Chereads / ILYSB / Chapter 1 - Chapter 1

ILYSB

ghieyaaaaah
  • 32
    Completed
  • --
    NOT RATINGS
  • 72.9k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter 1

"This is it! Dreams do come true…" kinikilig na sambit ni Paige sa kanyang sarili dahil sa wakas ay makikilala na niya ang idol niya na si Kaden Cordel.

Kaden Cordel is the Philippines' top chart artist of this generation. Bakit ba hindi? Bukod sa pagiging singer ay dancer din ito. Kagaya ito nina Michael Jackson, Chris Brown, Justin Timberlake at kahit nga si Jason Derulo na sisiw na sisiw ang pagsayaw habang kumakanta. At kaya din nitong mag-rap. Kung ang ibang artist diyan ay kumukuha pa ng rapper para kumanta para sa kanila, si Kaden ay siya na lahat. Siya na ang bokalista, siya pa ang rapper. Ito pa ang sumusulat sa mga kanta nito.

And she's been a fan of him for almost three years now. Hindi naman talaga siya iyong tipo ng babae na nagfa-fangirl. Kay Kaden lang talaga. Iyong tipong mukha na lang nito ang makikita sa buong kwarto niya. Kahit nga ang case ng bagong Iphone niya ay ang mukha nito ang makikita. Hindi rin siya nagsasawang paulit-ulit na panoorin ang mga videos nito na napanood na niya sa tv at hinding-hindi siya nagsasawa sa mga music videos nito. Madalas pa nga ay dina-download pa niya ang mga videos na nandoon ito para mapapanood niya anumang oras. Na kahit palagi niyang naririnig kung saan-saan ang mga kanta nito ay hindi siya nagsasawa.

Natuto siyang mag-save ng pera para lang makabili ng mga album nito. Makapunta sa mga shows at concerts nito. Para makabili ng iba't-ibang regalo para dito. She's living a wealthy life. Mayaman ang mga magulang niya kaya hindi siya nahihirapan sa pera. Kahit nga hindi siya magtrabaho ay mabubuhay siya ng marangya. Wala siyang pakialam sa pera. Pero simula ng maging fan siya nito ay natuto siyang magtabi para dito. That's how insane she is as his avid fan girl.

Modern millennial din siya dahil Cybernaut siya. Lagi siyang online at lahat ng social media yata ay meron siyang account. Siyempre, para i-follow si Kaden sa mga accounts nito. May twitter ito at instagram kaso ay hindi naman ganoon ka-active ito. Once in a blue moon kung mag-post ito. Pero kiber dahil may ibang alternative para makibalita sa nangyayari sa buhay nito. Nandiyan iyong mga accounts ng fanbase o fandom nito. Todo follow din siya sa mga iyon kasi related iyon kay Kaden. Lahat ng related sa lalaki ay hindi niya pinapalampas. Todo save din siya sa mga pictures nito na lumalabas sa social media. Active din siya sa pagco-comment. Madalas din nga siyang mag-direct message dito sa twitter at sa IG nito. Ganoon siya ka-obssesed dito. Na never itong nagreply. Well, naiintindihan naman niya kung bakit at okey lang sa kanya.

Pero merong maliit na pangarap ang puso niya at iyon ay ang mapansin man lang sana siya nito. Kahit mag-smile lang ito sa kanya. O kumaway man lang. Just like what other fans would love to experience. Kahit isang araw lang ay sana ay tignan siya nito. Iyong makita niya na siya lang ang nakikita nito. Kahit hindi na isang araw, kahit limang minuto na lang. Na never nangyari kahit na palagi siyang present sa mga shows nito at kung nasaan ito.

Naalala nga niya noong abangan niya ito kasama ng ibang fans nito sa airport dahil matagal itong nawala sa bansa dahil hectic ang schedule nito sa ibang bansa. Oo, nagkakapangalan na din ito hindi lang sa Asia kundi kahit sa Europe na. Nasa unahan siya noon ng mga kasama niyang fans kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na gumawa ng eksena. Nang dadaan na ito sa harap nila ay agad siyang naghanda para harapin ito. At ipakita dito na nag-e-exist siya sa mundong ibabaw. Kahit na magmukha na siyang baliw sa harap ng ibang tao ay gagawin niya iyon dahil gusto niyang makita siya ng mga mata nito. Hayun na nga at malapit na ito sa kanya kaya naghanda siya. Pero ng itapak niya ang isang paa para lumapit ng bahagya ay biglang may paang sumagi sa kanya kaya nadapa siya.

Nanigas siya ng may dalawang kamay na humawak sa kanya. Bumilis ang tibok ng kanyang puso.

"Miss, ingat naman."

Nang salubungin niya ang nagsalita ay nakita niya ang isa sa mga bodyguard ni Kaden. Hopia siya, certified. Umasa ba naman siya na si Kaden ang magtatayo sa kanya.

Kaden? Wala na! Nakalabas na ng airport.

Back to present. Kaya naman hindi niya sasayangin ang araw na iyon at kahit anong mangyari ay gagawin niya ang lahat mapansin lang nito. It's now or never. Sa unang pagkakataon kasi ay magkakaroon ng fan meeting ito, iyong total meet and greet talaga. Makakausap na niya ito ng ilang minuto, mahahawakan na niya ang kamay nito at matititigan na niya ito ng matagal.

Timang na siya at masyadong ambisyosa pero nananakawin niya ang puso nito. Makikita nito ang ideal type nito sa katauhan niya.

Hindi siya sigurado kung ano ang nararamdaman niya para dito basta ang alam niya ay higit pa sa crush ang feelings niya dito. Maybe infatuation? But definitely not love. Kahit na hindi pa niya nararanasan ang magmahal sa edad niyang iyon ay sigurado siyang hindi pa humahantong sa love ang paghanga niya dito. Basta ang alam niya ay ito ang nagpapasaya sa kanya. At parang dito na din umiikot ang mundo niya. Bakit ba hindi? Graduate na siya ng Bachelor of Science in Chemistry pero hindi pa siya nagtatrabaho at pa-easy-easy pa siya sa buhay. Hindi naman siya fi-noforce ng mga magulang niya. Ika nga ng mga ito ay nasa kanya ang desisyon kung kailan niya gustong magtrabaho. Isa pa ay parang hindi pa siya handa sa ganoong level ng buhay niya. As of now ay masaya pa naman siya sa buhay niya. Busy pa siya kay Kaden at wala pa siyang oras sa mga ganoong bagay.

Sa mga oras na iyon ay naghihintay pa rin sila ng queue kung kailan sila papapasukin sa venue ng fan meeting ni Kaden. Medyo matagal-tagal na silang nakatayo lang doon. Naka-heels pa man din siya kaya masakit na masakit na ang mga paa niya. Hello? Hindi naman siya sanay magsuot ng ganoon. Kaya napa-tweet tuloy siya ng #TiisGanda.

And yes, sobrang tiis ganda siya. Kasi ayon sa mga interviews, magazines, various websites, fan accounts, fan signs, at iba pang nakuha niyang impormasyon tungkol sa ideal type ni Kaden. He likes girls with long hair. A girl that can pull off feminine clothes. He finds a woman attractive with high heels shoes. And according to the magazine she had read, girly girl type of woman is his biggest weakness. In short, he likes women who chooses to dress and behave in a feminine style. Someone who likes pink, who wear make-up, used perfume, dressing in skirts, dresses, blouses and someone who acts and associates with the traditional gender role of a girl.

Nang malaman niya ang mga iyon ay may narealize siya. She realized she only fit one thing… that I'm a girl. Wala ni isa sa mga iyon ang pumasa siya. She's a tomboy for god sake. Hindi man siya attracted sa kapwa niya babae pero mas komportable siya sa oversized t-shirt, jeans at pants lang. Ni hindi pa nga siya nakakapanood ng mga make-up tutorial dahil hindi siya mahilig maglagay ng kolorete sa mukha. Powder lang ay solve na siya. At higit sa lahat, hindi siya mahinhin. Hindi siya isang Maria Clara kung gumalaw. Kaya naman biglang nalaglag ang mga balikat niya noon. Hindi siya magugustuhan ni Kaden kung pipiliin niyang maging siya kaya napagpasyahan niya na maging girly girl na para dito.

Kaya gulantang ang mommy niya ng yayain niya itong magshopping at pulos mga dress, skirts at blouses ang mga pinamili niya. Gulat na gulat nga ito at hinaplos pa ang noo niya baka kasi daw nilalagnat siya. O baka daw may nakain siyang hindi maganda sa katawan niya. Bakit daw siya bumili ng mga ganoong damit?

Hindi naman niya masisisi ang mommy niya kung bakit OA ito kung magreact. Her mom was an elegant woman, hindi lang ito girly girl. Bata palang siya ay dinadamitan na siya nito ng mga damit na pang-feminine talaga lalo na at nag-iisang anak lang siyang babae. Dalawa lang silang magkapatid at lalaki ang nakatatanda niyang kapatid. Pero simula noong magka-isip siya at na-feel niya na hindi siya kumportable sa mga ganoong damit ay hinayaan naman siya nitong magdesisyon na para sa sarili niya. Which is good for her because her mom didn't force her to do things she doesn't want to do.

Pero dahil kay Kaden ay handa siyang gawin ang mga bagay na hindi niya gustong gawin. Ngayong may chance na siyang mapansin nito ay nag-effort talaga siya. Nag-make-up at nag-dress siya. Hindi siya nakarubber shoes kundi naka-3 inches' heels siya. Mahinhin na din ang kilos niya. Handa siyang magbago para sa idol niya… ay hindi para sa crush niya! At hindi niya sasayangin ang pagkakataong iyon. Malay mo naman, sila pala ang destiny at tinutulungan lang niya ang tadhana na mapabilis ang love story nila. Napangiti siya ng biglang naramdaman niya na mahihihi pala siya—este kilig, kinikilig siya.

Napatili siya ng papasukin na sila sa venue at ilang minuto lang ay tinawag na ng emcee si Kaden.

Tumili siya ng pagkalakas-lakas pero ng maalala ang ideal type ni Kaden ay nag-freeze siya. Gusto nga pala nito ang pa-girl na girl.

Napahinto ang kanyang paghinga ng lumabas na ito at nasa gitna na ito ng stage. The music starts playing and so her heart started too. Matagal na niyang nakikita ang gwapong mukhang iyon. But she couldn't get used to it. Para bang palaging iyon ang unang pagkakataon dahil hindi nasasanay ang tibok ng kanyang puso, nakakawala ng hangin sa tranchea.

Nagsimula itong kumanta habang sumasayaw ang katawan nito. He was naturally sexy without making an effort. Pero hindi iyon ang unang nakapukaw sa atensiyon niya. It was his smile. The way his eyes quiver when he laughs and even his dimple. And his teeth! And of course, his personality. He was cold hearted. Iyong ngiti niya ay napakamahal. Hindi mo madalas makita. He looks really cool but snob as well. Ganoon si Kaden sa ibang tao. Pero sa kanya at sa mga fans nito ay ibang tao ito. He cares a lot not only to his family but with all the people around him, mapa-staff ito o kaibigan nito. Napaka-down to earth nito. Appreciative din ito sa lahat ng bagay. At napakalalim na tao nito. Higit sa lahat, mahal na mahal nito ang mga fans nito. Sabi nga nito sa isang interview. He always makes sure to look at his fans intently because he wanted to remember all of them. Kaya lalo na namang nadagdagan ang pogi points nito sa puso niya. Dahil never pa siyang nakakita ng celebrity na pinahahalagahan ng ganoon katindi ang mga fans nila. Maybe there are some but not like how Kaden is with his fans. At ayon dito ay wala ito sa estadong iyon kundi dahil sa mga taong sumusuporta dito. Kaya nangako ito na hindi nito ididismaya ang mga fans nito.

"Sa wakas," aniya sa sarili. Pagkatapos mag-perform nito ay nagsimula na ang meet and greet nito. And it was her turn now. Napalunok siya. Pakiramdam niya ay magbo-board exam siya na kapag bumagsak siya ay tila nasayang ang apat na taon niyang pinaghirapan sa kolehiyo. Ganoon katindi ang nerbiyos niya.

Kaden gazed went straight to hers. Para siyang napako at hindi niya maiiwas ang mga mata sa mga titig nito. Nawala yata ang panginginig niya ng ngumiti ito sa kanya. Gusto niyang gumanti ng ngiti pero parang ayaw gumalaw ng mga labi niya. Hanggang sa nakarating na siya sa kinaroroonan nito. Ipinatong niya ang album na dala niya sa mesa sa harap nito at paupo na siya ng hindi man lang dumikit ang puwitan niya sa upuan. Napatili siya. Hindi kasi niya tinitignan ang upuan kaya hindi doon lumanding ang puwet niya.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Kaden sa kanya. Mabilis na nakalapit ito sa kanya. Parang tumigil ang ikot ng mundo ng maramdaman ang mga palad nito sa balat niya. It was intoxicating.

Napatango na lang siya habang nakadikit pa rin dito ang mga titig niya. Pakiramdam din niya ay hindi siya kumukurap. She wanted to seize that moment. Dahil baka wala ng next time.

Dahil nakaupo na siya ng maayos ay bumitaw na ito sa kanya. Umupo na ito sa harap niya. He started to sign her album. He even held her hand while doing that. May sinasabi ito sa kanya pero hindi niya maintindihan iyon. At ang dami niyang gustong sabihin dito pero nawala lahat ng mga salitang pinraktis niya three years ago pa. Nawawala siya sa tamang katinuan.

"I love you." Iyon lang ang tanging mga salitang nakapa niya. Napahinto siya. Bakit pakiramdam niya ay isa siyang teenager na nagco-confess sa long time crush niya? Na para bang hindi siya matatahimik kapag hindi niya ginawa iyon. At bakit umaasa ang puso niya na mag-i-I love you din ito? Na kung hindi nito sasabihin ang mga gusto niyang marinig ay magugunaw ang mundo niya?

Muli nitong sinalubong mga mata niya. "I love you too."

Nang mga sandaling iyon ay parang nag-heart drop ang puso niya. Parang isinasayaw siya sa cloud 9. Hindi niya maipaliwanag ang sobrang sayang nararamdaman niya. Mahal din siya ni Kaden. Naramdaman niya ang sincerity nito.

"Excuse me, next na po." Anang isang staff sa kanya. Ibig sabihin ay umalis na siya sa pwestong iyon dahil time's up na.

Can't she just stay there forever? Basag trip ito.

She smiled once more to Kaden. "Bye," Gumanti ng ngiti at tango ito. Pero kahit ganoon man ay masaya siya na finally ay napakita niya dito ang existence niya. Teka—napansin kaya nito ang make-up niya? Ang suot niyang dress at heels?

"Kaden, I love you."

Narinig niyang sigaw ng fan na kasunod niya. Hindi pa siya nakakalayo kaya maririnig pa niya ang pag-uusapan ng mga ito.

Narinig niyang bumuntong-hininga si Kaden. "I think I need to put some ointment for you. Dahil masasaktan ka lang…"

Nakatalikod siya sa mga ito kaya hindi niya makita ang reaksiyon ng fan. Mukhang natahimik ito dahil nasaktan ito sa sinabi ni Kaden. Lihim siyang napangiti dahil nag-I love you too ng walang alinlangan si Kaden sa kanya.

Napalingon siya sa mga ito dahil humaba ang katahimikan.

She heard and saw him laughs. "I was kidding. I love you too… A-Avvy?"

Tila nalaglag ang mga balikat niya. Nakita niya kung paano agad na lumiwanag ang mukha ni Avvy. Nakita pa niya kung paanong pinisil ni Kaden ang mga kamay nito. Nag-I love you too din ito sa kanya pero hindi niya narinig ang tawa nito. Hindi siya biniro nito. And yes, he could say 'I love you too' to anyone of his fans. Kasi nga mahal na mahal nito ang mga fans nito.

Hindi niya maintindihan pero may mali sa nararamdaman niya. There is something piercing her heart. Hindi siya pwedeng masaktan ng ganoon dahil fan lang siya. At saka hindi naman siya in love kay Kaden. She just admires him, a lot.

But why the heck am I feeling this way? Pakiramdam niya ay nobya siya nitong pinagtaksilan. Sira na ang ulo ko!