"What no?!.." takip ang mga tainga ko habang tumitili. Panay lang ang hagalpak nya.
"Hahaha.." ang sarap ng tawa nya. Abot mata ang ngiti ng kanyang labi. Hawak ang tyan sa kakatawa. Kamuntik pa kaming mabunggo dahil sa kaliwang kamay lang ang may hawak ng manibela. Shit!.
"Can you please... stop laughing. Focus on driving.." turo ko ang kanyang harapan. Maraming sasakyang nag-uunahan. Inilingan nya lang ako. Di mawala ang ngiti.
"Are you denying?.."
"What no?!.." agap ko. Natawa na naman sya. Damn Bamby!. Focus!.
"I mean, I am. He's not my c-crush.."
"Oh little sister of mine. Stop denying. I caught all your actions.." natigilan ako sa mukha nyang masayang masaya sa ibinalita.
Para tigilan na ako. Kailangan kong kagatin ang mga sinasabi nya. May katotohanan naman kaya dapat ko lang tanggapin na may ibang tao nang nakakaalam na gusto ko nga ang taong yun..
But wait?. Paano nya kaya nalaman?. Sino kayang nagsabi sa kanya?. One big problem. May mga suspek ako. Either Joyce o Denise?. O di lang sila ang nakakaalam. Marami pa. Oh gosh!. That's hell!. Fierry hell for me.
"Sumali ka ba sa patimpalak na yun para mapansin ka nya?.."
"That's a big damn no kuya. Saan mo nalaman ang tungkol dito?." who is his source/s?.
"Someone.." maikli nyang tugon. Iwas pa ang tingin. May something. I feel it.
"Someone?. Is a he/she?.." taas ang aking kilay. Di maiwasang mang-usisa.
Nagkibit lang ito ng balikat saka hinagod ang buhok. Pusa!. Feeling gwapo!.
"No need to mention.."
"Haist!.. Kung alam mo lang.." wala sa sarili kong sambit. Mahabang buntong hininga ang pinakawalan ko.
"Bakit?.." interesado ang loko. Kumpirmadong may tagabalita nga sya.
"Hindi ko gustong sumali ng intrams.."
"Hah?!. E bakit kamo umatend ka ng meeting?. Ang gulo. " takang tanong nya.
"Hindi ako sumali. Isinali lang nila ako. No choice dahil teacher na namin ang nagdecide ng final.."
"Sun of a beach!." mura nya.
"Asshole!.." mura ko sa kanyang mura. Bastos e.
"Wala ka ngang pag-asang manalo kung ganung isinali ka lang. Magaganda pa naman kalaban mo. Baka di ka pa nya mapansin.." isang sapak ang natanggap ng bastos nyang bibig. Mabilis itong nagreklamo.
Inirapan ko ang kanyang nguso.
"Whatever. I don't mind.." yun ang sinabi ko upang itago ang sakit na nararamdaman ko sa mga sinabi nya. He is off limit. Too loud. Walang pakialam sa feelings ng ibang tao lalo na ako. Masakit malaman ang totoo. Pero mas lalo palang masakit kapag nanggaling na ito sa mismong kapamilya mo. Para itong patalim, isinaksak sakin ng madiin.
"Talaga?. You don't mind what will be his on mind?.." natigilan ako. Wala na ba akong pakialam?. E kanina nga lang na katabi ko sya. mukha na akong uod na nabudburan ng asin. Di mapakali.
"Mahirap no?. One sided love?." biglang naging seryoso ang kanyang tinig. Di ako sumagot. Sinabi nya pa. Masakit na ngang umasa e. "Ganyan din ako noon. Mahirap umasa sa taong alam mong may mahal ng iba. Mahirap magmahal sa isang tao na minamahal na ng iba. Masyadong kumplikado kung makikisiksik ka pa.." makahulugang himig nya. Di ko inasahan ang pagiging seryoso ng taong may topak. Sa kanya ko pa nalaman ang ganuong bagay. Batay nga sa mga salaysay nya, may experience na sya. Sino kaya ang babaeng nagustuhan nya?. Malalim ang iniwan nyang bakas sa kapatid kong loko loko.