Pagdating ng bahay. Nadatnan pa namin ang grupo ni kuya Mark sa may sala. Abala sila sa laptop at maraming papel.
"Hey Bamby, kanina pa nag-aalala si Mama sa inyo.." bati nya sakin ng ibaling ng ilang sandali ang mata nyang tutok sa ginagawa. Naglakbay ang malikot kong mata. Hinahanap ang taong topic lang namin kanina. Wala sya. Mabuti nalang. Makakagalaw ako ng maayos. Kaya siguro ako nahalata ni Kuya Lance ay dahil di rin ako nag-iingat sa mga kilos ko tuwing andyan sya sa paligid. Damn!. Paano ba dapat kumilos tuwing nasa malapit ang crush mo ng di nahahalata nang ibang tao?. Maging estatwa?. Huwag huminga?. Pilit na ngiti?. At tipid na salita?. Ganun ba?. Sa isip ko palang ginagawa ang mga yun, kayhirap na. Paano nalang kung totohanin na?. Dobleng hirap na.
"May hinahanap ka?." nakataas na ang sulok ng labi ni kuya Lance. Sinundan ako hanggang kusina. Nilagpasan ang mga taong nasa sala.
I just glared at him.
"Oh ho!. Haha.. chill ya.. Just asking.." nakataas ang dalawang kamay nito. Nakaharap sakin ang kanyang mga palad. Sumusuko.
"Jusko!. Saang lupalop kayo galing mga bata?.." histeryang yakap sakin ni Mama saka hinila si kuya para sabay kaming yakapin. Tinulak pa ako ng kaunti ng magaling kong kapatid dahilan para mapaatras ako ng ilang dipa ke Mama.
"Gumagabi na pero di pa kayo umuwi. Bakit?.." ako ang unang kumalas kay Mama. Tinignan nya ako ng may nagtatanong na mukha. Naiwan naman ang Mama's boy sa kanyang bisig. Nakapatong pa sa kaliwang balikat ni Mama ang baba nya. Naglalambing. Haist!..
"Hinintay ko pa sya Ma. Umatend pa kasi sya ng meeting kanina kaya natagalan kami.." si kuya ang nagsabi. Umupo ako sa may bar counter. Kumuha ng basong may lamang juice at nilagok. Matapos uminom. Kumuha ako ng isang pirasong biskwit at kinagatan ng maliit.
"Para saan yung meeting hija?.." tanong sakin ni Mama. Nakaakbay na silang pareho sa kanilang mga balikat. Pareho ring nakatingin na sakin.
"Kasali raw sya ng intrams.." hindi na normal ang laki ng mata ni Mama. Bumuka ito ng husto. As in.
"Ma wag oa.. di ako nagvolunteer para dun.." agad kong paliwanag. Baka sumigaw sa tuwa e. Mabulabog pa ang walang imik naming kapitbahay.
Kumurap kurap lang sya sakin. Alam ko na kung saan nagmana ang taong katabi nya. Sa kanya mismo. Kaya pala Mama's boy ang bata.
"Sigurado kang kakayanin mong sumali dun anak?. Maraming manonood sayo sa stage.." nag-aalala ang kanyang himig.
Alam kasi nya na mahiyain ako. Di sanay sa mata ng napakaraming tao. Kaya sinisiguro nya ako.
"Wala akong choice Ma. Teacher ko na ang nagdesisyon.."
"What about your decision?. Hindi ba mas mahalaga yun?.."
Naisip ko rin yun. Pero mas nanaig sakin yung unang sinabi ni Winly sakin. I need to explore. I need to be out of my comfort zone. Oras na rin siguro to. Kaya kahit manginginig ako pagtayo ko ng stage, tatapusin ko ang sinimulan ko.
"Desisyon ko pong sumali na talaga at wag nang kumontra. Baka ito na po yung oras para mawala na ang hiya ko. Hehe.." I laughed at the end to enlighten her mood. Para payagan rin ako.
Ilang minuto pa muna bago sya tuluyang tumango at lumapit sakin. "Okay nak. I'll support you whatever you want to do..."
"Salamat po Ma.." malaking puntos ang pagpayag ni Mama sa pagsali ko sa unang patimpalak na sinalihan ko sa tanang buhay ko. Akala ko noon hinding hindi mangyayari sakin ang ganitong bagay. Pero ngayon, gosh!. Iniisip ko palang ang dami ng tao sa aking harapan plus si Jaden sa aking likuran. Damn!. Mawawalan ako ng hininga neto.