Last subject na namin nang pumasok ang aming teacher.
"Bamby, you are excused. May meeting raw kayo. Sa conference hall.."
Agad ko ng inayos ang mga gamit ko, nagpaalam saka lumabas. Nilalagay ang hawakan ng aking bag sa balikat ko kasabay ng lakad.
"Hey, Bamby!. Wait!.." tawag ni Ace. Binagalan ko ang lakad. Dinig kong tumakbo sya para pumantay kami ng lakad. Nag-ayos pa ito ng kanyang buhok ng sumabay na sakin.
"Conference hall?.." sambit nya. Di ko matukoy kung tanong ba nya iyon o nasabi lang nya.
"Hmm.." tamad kong tugon.
Lumingon ito. Tumagal ang kanyang titig ng ilang minuto. Nakakailang.
"Bakit mo ginawa yun?.." tungkol sa kaninang umaga. Di ko yun gusto. Ayokong isipin ng iba na totoo nga ang iniisip nila.
"You're still into that?.." may ngisi pa sa kanyang labi.
Bwiset!.
Plok!!.
Isang hampas ng notebook ang tumama sa kanyang braso dahilan para sya'y magreklamo.
"Awww!.." hinawakan ang tinamaan.
Umirap ako't iniwan syang patuloy sa reklamo.
"Bamby!.."
Di ko sya pinansin. May kalayuan ang hall kaya mahaba ang ground na dinadaanan namin.
"Bamby!.." patuloy nyang tawag. Pero wapakels.
Nang matanaw ang hall, nagdahan dahan na akong naglakad. Nakayuko. Sa patag na semento nakatingin.
"Aray!.." nauntog lang naman ako kay Ace na nakatayo na sa harap ko. Agad nagsalubong ang hiwalay kong kilay.
"Anong ginagawa mo dyan?.." seryoso ang mukha nya. Mas lalong nadepina ang maganda nitong mata. Kulay abo.
"Baka kasi madapa ka. Kaya humarang na ako. Baka sa iba ka pa kasi mauntog e. Masaktan ka pa.." yung salubong na kilay ko nadagdagan na ng kunot na noo. Kakaiba yung dating ng sinabi nya. Double meaning.
"Tsk. Wala ka na dun.." sa mata ko sya tinignan.
Seryoso pa din ang mukha nya. Nakakapanibago. Ako dapat ang ganun ang mukha e. Inunahan ako.
"Hindi ako mawawala dahil kahit saan ako magpunta... naaalala pa rin kita.." mahiwaga pa nyang dagdag. Ano kayang nangyayari sa taong to?.
Humugot ako ng malalim na hininga. Inaalis ang pilit sumisiksik na katanungan sa mga sinasabi nya. Ang weird nya gumalaw lately. Nakapagtataka.
"Ano bang sinasabi mo dyan Ace?. Tara na nga. Gutom lang yan. Kumain ka ba kanina ha?.." nilampasan ko sya habang sinasabi ang mga yun. Ace ang tawag ko sa kanya tuwing ssryoso ako. Alam na nyang ayokong pag-usapan ang kahit na ano ngayon.
Pumasok ako ng hall. Maingay na. Andun na ang ibang mga grade level. Si Denise at Jaden, nasa unahang upuan. Magkatabi.
"There you go. Here Bamby, where's Ace?.." anang isang guro. Bakla rin.
"Sorry we're late.." biglang narinig ko ang boses ni Ace saking likuran. Tinaasan lang kami ng kilay ng guro saka itinuro ang aming upuan. Sa tabi ng naunang umupo. At sa mismong tabi pa ni Jaden. Damn!.
Ingat na ingat akong umupo sa silyang katabi nya. Pigil ang hininga.
"Hi.." bati nya sakin. Nginitian pa ako.
Sasagot na sana ako ng dinungaw ako ni Denise. Kaya isang pilit na ngiti lang ang kaya kong isagot dito.
Ayoko ng dagdagan pa ang sakit ng ulo ko. Baka mahimatay lang ako.