Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 22 - Chapter 22: Pilosopo

Chapter 22 - Chapter 22: Pilosopo

Mabilis ang tibok ng aking puso. Para akong nakipaghabulan sa mga aso sa labas ng aming bahay dahilan para mamuhay ang kaba sa aking sistema. Maliliit na butil ng pawis ang namuo sa aking noo at ilong. Tanda ng pagkabalisa ko sa taong nasa aking tabi.

"Andito na ba ang lahat?.." kembot ang kanyang beywang sa bawat paghakbang.

"Yes sir.." sagot ng iilan. Ako. Wala akong lakas. Hinihigop nya lahat. Iba ang pwersang dinudulot nito sakin kapag ganitong magkalapit kami. Para akong plastik bag na kapag dinikit o nilapit sa nagliliyab. Tunaw.

"E bakit iilan lang ang dinig ko?. Nasaan ang iba?.." may halong sarkasmo ang himig nito. Na damn!. Sakin pa tumingin.

"Yes sir.." ulit naming lahat. Nakisali na ako para mabawasan man lang ng kaunti ang hanging di ko mapakawalan.

Tumango sya kasabay ng pagtaas baba ng kanyang kilay. Nakuntento sa narinig.

"Alam nyo naman na siguro kung bakit tayo narito noh?.." maarte nyang sabe. Naglakad mula kanan pakaliwa. Syempre, may kembot iyon.

"Yes sir.." kaming lahat. Pasimpleng nagnanakaw ng tingin ang makulit kong mata sa katabi. Di makatiis. Susmiyo Bamby! Concentrate girl.

"Magme-meeting lang tayo ngayon. Bukas na tayo mag-uumpisang magpraktis. Ayos lang ba sa inyo yun?.."

"Yes sir.." sagot ng lahat.

Pero may isang naiba. ang lakas pa ng pagkakasabi nya. Loko kahit kailan.

"Yes, sir yes.." Ani Ace. Natigilan sya agad sa nahuling nagsalita. Tinitigan ng mabuti si Ace. Ngumingiwi pa ang kanyang labi na para bang titirisin na nya ito ng wala sa oras.

"Yes?. What grade level are you?.."

"First year po sir.." tumayo sya bago sumagot. Proper way to answer questions. Buti alam nya. Naku! Dahil kung hinde, hindi lang lagot ang aabutin nya kundi kalagot lagot!. Lol!.

Tumango na naman sya. "You're with them?. " nginuso kami. Malamang damay na kami. Loko ka talaga Ace!. Humanda ka sakin mamaya...

"Yes sir.." yan kasi. Sumobra ka pa ng yes kanina. Special attention ka tuloy.

"Who among them is your partner?.." patuloy pa rin. Bwiset!. Pahamak ang kumag. Ang daldal kasi e.

"Sya po sir.." itinuro ako. Tumagal ng ilang segundo ang tingin sakin bago tumingin muli sa kanya tsaka bumalik ulit sakin. Di kaya sya nahilo?.

"Hmmm.. nice.. 'kay sit down. Yes sir lang ang kailangan ko ha. Huwag mo nang pasobrahin.." masungit nyang sambit.

Ang loko. Sumaludo pa. Naku!.. Di ako nakapagpigil. Kinurot ko ang kanyang braso sa likod.

Mas loko. Kinurot din ako sa pisngi. Shems!. Sa mismong harapan pa nya. What ya doin' Ace?!!....

Tumagal ng tatlompung minuto ang meeting. Ang dami nyang gustong gawin. Sana rin magawa namin. Ngayon palang kinakabahan na ako.

"Bamby!." may tumawag sakin pagkalabas ko ng hall. Si Dennis. Barkada ni Kuya Lance.

"Kanina ka pa hinahanap ng kuya mo. Galit na galit.." sinalubong na ako.

"Bakit daw?.." papalapit na ako sa kanya. Nakaupo kasi ito sa loob ng kubo.

"Uwi na raw kayo kaso di nya alam kung asan ka..."

Lihim kong nilagay sa noo ang likod ng palad ko. Ngayon, ako ang malalagot neto.

"Hindi ba sya nagtanong?.." bat di nya alam?. Dapat nagtanong rin sya. Engot kasi minsan e.

Nagkibit sya ng baliikat. "Dalian mo na lang baka iwan ka pa nun.. Kanina pa nagpapaulan ng mura e..."

"E ikaw?. Bakit ka andito?.."

"Natamaan lang naman ng lintik na mura nya. Kaya hinanap na kita. Ang engot rin kasi minsan. Di muna magtanong bago magdrama ng napaka-oa." natatawang anya. Alam din nito na may topak minsan ang kapatid ko. Mabuti nalang gets nila iyon at di rin nila kayang iwan nalang basta ang likod nya.

Di ko maiwasang humagalpak sa kanyang sinabi. Tama nga naman sya. Yun nga rin ang tanong ko. Bakit di sya nagtanong?. Haist Lance Eugenio!. What's going on?.

"Ganun ba. Sige. Salamat kuya. Mauna na ako.." paalam ko dito saka mabilis ng dumiretso sa parking lot. Pagkakita ko palang ng sasakyan namin pumasok na ako. Pinaandar nya agad ang sasakyan. Pinatakbo ng mabilis. Here we are superman!. Vroommmmm....