Maging sya, isinama ni kuya Mark sa bahay. Nilampasan ang bahay nila bago samin. Ang sabi pa. Sabay nalang daw nya ihatid silang dalawa. He's so great!. Naku!. Kung alam nya lang na kulang nalang di ako huminga sa loob ng kotse nya. Baka, humiyaw na ito sa takot at kaba. Baka pa nga, pababain nalang basta sa kung saang daan kahit madilim. Ganun. Kung si Kuya Lance ang bully ng buhay ko. Sya naman ang saviour ko. Kakampi ko sa lahat ng bagay kaya kami magkasundo. Di tulad ni kuya Lance.
"Ma?.." tawag nya agad kahit nasa garahe palang kami.. Nagmadali namang lumabas si Mama. Hawak pa ang tabo at bimpo.
"Ano yun?.." agad dumapo ang mata sakin ni Mama bago sa taong sunod na lumabas ng kotse. Si Jaden at ang huli ay si Ace.
"Aa!?.." malaki ang kanyang matang bigkas. Tumawa lang naman ang tinawag nya. Tumabi ako at pinadaan sya.
"Good evening tita.." bati nya saka humalik.
"Kailan pa kayo umuwi?.." nilapag sa semento ang tabo at nilagay sa balikat ang bimpong hawak saka nya niyakap ito.
"Last three months pa po.. hehe.."
Agad kumalas si Mama sa kanya. "Ano!?. Matagal ka na palang bumalik tapos di ka man dumalaw dito?.."
"Hehe.. sorry po tita. Busy po kasi ako sa school.." paliwanag nya na malaki ang ngiti. Si Mama, di pa rin makapaniwala. Bago kasi umalis ang mga ito. Nagpaalam nang dun na sila titira sa Australia. Tapos ngayon bigla silang bumalik. Ano kayang dahilan ng pag-uwi nila?.
"Ma, andyan na ba si Bamby?.." lumabas ang bulto ni kuya Lance sa pintuan ng garahe. Nakasuot ng itim na sando at pajama habang nasa loob ng bulsa ang dalawa nyang kamay. Nakipag-apiran pa kay Jaden bago bumaling rin kay Ace.
"Ace.." nagyakapan ang dalawa.
"Kuya. Long time no see." tawa nya. Nagtawanan silang dalawa.
"Pasok na muna tayo.." si Kuya Mark. Akay si Jaden. Ako, nagpahuling pumasok. Gusto ko na sanang humilata at magpahinga sa kwarto ko. Pero pano?. Nakakahiyang iwan ang mga bisita.
"Saang school ka nag-aaral hijo?. Bakit walang tawag ang Mama mo?.." di pa nakakaupo si Ace ay nagsalita na sya.
"Sa St. Mary School tita.." mabilis tumingin sakin si Mama. Nagtataka. Nagtatanong ang mga mata.
"Classmate sya ni Jaden Ma." yun lang ang naisip kong paliwanag.
"Alam mo!?." sambit nya. Pinagdikit ko ang aking mga labi bago tumango. Sinasalubong ang madilim na nyang mata.
"Ma, wala akong oras na sabihin sa inyo.." patuloy kong paliwanag.
"Tita, wala pong kasalanan si Bamby. Busy po talaga kami sa school." singit ni Ace. Nakangiti pa rin.
"Here we go again Mark. The Ace saviour of little Bamby..." tiningala nya si kuya. Nagtawanan ang dalawa kong kapatid na lalaki kasama ni Ace at Mama. Si Jaden, pilit ang ngiti ng nagtama ang aming paningin. Damn!. Go home Jaden. Now. Ako nasasaktan sayo dito e. Out of place ka e.
Mabuti nalang at tinanong sya ni Mama. Nakahinga ako ng maluwag.
"Classmate mo sya Jaden?. Bakit ngayon lang kayo umuwi?. Kamusta praktis anak?.." sabay talaga ang tanong nito sa isang salita. Ganyan si Mama. Multitalking. Lol.
Si Jaden ang unang sumagot. Sya unang tinanong e.
"Opo tita.."
"Bakit ngayon lang kayo?.. Gabi na.."
"Kakatapos po ng praktis namin tita.."
"Ng intrams?. Kasali ka rin?.." nagtataka na naman.
"Opo tita. Kami po nila Ace at Bamby at yung kaklase naming babae.."
Napalunok ako ng marinig ang pangalan ko mula sa kayang bibig. Ang sarap pakinggan. Para itong kanta na nagpaulit ulit saking tainga.
"Really bro?.." nakataas ang mga kilay na usisa ni kuya Lance. Sakin pa nakatingin. Damn you!. Kuya....
"Oo bro." inosenteng sagot nya sa kapatid kong may double meaning na sinabi.
"Wow..kaya pala.. haha.." hagalpak nya. Nang-aasar ang tinig. Ang sarap batuhin ng malaking bato!.
"Lahat ba kayo umuwi ng Pinas, Ace?." agaw pansin ni Mama. Binabalewala ang tawa ni Lance.
"Ako lang po tita. Naiwan silang lahat duon.."
"Ha?. Anong naisip mo at bumalik ka pa dito?. Tsaka sinong kasama mo sa bahay nyo?.." si Mama yan. Ang daming tanong e.
"Mas maganda dito tita. Mahirap dun. Wala kang ibang makausap kundi sarili mo lang. Bumalik ako dito dahil andito ang buhay ko..."
"Sinong andito Ace?. Swerte nya naman. Binalikan mo pa.." si kuya Mark.
"Hehe. Mas masaya dito kumpara duon kuya. Andito ang mga kaibigan ko.."
"E di ba't mas masaya sana duon dahil kumpleto kayo ng pamilya mo?.." si kuya Lance.
"Syempre masaya kapag kumpleto kayong pamilya. Pero, di ko talaga kayang tumira dun. Di pa ako handa.."
"Kailan ka naman magiging handa?." patuloy nitong tanong. Nakikinig lang ako. Ganun din si Jaden. Si Mama. Nasa kusina. Maghahanda raw ng hapunan.
"After high school grad kuya.."
"Hmm.." sa wakas natigil na rin sa pagtatanong ang loko. Nagmukha tuloy syang abugado.