magkabilaang gilid kami ng planeta. Pero nakita niyang muling ngumiti ito sa kanya bago tuluyang umalis.
But that's not enough…
Hindi ibig sabihin na ginawa niya ang bagay na iyon sa kanya ay espesyal na siya. Pwede pa rin nitong gawin ang bagay na iyon sa ibang mga fans nito. Sinuwerte lang siya ng mga sandaling iyon.
Bakit palaging ganito ang epekto ng paghanga niya kay Kaden. Masakit sa puso! Palagi siyang umaasa sa maraming bagay o simpleng kilos lang nito.
In a week or two, mawawala ka na sa isip niya dahil libo-libo o milyong-milyon kayong fans niya na nakikita o nakakasalamuha niya araw-araw.
Tama si Anne. Naramdaman niya ang panginginig ng katawan niya at parang maiiyak siya. Iyon na kasi ang huling pagkakaton na makikita niya si Kaden. Hindi na siya kailanman pupunta sa mga shows nito. Titigilan na niya ang kabaliwan niya dito. She needs to be mature and think about herself, her future.
Tumayo na siya mula sa kinauupuan. Hindi na niya tatapusin ang concert nito. Mas maganda na iyon para hindi na din siya gabihin.
Lumabas na uli ng stage si Kaden at fresh na fresh na ulit ito sa bagong outfit nito. "I'm sure his future girlfriend will be the luckiest girl in the world." Aniya sa sarili habang nakatingin dito. Kahit hindi pa niya na-e-experience na maging kasintahan nito ay alam niyang masarap magmahal ito. Nakikita niya iyon sa mga kilos at mga sinusulat na kanta nito. Siguro nga ay hindi pa nagsusulat ito tungkol sa pag-ibig ay alam niyang kayang-kaya nitong magmahal ng matindi at hindi ito ang tipo ng lalaki na sasaktan ang babae. Alam niyang mamahalin nito ang babaeng iyon ng higit pa sa pagmamahal nito sa mga fans nito. "Hope he will meet that girl soon." Masakit man ay kailangan na niyang tanggapin na darating ang araw na ikakasal ito tulad ng mga ordinaryong lalaki sa planetang earth.