Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 34 - Chapter 34: Adobo

Chapter 34 - Chapter 34: Adobo

"Sorry.." hinging paumanhin ni kuya dahil duon sa pagkakauntog ko kanina. Sinabi nya lang naman ito nang nasa daan na kami pauwi. Traffic pa kaya medyo tumambay kami sa daan. Yung puso ko, parang traffic light. Hihinto sa kaba kapag wala sya. Tatakbo naman ng mabilis tuwing andyan sya sa paligid. Kaya nga dahan dahan akong kumilos ngayon baka kasi maaksidente ako, mabunggo, tumama ng sobra sa kanya. Mahulog at tuluyan nang mabaon sa ilalim. At maging pagmamahal na. Mas mahirap nang umiwas kapag ganun.

"Congrats sa inyong tatlo.. nakakaproud kayo.." daldal pa nya kahit wala ni isa samin ang umiimik. Pare-parehong nasa labas ang tingin. Nasa likod ko si Ace. Katabi nya naman si Jaden. Mabuti nalang nag-iba sya ng upuan kundi, maliligo na talaga ako ng pawis sa kaba.

Di na ulit nagsalita si kuya hanggang bahay.

Pagkababa, dumiretso na akong sofa. Umupo, sumandal, pumikit at tumingala. Pagod na pagod ang aking katawan at utak. Kaso itong puso ko, buhay na buhay. Ayaw magpahinga.

Maingay silang pumasok. Di ako dumilat. Hinayaan ko lang silang umupo sa kung saan. Ngayon ko lang to naexperience. Grabe ang hirap pala. Parang ayoko ng ulitin. Naiistress ako.

"Nak, kumain ka muna bago matulog.." humawak pa sya saking balikat. Ginigising ako. Ganyan lagi si Mama. Di yan papayag na, matutulog akong gutom.

Gising naman talaga ako. Paano ako makakatulog kung yung pampagising ko, nasa tabi tabi lang?. Suskupo!. Bakit pa kasi sinabay syang umuwi e?. Lakas mantrip talaga ng kapatid kong bully. Sarap bigyan ng isang baldeng alcohol. Pampaligo. Para maalis ang pantritrip nya. Panay pacute e.

"Nak, kain na.." dinig kong sambit muli ni Mama. Nasa kalagitnaan na ako ng paglalayag. Gitna ng tulog at gising.

"I'm tired Ma. Kumain na kayo.." tamad ang aking boses. Wala akong ganang kumain kapag ganitong pagod ako. Kahit anong pilit pa yan o maging sino man. Walang makakapagpakain sakin. Pagod talaga ako ngayon. Pagod ang buong ako. Puso't isip at katawan.

Mahabang katahimikan ang namutawi saking tainga. Walang narinig na humihinga o kaluskos sa paligid. Nasaan kaya sila?. Baka kumakain na.

Maging ang halakhak ni Winly. Nawala. Biglang naglaho. Sa katamaran kong dumilat, di ko masagot ang sariling katanungan ngayon.

Maya maya pa.

"Bamby, dinner is set.." boses ni kuya Mark ang lumitaw.

"I'm tired kuya.." halos ibulong ko na lamang ito.

"I know.. but food is waiting.." giit pa nya.

"I heard po.. let me rest. I've lost my apettite." di na muli sya nagsalita. Dinig kong papalayo ang kanyang mga hakbang.

Ilang oras pa ang nakalipas.

"Bamby, di ka kakain?. Chicken adobo pa naman ulam.." boses naman ngayon ni kuya Lance ang humirit. Pinipilit akong kumain. Kahit konti. Chicken adobo. My favorite specialty of Mama.

"No thanks kuya.." mahabang hikab ang kumawala sakin pero biglang naputol ng dahil sa dinagdag nya.

"Jaden, ikaw?. Di ka rin kakain?.." yung pikit kong mata gustong magpahinga. Biglang dumilat ng napakalaki. Diretso sa baba ni kuya Lance. Nakatingin sa harapan ko mismo. Si Jaden?. O ssssshhhh!...

What the hell!...

Wala sa sariling napaayos ako ng upo. Nahihiyang tumingin sa taong kaharap ng inuupuan ko. Anong ginagawa nya dyan?. Bakit di sya umalis, sumams kila kuya?. Anu ba Jaden?. Wag mo nga akong paasahin sa mga kilos mo. Baka maniwala akong posibleng maging tayo. Magkaroon ng tayo.

Mahalin kita ng todo. Mawala ang sarili ko ng dahil sayo.

Damn Bamby!. Don't fool yourself!. Wake up!.