"Kuya, bat ka pumayag?.." reklamo ko dito nang nasa parking na kami. Wala pa si Ace. Naglilinis pa sila. Kaya heto, hinihintay namin.
"Bakit naman hinde?.." balik tanong nito sakin. Pareho na kaming nakasakay sa loob ng kotse.
"Ah alam ko na... Dahil sa kanya?.. Kaya di mo sinagot yung tanong ni Ace sayo kanina dahil kaharap mo sya.."
Di ako nakaimik. Natumbok na naman nya.
"Wag kang mag-alala. Hinde naman makitid utak ni Jayden. Maiintindihan ka nun. Tsaka, lagi naman sya sa bahay ah. Ano pang ayaw mo?."
"E kasi kuya--.."
"Kasi?.." nilingon nya ako. Hinihintay ang paliwanag ko.
"Kasi, mahal mo na sya. Kasi, baka may sabihin sya sayo?. Baka maturn off sya sayo?." anya. Sya ang kusang gumawa ng mga tanong na nasa isip ko rin. Di ko maisatinig dahil nahihiya ako.
"Hindi mangyayari yun little sister.." bakas ang paniniguro nya.
"Dahil ngayon palang nakabantay na ako. Walang pwedeng manakit sayo o magpaiyak sayo.. Hanggat nasa paligid mo ako.." natouch naman ako bigla. Paano kaya kami napunta sa seryosong usapan?. Ang weird!. Sumeryoso ang loko. Tapos ako pa kausap. Can't control my bluff. Lol!.
"Wala namang mananakit sakin ah. Bakit kailangang bantayan mo pa ako?."
"Para sigurado. Mahirap nang masalisihan. Lalo na kapag kakilala mo.."
Di na sya nagsalita muli ng dumating si Ace. Pinaharurot nito ang sasakyan papuntang bahay nila. Saka mabilis ring kumuha ng gamit si Ace. Tatawag daw kasi si Papa sa Skype. Kaya kami nagmamadali ngayon.
"Hello anak.." bungad nya sakin. Pinaupo ako ni Mama saka tumabi si Kuya Lance.
"Hello Pa.." pareho naming bati ni kuya. Wala pa si Kuya Mark dahil may pasok pa sya.
"I heard about someone.." anya.
"You knew him Pa?.." agad sumagot si kuya na kinilayan lang ni Papa. Yun ang sagot nya.
"Kailan pa?.." nagtatakang tanong ng katabi ko.
"Matagal na. Hahaha.."
"Pa?.." reklamo ko. Masama na ang timpla ng mukha.
"What?. How?..." di talaga sya makapaniwalang alam na ni Papa na si Jaden ang crush ko.
"Matagal na rin. Halata ko lang sa kapatid mo. Tuwing andito kasi yung tao na yun, nag-iiba sya. hahaha.." nginisihan na ako ni kuya. Tinulak pa ng kaunti. Tinutukso. Bwiset lang!. 3/4. Si kuya Mark nalang ang di nakakaalam. Pero malay ko rin diba?.
"Hahaha.. Ang galing mo talaga Pa. Alam ko na kung kanino ako nagmana. hahaha.." hagalpak nya rin.
Inis akong tumingin sa screen ng desktop. Kaya naman, humagalpak rin sya. Kasabay ni kuya.
"Kaya ba kayo napatawag para tuksuhin lang ako?.." singhal ko dito.
Naputol bigla ang kanyang linya. Mahina ang signal. Maya maya. Bumalik na. "Hahaha.. hindi anak.. Gusto lang kitang kumustahin.." paputol putol nya itong nasabi. Nawawala ang signal nya.
"Whatever.." irap ko sakanya. Kasabay ng pagpasok nina Mama, kuya Mark at Ace.
"Good evening tito.."
"Ace?. O good evening din hijo." gulat sya.
"Kamusta ka na dyan?. Ang sabi ng Mama mo mag-isa ka nalang dyan ngayon?.."
"Ayos lang po ako tito. Kaya nga po andito ako ngayon sa bahay nyo. Nakikiampon. Hahaha.." nagtawanan sila. "Kayo po. Kamusta dyan?.."
"I'm pretty fine here.. Medyo busy lang dahil inaasikaso ko na yung mga papeles nila papunta dito.."
"What!?."
"Whoaaaa!..."
"Yessss!..." sabay kaming magkakapatid na sinabi ito. Ang bilis naman. Parang di pa ako handa. Iniisip ko palang na di sya makita araw araw. Nawawalam na ako ng gana. Sya pa naman ang tubig ko. Kung di ko sya masilayan kada araw. Laylay mga balikat ko.