Pagkatapos ng intrams. Back to normal na ang lahat sa school. At back to normal na rin ang puso kong ligaw. Nagdiwang kasi ito ng husto nung araw na nanalo ako. Lalo na't tumambay pa muna sa bahay ang taong yun bago umuwi. Sana wala syang sabihin sakin matapos kong umakyat nang di pa sila umaalis. Paano ba naman kasi, walang humpay na tukso ang ginawa sakin ng dalawa. Si kuya Lance at Winly. Binigyan nila ng clue si Jaden, kahit puro ngiti at tango lang ang sagot nito sa kanila. Mga timang lang.
Kinaumagahan.
May kumatok.
Nakahiga pa rin ako. Masakit ang puson ko. Bwiset!. Lunes pa naman.
"Nak, nasa baba na si Lance. Bilisan mo raw.." si Mama pala.
Namimilipit ako sa sakit. Pinapawisan kahit nakatutok ang electric fan. Di ko kayang sumagot dahil kagat ko ang aking labi. Pinipigilang umiyak. Hawak ang tyan. Nakabaluktot paside. Damn this. I really do hate this thing every month.. Nakakairita. Pero, wala akong magawa. Kundi indahin ang sakit.
"Bamby, malalate na raw kayo. Baba ka na.." si kuya Mark naman ang kumatok. Bumaliktad lang ako saking kama. Hindi kayang tumayo.
Badtrip!. Kung bakit nataon pa ng lunes e. It's a double hate monday for me.
"Hey Bamby!. Wala ka bang balak pumasok?. Late na tayo.." galit na ang boses ni kuya Lance. Alam ko. Mahirap maghintay sa wala. Yung tipong pinaghintay ka pero di pumunta o mas masakit, di pala dumating. Kaya ayan, para na naman syang leon, nangangapa nang tao.
"Bamby!.." pinihit na ang doorknob. Kinuha ko lang ang kumot saka tinalukbong ang paa ko hanggang baywang. May tagos na kasi. Nakakahiyang ipakita.
"What the hell Bamby!.." hawak na ang kanyang noo. He's frustated now. Masama pa ang tingin sakin. "Kanina pa ako naghihintay sayo tapos ikaw, ayan ka lang?.." sigaw nito sakin. Imbes sagutin sya, mas pinili kong pumikit nalang at indahin ang mga walang humpay nyang mura at matalim na titig. Wala akong lakas ng loob na asarin sya ngayon. Nakakairita ang maingay nyang boses.
"My goodness Bamby Eugenio. You---.." di nito itinuloy ang akmang sasabihin. Nagwalk out ata o ano. Di ko makita ang reaskyon ng kanyang mukha dahil lihim ng lumuluha ang aking mata.
Natahimik na ang kapaligiran. Pumasok na siguro. Di man lang nahalata ang itsura ko. O ang di ko pagsagot sa mga birit nya. Hays kuya!.
Nagulat ako ng may biglang kamay na dumapo sa aking noo. Medyo malamig pa ito. Kaya napadilat ako.
"Hey!. You okay?.."
Luha ko ang sumagot sa kanya. Sobrang sakit e. Para syang nalalaglag na ewan. Pati pang-upo ko nadadamay.
"Ma!. Kuya!.. si Bamby!.." hiyaw nya. Natataranta.. Nakauniporme na ito. Umaalingasaw pa ang pabangong nakadungaw sa labas. Sinisilip ang mga tinawag.
"Anong nangyari?. Nasaan sya?.." hinihingal pa si Mama. Patakbo syang dumalo sakin.
"Anak, bakit?. Anong masakit sayo ha?. Sabihin mo sakin.." lalong bumuhos ang luhang galing saking mata.
"Bamby?!..." pati ang dalawa kong kapatid, dumungaw na rin sakin.
"I'm okay. Ma-sakit lang ang tyan ko.." I sputtered.
"No you're not okay.." What is it tell us Bamby.." inis na ang boses ni kuya Mark. Nag-aalala talaga sya. Si Mama, nakatingin lang sakin. Binabasa ang bawat galaw ko. Si kuya Lance, hawak na ang telepono. Pumipindot.
Mas lalo akong bumaluktot. Nasa paanan ko si Mama. Habang kaharap ko sina kuya.
"Don't worry.. Idadala ka namin sa ospital.."
Umiling ako. Kay Mama nakatingin. Mukhang nakuha nito ang tinging ipinukol ko sa kanya.
"Boys, labas na kayo. Ako nang bahala sa kanya.."
"Pero Ma?. Mas maganda kung sa ospital nalang tayo pumunta. " si kuya Mark.. Hinawakan pa ang noo ko. Nagkatinginan sila ni Mama ng bahagya. Medyo nakaramdaman naman sya. Mabuti nalamg.
"Tara na Lance. Di ka ba papasok?.." inakbayan nya na ang isa. Sabay akay sa labas. Nagtataka ang mukha nya nang huling tumingin samin bago tuluyang isara ni Mama ang pintuan.
"Bat di mo agad sinabi?.." agad nya akong inasikaso. Tinulungang tumayo, maligo at maglinis ng higaan. Pagkatapos, pinagluto pa akong mainit na sopas. Medyo kumalma na rin ng uminom na ako ng gamot.
Damn!. Ang PMS parang love yan, masasaktan ka kung hahayaan mong saktan ka nya.. Relate ba?. Kaya pag di na kaya, hingi ka na ng tulong sa iba. Wag mahiya. Kailangan mo yan. Nating lahat. Coz no man is an island.