SA LIBRARY.
Diretso ang lakad papasok ng library. Binigay sa teacher ang i.d. ko saka walang lingon lingon na tinungo ang hilera ng mga libro.
Dito ako tumatambay tuwing gusto kong mapag-isa. Iniwan kasi ako nila Joyce. Di ko alam kung saan sila pumunta. Diko sila mahagilap. Nagpatawag ang Principal ng meeting sa mga guro namin kaya maingay ang mga esdyante. Nagsilabasan ng room. Maraming tumambay sa gym. Ayoko rin duon. Nakakarindi ang ingay.
Patuloy akong sa paghahanap ng librong babasahin.
"Pssstt.." may sumitsit. Kinalabutan ako. Wala naman kasing ibang tao maliban sakin.
Damn!. Tama ata yung bali balita na may multo dito. wah!..
"Pssstt!." umulit na naman.
Tatakbo na ako ng makita ang sutil na kapatid ko. Tawang tawa. Pero walang tunog. Hawak ang tyan sa pagpipigil lumabas ang boses.
"Bwiset ka!. Akala ko may multo na e.." lapit ko sa gawi nya. Tabi ng bintanang nakasara. Di pa rin ito tumigil. Hanggang sa napukpok ko na sa ulo. Abnoy e!.
"Aray. Hahaha.." mahina pa rin ang kanyang halakhak.
Umupo ako sa harapan nya at nangalumbaba..
"Anong ginagawa mo dito?.." tinaasan ko sya ng kilay. Aba himala ata ang makita ko syang dito sa library tumatambay. Nagbabagong buhay ba?. O may nagpapabago ng kanyang buhay?. Let me see.
Itinaas nya lang ang librong nakabukas saka notebook at ballpen na parehong kulay pink. Pusa!. Pink!. Saan nya napulot yun?. Ito ba yung sikreto nya samin. Ang bakla sya?. Errr!. I can't!!!..
"Di nga?."
"Oo nga.." mabilis nyang sagot sabay sulat sa notebook. Sumasayaw ang kilay ko. Pati ang nguso ko di mapakali sa nakikita.
Sinaniban ba sya?. Bakit andito to ngayon?. Himala!. Napakalaking himala!.
"Sayo ba yan?.."
"Oo nga!.." yun pa rin ang kanyang sagot na ikinagulat ko ng todo. What the fact!!. Really?.
"Really?.." kumakawala na ang ngiting tagumpay sakin. Pero di nya ito makita dahil masyado syang abala sa libro at note na pink.
"Tsk. Pwede ba, wag kang maingay.. Naguguluhan ako sayo e.." kamot pa nito ang ulo saka tinignan ako. Ngumiwi agad ang kanyang mukha ng makita ang ngisi ko.
"So, bro. You know. You are not really my bro. You're my bruh?.." kunwaring seryosong tanong ko. Natameme sya sakin. Got you bruh!. Lol!.
"Tsk. Insane.. Anong sinasabi mo dyan?.."
"Haha.. kuya it's okay. Kaya ko namang ilihim sa bahay ang tunay na ikaw. You know bruh. I really want to have an ate.. Ate.." pinitik nito agad ang noo ko. Muntik pang mabilaukan sa laway na di malunok dahil sa tawa.
This is crazy!. Hard crazy!.
Hindi lang isang pituk ang ginawa nya sakin. Mula noo, ilong at labi.
"Ouch Kuya!.." napalakas ang aking boses.
"Sssshhhh!.." sita ng librarian.
"Bakla ka talaga!.." tukso ko pa rin.
Sumeryoso na ang kanyang mukha. Delikado. Galit na to. It's your time to shine Bamby!. Go for it!.
"Wag mo ng babanggitin ulit yan Bamby.." nagsimula na ulit syang mgsulat. Seryoso talaga. Salubong ang kilay.
"Bakit naman?. Ayaw mo bang may makaalam?.."
"Damn!. Pwede ba tigilan mo ako!. Hindi ako bakla!." diin nito sa mga sinasabi. Pikon na.
"E bat sabi mo, sayo yang kulay pink na yan?.." nguso ko sa hawak nyang ballpen at notebook.
Buntong hininga na sya.
Warning sign!.
Stop it Bamby!.
"A'right!. Di na ako magsasalita. Mapagkakatiwalaan mo naman ako. Kaya no problem.." padarag itong tumayo dahilan para bumagsak ang pwet ko sa sahig sa gulat. Tawang tawa.
Sinita na naman ako. Kami. Kaya nagwalk out yung pikon. At sa dinaanan nya, dun nakatayo sya. Takang nakatingin sa kapatid kong nilampasan lang syang hawak ang librong nakabukas tapos binalik sakin ang kanyang tingin.
Shet!. Anong itsura ko?. Tsaka anong ginagawa nya dito?. Akala ko matatahimik ako sa library pero hanggang dito ginugulo pa rin ako ng mata nyang nakamasid ng palihim.